Chapter 4: Gang Fight

3318 Words
Ace’s POV ”Wait, Ace is that you?” Hindi napigilang mapakunnot ang noo ko nang sabihin iyon ng tinatawag nilang Kanika pagtapos ng pagtitig nito sakin. Kilala niya ako? “Ace Haley Demison, right?” She excitedly asked. Tinitigan kong mabuti ang babae sa harap ko. Maputi, matangkad, maganda, may class at innocent-looking. But she really doesn't look familiar to me. Wait, baka naman nakalaban na namin 'to dati? “Come on Ace, it's me! Kanika Chavez!” Nanlaki bigla ang mata ko saka binitiwan ang pagkakahawak ko sa pulso niya. Kanika Chavez? As in yung nerd pero favorite cousin ko? She must be kidding me. Tinitigan ko ulit siya ng mabuti. Medyo singkit na mata, matangos na ilong, manipis na labi at maliit na mukha. Si Kanika nga! “Kanika? Is that really you?” Hindi makapaniwalang tanong ko. “Yes cous, it's me. Gosh, I missed you!” She said and then hugged me. “Wow. You've changed a lot.” I said as I hugged her back. Still, hindi pa rin makapaniwala na siya nga ang babae na nakayakap sakin ngayon. She really looks different now. Nawala na kasi 'yung braces and thick eyeglasses niya. And from the way she looks now, hinding hindi na talaga mababakasan 'yung dating ayos niya. “Come on, Ace. It's been 4 years since the last time we met. Malamang talaga nagbago na ko.” Tapos tinitigan niya na naman ako mula ulo, maganda. “Ikaw rin, nagbago ka na. From innocent-looking to a badass chic.” Hindi ako sumagot at ngumiti nalang. She doesn't have any idea why I become like this. “Wait Ace, you know each other?” Aiza asked. “Oo nga Niks, you know her?” Her friend also asked. They all look confused. Eh pa'no ba naman kasi? Konti nalang magbubugbugan na kami kanina tapos sa isang iglap lang, super close na kami at nagyayakapan? “Uhm, yeah. Girls, meet my cousin, Ace Haley Demison." Kanika said as she introduced me to them. Imbis ngumiti ay tinaasan ko lang sila ng kilay. “No way.” Hindi makapaniwalang sabi ni Kelly, yung babaeng sinipa ko kanina. She still looks in pain but she's pretending that she's not. “Yes way, Kelly. And Ace, meet my gangmates.” Yes Kanika, I know them. Sila ang maarte mong gang-- wait, what?! “Gangmates?!” Nakangiting tumango sakin si Kanika. “You mean, you're a gangster?” “A gang leader to be exact.” Mas lalong lumaki ang mata ko. Hindi naman binababa ko siya but the last time I checked, Kanika was a weak girl. What I mean by weak is, she was always sick back then. So how come na isa siyang gangster- I mean, gang leader ngayon? “But how?" Sa dami ng gusto kong itanong, tanging 'yan nalang ang lumabas sa bibig ko. “How? Hmm.” Pinutol niya muna ang sasabihin niya at dinala kami ng mga gangmates ko sa may table nila. Nang makaupo na kaming lahat, ipinagpatuloy niya na ang sinasabi niya. “Let's put it this way. My schoolmates are gangsters, my friends are gangsters, and my boyfriend is a gang leader. Everyone around me is a gangster.” So that explains it. She lives in a gangster society. “Eh kailan ka pa nakauwi dito sa Pilipinas? I didn’t know na umalis ka na pala sa New York.” Isa pa iyon sa mga rason kung bakit hindi ako makapaniwala kanina na siya nga si Kanika. Ang alam ko kasi nasa New York pa rin siya hanggang ngayon. Doon kasi sila nakabase ng family niya. “2 years ago. And don't ask why cause it's a long story.” “Okay. And what about tita and tito? Are they here with you?” Patuloy ko sa pagtatanong. Nasabi ko naman kanina na fave cousin ko siya diba? At 4 years kaming hindi nagkita kaya naipon tuloy 'yung mga tanong ko. “Nope. They're still in New York. Hindi nila pwedeng iwan yung business eh. Alam mo namang workaholic yung dalawang 'yun diba?" Tumango ako. Kung workaholic yung parents ko, mas workaholic yung parents ni Kanika. “I agree. So sinong kasama mo ngayon?” “My boyfriend.