Ace’s POV
"Matagal pa ba?" Inip na inip na tanong ko kila Marjorie.
Ready to go na kasi kami ni Aiza pero yung lima, nagme-make up pa.
"Sandali nalang 'to!" Sagot ni Marjorie.
"Tsk. School ang pupuntahan natin, hindi bar. Bakit kailangan niyo pang magpaganda ng ganyan?"
Ainie rolled her eyes before answering me.
"Like duh! First day kaya natin ngayon. Malamang sa atin mapupunta ang atensyon ng mga estudyante doon."
"Who cares about attention?" Bored kong tanong. Tsk. Inaantok na ko!
"Us? And besides, first impression lasts kaya so dapat maganda na agad tayo sa unang kita palang nila sa atin." Erica explained.
Nasabi ko na ba na bukod sa pagiging gangster, sumaside-line din sila sa pagiging b***h? Tss. And take note, they're so proud of being one.
"Whatever! Dalian niyo na nga lang. Maghihintay na kami ni Aiza sa kotse namin." Sabi ko sa kanila saka tumungo sa parking lot with Aiza.
Today is Monday. Meaning, ngayon ang unang araw namin sa Demori. Naayos na ni Marjorie ang mga papel namin without the help of Kanika. Okay na pala kasi talaga 'yun bago pa kami magkita ni Kanika.
"Basta tandaan mo Ace, ah? Hindi muna tayo Dark Angels ngayon, Wild Flower muna ang name ng gang natin." Pagpapaalala sakin ni Aiza.
Wild Flower kasi yung sinubmit na gang name ni Marj sa registrar ng Demori. Hindi kasi nila pwedeng malaman na kami ang Dark Angels ng California.
"Oo na, oo na. Kanina niyo pa 'yan sinasabi sakin." Ganun ba ko kalala pagdating sa memorization?
"Ang lala mo kasi pagdating sa memorization eh." Tinaasan ko ng kilay si Aiza.
Wow Aiza! Thank you for answering the question in my mind. Tss.
"We're ready!" Masayang sigaw ni Gel ng makalabas sila ng bahay.
"Finally." Bulong ko sa sarili ko. "Tara na!"
Sumakay na rin sila sa kotse nila at nagdrive na kami papuntang Demori.
***
"Who are they?"
"New girls?"
"Ang angas ng dating ah."
"May maibubuga kaya?"
Nandito kami sa tapat ng registrar at inaantay ang schedule namin na hindi pa maasikaso kasi may kausap pa yung in-charge.
Kanina pa rin ako inis na inis sa mga tsismosa at tsismoso na dumadaan at pinag-uusapan kami. Seriously, is this a school for gangsters or a school for gossip girls?
"Oh gosh, nakita niyo ba yung lalaking kakadaan lang?" Tanong ni Heide samin.
Kung ako inis na inis na, sila naman ay tuwang-tuwa sa mga nakikita nila. Hindi talaga halatang kaya nilang pumatay ng tao sa way ng pananalita at pagkilos nila.
"Oo nga, nakita ko rin 'yun! Ang hawt!" Sagot naman ni Gel.
Whooo! Bakit ba ganito ang mga kaibigan ko?
"Demison, Madroñal, Pelias, Mase, Quino, Fernandez, and Clarkson?" Mahinang sigaw ng babaeng kakalabas lang sa registrar, sapat lang para marinig namin.
"Yes ma'am?" Nagtaas si Marjorie ng kamay para malaman nung babae na nandun kami.
"Here's your schedule. Pumunta na agad kayo sa klase niyo." Sabi nito pagkaabot samin ng mga papel saka iniwan na kami.
Pare-pareho kaming BSBA ang kinuhang course kaya pare-parehas din kami ng schedules. Buti nalang talaga natapos namin yung 1st sem namin sa L.A. kaya hindi kami nahirapan sa pagpasok dito.
"Sa room 202 daw yung unang klase natin. Tara na?" Pag-aaya ni Aiza.
Tumango kaming lahat at nagsimula ng hanapin ang room 202. Buti nalang malapit lang ito sa registrar kaya nakarating agad kami dito within 10 minutes.
Walang katok-katok na binuksan ko ang pinto ng 202. Huminto sandali ang lahat sa ginagawa nila.
"Yes?" Tanong ng baklang professor samin. Paano ko nalaman na bakla siya? Wala, feeling ko lang.
"We're the new students." Walang gana kong sabi.
Tinaasan niya kami ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa.
"Ahh. Kayo pala yung late-enrolled students. Sige, introduce yourself first bago kayo umupo." Sabi nito at gumilid muna para makapag-introduce kami sa gitna.
