Chapter 31 Kanina pa tinitingnan ni Logan ang nobya habang kumakain. Tahimik lang ito na hindi naman ugali nito. Kanina din habang nagbibiyahe sila papunta dito sa Westernian Restaurant na pagmamayari n'ya, puro tango at oo lamang ang tanging sagot nito sa tuwing kinakausap niya 'to. "What's bothering you, baby? Is there any problem?" sunod-sunod na tanong n'ya na kinatingin naman nito sa kanya mula sa paghihiwa ng pagkain na nasa pinggan nito. "H-huh?" Halatang wala nga ito sa sarili. Lumilipad ang isipan. "Kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka man lang nakikinig. Ano ba ang iniisip mo? O, tamang sabihin na sino?" pagdidiin n'ya sa sinabi. Oras lang na malaman n'yang may iniisip itong iba. Baka makapatay na naman s'ya. "I-I'm sorry, Logan." nakayuko nitong paumanhin. Kumunot ang

