Chapter 30 Tiningnan ni Logan ang katabi habang mahimbing ito natutulog sa kanyang bisig. Napapailing na lamang s'ya at napapangiti nang maalala kung paano n'ya ginising ito kanina. Kahit ano na ang ginawa n'ya para gisingin lang 'to. Pero puro tango lamang at sabi na 'just give me five minutes, babe. Inaantok pa 'ko, e'. Kaya nang makaisip s'ya ng paraan para tuluyan 'to magising ay binuhat n'ya 'to para dalhin sa banyo at itapat sa shower. Agad s'ya pinagsisipa at pinaghahampas nito nang magulat sa lamig ng tubig. Galit na galit 'to sa kanya pero tinawanan n'ya lamang. He knew that her girlfriend is not a morning person. Kaya minsan nahihirapan rito si Manang Lourdes na gisingin ito. Alas syete pa lang ng umaga pero bumibiyahe na sila papuntang MU. May meeting s'ya sa mga empleyado n'y