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “You mean you're living with your boyfriend under one roof?" Okay. I know na hindi na malaking issue 'yan sa generation natin ngayon at idagdag pa yung fact na nagstay kami sa US ng matagal but hey, si Kanika 'to. She's too young for that. “No cous. I mean, I came here with my boyfriend but we're not living together. He's just always there for me." Pagdedepensa niya. “Ahh.” Sabi ko nalang at tumango. “How about you? Akala ko ba nasa L.A. ka ngayon? And your moves earlier, that's so cool! Saan mo natutunan yun? Wait, don't tell me you're a gangster too?” Nagkakatitigan kami ng gangmates ko bago ako nagsalita. “Yes, I just came here from L.A. Naboboring na kasi ako doon kaya naisipan kong umuwi na dito with my friends.” Tapos tinuro ko sila. “And about my moves, I learned those from the movies. Alam mo naming mahilig ako sa action films.” “Tss. Alam ko namang tsamba lang yun. I'm sure next time, di ka makakailag sakin." Kelly rolled her eyes and said that. Ang yabang, putek! Bugbugin kita ngayon eh. “But yes, we're gangsters. Kakasimula palang, actually. Gusto kasi namin makapasok sa Demori University.” A small lie won't kill, right? Now its their turn to look at each other. Nabigla kami ng biglang humalakhak si Kelly. “Hahahaha! You’re kidding, right? Demori University? Really?” Pinunasan niya ang luhang lumabas dulot ng pagtawa niya kanina. “Sorry girls, but weaklings like you won't survive there.” Maarte niya pang dugtong. “Kelly!” Saway sa kanya ni Kanika. “Kami mahina? Eh sino kayang sumubsob sa lamesa dahil lang sa isang sipa?” Hindi na napigilan ni Aiza ang sarili niya. “Aiza, stop it.” Kunwaring saway ko nalang, pero ang totoo  kanina pa ko nangangating sapakin itong Kelly na 'to. Stay low-profiled. “Tss.” Reklamo ni Aiza. Kinuha niya ang leather jacket niya saka tumayo. “Where are you going?” Tanong sa kanya ni Marj. “Magpapahangin lang.” Nakabusangot na sagot nito. Hindi niya na siguro matagalan ang kayabangan ni Kelly. “Sama na rin kami.” Sabi muli ni Marj. Tumayo din sila Heide at Gel. Mga short-tempered talaga itong mga 'to. “Ace, babalik din kami maya-maya.” Tumango nalang ako bilang sagot. “At ikaw,” turo niya kay Kelly, "magdahan-dahan ka sa pananalita. You don't know who you're talking to." “Aiza!” This time, tunay na pananaway na ang ginawa ko. Tsk. Sinisira ng init ng ulo niya ang plano ko. “Oo na, oo na. Lalabas na. Tsk.” Sabi niya nalang at umalis na kasama ng iba pa naming gangmates. Sila Erica at Ainie lang ang nagpaiwan kasama ko. “Your friend is so full of herself! Baka siya ang hindi nakakakilala samin.” Pagyayabang muli ni Kelly. Come to think of it, sino nga ba sila? Bakit ang laki ng takot ng mga tao sa kanila? Are they as powerful as my gang? “Kells, ano ba?” Maging si Kanika ay naiirita na rin sa inaasal ng gangmate niya. “It's okay, Kanika.” Kahit hindi talaga. “By the way, ano bang meron sa gang niyo? Bakit ang daming natatakot?” “Ah. Kasi top 7 kami na gang sa buong Cavite.” She explained. Tss. Top 7 lang tapos ganun na agad sila katakot sa grupo nito? And besides, nasa Manila kami ngayon at hindi Cavite, how come na kilala pa rin sila? Kung sa amin maiintindihan ko pa kasi rank 1 yung gang namin sa California’s 5th generation gangs, kaya hindi lang kami si Los Angeles kilala. “And besides, she's also the girlfriend of Chase Demori. I'm sure you know him dahil siya ang leader ng kinikilalang isa sa pinakamalakas na gang sa buong Pilipinas, ang Death Penalty." Sabi nung isa niya pang gangmate. Ah. So that explains it all. But wait, did I hear Demori? “Demori? As in Demori University?” I asked. They nodded. “He's the son of D.U. owner. Kaya naman kung gusto niyo talagang makapasok sa Demori, I can help you.” Kanika. That's what I want to hear. “That's good! Aasahan ko 'yan ah?” Hindi na pala namin kailangang magpakahirap para makapasok doon. “Goodluck to them.” Sarcastic na sabi ni Kelly pero hindi ko nalang pinansin. Mabilis akong magalit pero minsan nakakaya ko namang tiisin. Maya-maya pa ay nagring ang phone ko. