Ace’s POV "Clyde?" Bulong ko na halos ako lang ang nakarinig. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at hindi malaman kung anong gagawin. "I'm asking you." Sabi nito at mataman akong tinignan. Hindi ako makasagot. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko malaman kung nanaginip ba ako o totoong nangyayari 'to. Buhay si Clyde? "f**k it miss! Ikaw ba ang may kagagawan nito o hindi? Sagot!" Miss? Why is he calling me miss? Hindi niya na ba ko maalala? Clyde, si Haley 'to! Gustong-gusto kong isigaw 'yan pero hindi ko magawa. Hindi ako makapagsalita. Iniisip ko kung hindi niya ba talaga ako kilala o baka naman kilala niya na talaga ko pero pinili niya lang na magpanggap na hindi ako kilala? Halo-halong emosyon ang nagtatalo sa loob ko ngayon-- pagtataka, kasiyahan, at galit. Oo galit. Nagag