Unang pumunta si Ainie sa harapan at nagsalita.
"Hello guys! My name is Ainie Quino of Wild Flowers Gang. Pwede ring Ainie Queen-nyo. Hahaha! Kidding!" I can't help but roll my eyes. Geez, bakit palala sila ng palala?
Akala ko marami ang tatawa sa sinabi niya pero nagulat ako ng wala man lang nagreact.
Pagtingin ko sa kanila, nalaman ko na wala palang nakikinig samin. Busy silang lahat sa pakikipag-tsimisan, pagse-selfie, at pagtulog.
"Okay, next?" Tanong nung prof namin. Seriously, hindi niya ba napapansin na wala naman yung atensyon nila samin?
Hindi nalang kami nagreklamo at nag-introduce pa rin. Natapos na yung anim at ako na ang sunod.
"Ace Hale--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may babaeng pumasok at nagtititili.
"Oh my ghaaad! Papunta na dito ang Death Penalty!" Sigaw niya saka tumakbo agad sa upuan niya at nagbehave na akala mo ay walang nangyari. Yung iba ko namang mga kaklaseng babae ay nagtilian lang sandali pero pinilit nila iyong pigilan at nagbehave. Yung mga lalaki naman ay umastang maangas. Pati yung prof sa tabi ko ay biglang nag-ayos ng itsura.
What's happening on Earth?
Hindi tuloy namin maiwasang magkatinginan ng mga gangmates ko.
Nang makamove-on na kami sa kawirdohan ng mga kaklase namin, nagsimula na ulit akong magpakilala.
"As I was saying, my name is Ace--"
BLAG!
Damn! Hobby ba ng mga tao ditong putulin ang sinasabi ko?
Tumingin ako ng masama, dala ng pagkairita, sa mga taong dumating at nakita ang pitong maangas na lalaki na mukhang bored na bored.
"Morning." Bored na sabi ng lalaking hanggang balikat 'yung buhok.
"Hello Dustin!" Maarteng sabi nung babaeng nakaupo sa unahan.
"Hello babe." Sabi nung isa sa mga bagong dating sa babae pero hindi man lang ito tinignan at dumiretso na sa upuan nila sa pinakadulo. Pero yung babae, kilig na kilig pa rin.
"Hi Adrian!" Bati naman ng katabi nitong babae sa long-haired guy.
"Shut up." Sabi lang nito na kinatahimik ng babae at ng buong klase.
Nang makaupo na yung pito na dumating, sinabihan na naman ako ng prof na magpakilala ulit.
Unfortunately, nawalan na ko ng ganang magpakilala. Baka maputol na naman eh. Kaya kumuha nalang ako ng whiteboard marker at sinulat ng malaki ang pangalan ko sa white board.
ACE HALEY DEMISON
Pagtapos kong magsulat ay tinapon ko nalang sa kung saan ang marker na ginamit ko saka dumiretso sa bakanteng upuan na nasa harap ng mga bagong dating na lalaki. Sumunod naman ang mga kagrupo ko na parang walang nangyari. Pinili ko ang upuan katabi ng bintana for fresh air.
Pagkaupo na pagkaupo ko, nilapag ko agad ang ulo ko sa desk para matulog.
"Do you know that you shouldn't sit in that row? That's part of our personal space." Bulong ng lalaki sa likod ko. Ito yung nag 'hi babe' sa babae kanina eh. Ano nga ulit pangalan nito? D-dust pan? s**t, I'm really terrible in remembering things!
"Tell that to those who care." Nakapikit na sabi ko. Kanina pa kasi ako inaantok. Ang aga kasi akong ginising ng mga babaeng to. Excited masyado.
"You got some attitude there huh?" Nakapikit man pero alam kong naka-smirk ang lalaking nasa likod ko habang sinasabi niya iyon.
"Tss. Shut up, I'll sleep." Sabi ko nalang para tumahimik na siya.
"What?" Bakas ang pagkabigla sa boses niya. "Wow. Another brat in the room. Pero dahil cute ka naman, I'll let you sit there."
"Psh. Whatever." Huling sinabi ko bago ako tuluyang lamunin ng antok.
"Sweetdreams, brat girl."
***
"Ace, wake up! Dismissed na tayo."
Naalimpungatan ako sa pang-aalog ni Aiza na nasa tabi ko lang nakaupo.
"f**k it Aiza. I'm still sleepy."
"Aish! May ibang magru-room dito Ace! Dalian mo na!" Hindi pa rin siya tumitigil sa pang-aalog sakin.
Hindi ko nalang siya sinagot at pinagpatuloy ang pagtulog.
"Ang aga niyo kasing ginising kanina eh." Narinig kong sabi ni Gel.
"Si Erica kasi, masyadong excited!" Marjorie.
"Eh akala ko excited din siya, eh!" Pangangatwiran naman ni Erica.
"Kailan ba naging excited yan? Kita mong wala ng ibang ginawa yan kundi mambugbog at magpoker-face eh." Sabi naman ni Ainie.
Pasalamat kayo at pinili ko nalang matulog kesa pagsasapakin kayo ngayon.
"Tsk. Bahala ka na nga diyan. Kapag nagising ka, nasa canteen lang kami ah?" Aiza.
"Hmm." Sagot ko nalang para tumigil na sila.
Maya-maya pa, narinig ko na ang paglabas nila sa room at ang kapayapaan na hatid noon sa inaantok na kagaya ko.
Ilang minuto muli ang lumipas, may narinig na naman akong tunog ng mga heels sa sahig.
Sino na naman ba itong mga ‘to? I'm sure na hindi sila ang mga gangmates ko dahil nakaheels man ang ilan sa mga iyon, hindi mo maririnig ang tunog ng heels nila pag naglalakad. Those girls move like ninjas.
Hindi ko nalang pinansin ang mga dumating at pinagpatuloy ang pag-idlip ko kahit parang nakapikit lang ako dahil alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko.
"Girl, sino 'yan?"
"Idk. Mukhang hindi naman natin classmate dahil iba ang design ng uniform."
"Ano ba yan, akala ko pa naman tayo lang ang nandito. Gusto ko pa namang practice-in yung audition piece ko sa cheerdance."
"Ako ng bahala. Papaalisin ko."
"Yey! Go Kim!"
Narinig ko ang dahan-dahan na pag lapit sakin ng isang babae.
"Hey." Sabi nito at inalog ako.
Tsk. Kailan ba ko matatahimik??
Hindi nalang ako sumagot para malaman nilang seryoso ako sa pagtulog ko.
"Ahh. Ayaw mo kong pansinin, huh?"
"Fuck." Mahinang sabi ko nang biglang hawakan ng babae yung buhok ko saka inangat ang ulo ko at iniharap sa kanya.
Wow, thank you for putting an end to my patience.
"Take your hand off my hair." Tinitigan ko ang babae sa mata.
Medyo natigilan naman siya at tumingin sa tatlong kasama niya pero hindi niya pa rin binibitawan ang buhok ko.
Tsk. f**k to staying low-profiled!
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko gamit ang kaliwa kong kamay saka tumayo at sinampal siya ng malakas gamit naman ang kanan. Tumalsik siya pero nasalo siya ng mga kaibigan niya.
"Kim, are you alright?!"
Hindi na nakasagot yung babae dahil hinila ko ang buhok nito saka hinarap ang mukha sakin.
"Take this for ruining my sleep." Binitiwan ko ang buhok niya at sinipa siya ng malakas kaya napasandal siya sa pader.
Dahil hindi pa ako masyadong nasisiyahan, kumuha ako ng isang upuan at handa na sanang ibato ito sa babaeng umuubo na ng dugo ng biglang dumating ang mga gangmates ko.
"Ace, stop!" Sigaw ni Aiza at lumapit sakin at inagaw ang hawak kong upuan. Pero imbis na ibigay, buong lakas ko itong hinagis sa glass window ng room kaya nabasag ang bintana at kumalat ang mga basag na salamin sa hallway ng school.
"Sa susunod, kilalanin niyo muna ang mga pagtitripan niyo." Sabi ko sa apat na babaeng ngayon ay nag-iiyakan na.
"Ace, tara na." Hila sakin ni Marjorie paalis kasama ng lima ko pang gangmates.
"What the f**k happened here?" Sigaw ng isang lalaking pumasok sa room.
Dahil sa sobrang inis ko, hindi ko nalang pinansin ang lalaki at naglakad na paalis pero tumigil din ako nang mapansin na hindi sumusunod sakin yung mga kaibigan ko. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanila ay para silang nakakita ng multo habang nakatingin sa likod ko.
"Oh gosh." Mahinang sambit ni Heide.
"It's not him, right?" Wika naman ni Ainie na halata ang pagkabigla sa mukha.
"Why?" Tanong ko sa kanila dahil sobrang nawiwirduhan na ko sa mga itsura nila.
"Ikaw ba ang bumasag sa bintana?" Sabi ng lalaki sa likod ko at hinawakan ang braso ko.
Ano bang mga problema ng mga tao dito?
"Eh ano naman kung--"
Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko ng matitigan kong mabuti ang lalaki sa harap ko.
"Clyde?"