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay nakita ko ang pangalan ni Aiza kaya sinagot ko ito agad. “Ace!” Excited na tawag sakin ni Aiza sa kabilang linya. “Yes, why?” “Pumunta kayp dito ngayon. May exciting na nangyayari.” Tinignan ako ni Ainie at Erica na parang nagtatanong kung bakit tumawag si Aiza. “Nasaan ka ba?” “I don't know. Just use your GPS. Dalian niyo na!” “Fine, fine. Papunta na kami.” Sabi ko at in-end na yung call. “What happened?” Nagaalalang tanong ni Kanika. “May ipapakita daw samin si Aiza eh. Puntahan lang namin.” Sabi ko at kinuha na rin yung black jacket ko. Tumayo na rin sila Ainie at Erica na medyo nakainom na rin. Habang nakikipag-usap kasi ako kay Kanika, nag-iinom sila. “Ganun ba? Hindi pa nga tayo nakakapagkwentuhan ng matagal eh.” Nakapout niyang sabi. Parang bata. “Next time nalang ulit. Oh, heto yung calling card ko, tawagan mo nalang ako. Bye Niks! Nice seeing you again!” Nakipagbeso ako at nag-iwan nalang ng calling card. Nagmamadali kaming lumabas sa bar at hinanap sila Aiza gamit ang GPS namin. ***   Kanika’s POV Pinanuod kong umalis si Ace at ang mga kaibigan niya. “There's something mysterious about your cousin, Nika. I can see it in her eyes.” Sabi ni Katy, gangmate kong matalino. “I agree. Parang hindi na siya yung pinsan ko. Kahit nagpapakita siya kanina ng emosyon, nilalamig pa rin ako sa bawat salitang binibitiwan niya.” Pag-amin ko. Minsan lang ako makaramdam ng ganun eh, at iyon ay tuwing galit si Chase. Sobrang cold. ‘And the way she fights? Nakakamangha.” Isa pa 'yun. Sobrang natakot ako kanina at alam kong napansin niya rin iyon. Never pa kong naka-encounter ng ganung babae. Tinignan ko ang mga namuong dugo sa pulso ko na dala ng pagkakakapit niya sakin kanina. I don't know if I should be proud of her or I should be scared of her. “Kung may tinatago man siya, I'm sure malalaman ko rin yun.” Sabi ko nalang kaya napatango sila. Tinignan ko ang calling card na iniwan niya. Ace Haley Demison, why do I feel so threatened by you? ***   Ace’s POV Sa kakahanap namin sa apat, napadpad kami sa isang lumang covered court na medyo malapit lang sa bar. “Ace, kotse 'yun ni Aiza diba?” Sabi ni Ainie nang makita ang isang black Mercedes na naka-park malapit sa court. Pinadala na kasi namin yung mga kotse namin dito sa Pilipinas one day before we went here. Hindi kasi kami mapakali kung hindi namin kasama ang mga babies namin. Kung black Mercedes ang kay Aiza, isang pulang Ferrari na top-down naman ang akin. Syempre, hindi rin magpapahuli ang mga sports car ng iba ko pang gangmates. “Oo nga, pati yung kila Marj, Gel, at Heide, nandoon din." Puna naman ni Erica. Bumaba kami sa mga kotse namin at mabilis na lumapit sa court. Hindi pa man nakakapasok sa loob, nakita na namin agad sila Aiza na nakasilip sa uwang ng bleachers sa labas. Mukhang naramdaman naman nila ang pagdating namin kaya humarap agad sila samin. “Ano bang exciting dito?” Pasigaw na tanong ni Erica. Agad tumakbo si Heide papalapit sa kanya at tinakpan ang bibig niya sabay senyas ng 'shh'. Tumango naman si Erica.  looked at Aiza and mouthed 'What's going on?' Hindi siya nagsalita at sa halip ay hinila niya nalang kami sa lugar kung saan sila nakasilip kanina. Nakita namin sa loob ang dalawang grupo ng lalaking magkaharap. Yung isang grupo ay may pito na miyembro at lahat sila ay naka-cap, tapos yung isa naman ay nasa sampu at mga naka-hood naman sila na kulay white. Hindi tuloy makita yung mga mukha nila. Ano Delgado? Nasaan ang pinagmamalaki niyong leader? Huwag niyo sabihing naduwag na yun samin?” Wika ng lalaking nangunguna sa mga naka-hoodie. Hmm. Bakit parang familiar yung boses niya? “Don't assume anything, dude. Ikaw rin, masasaktan ka lang." Sabi naman ng isang lalaki nan aka-cap. I think, siya yung Delgado. “Isa pa, any moment dadating na si Chase kaya maghanda na kayo.” Parang wala lang na dugtong nito. Kaya naman pala excited si Aiza eh. May gang fight pala na magaganap dito. “Tss. Eh baka naman puro salita lang yang leader niyo at nawawala na kapag bakbakan?" Pang-aasar pa nung lalaking may hood. “Ang angas mo rin, no? Alam mo Serrano, kayang-kaya na namin kayong bugbugin kahit kami lang pero narinig kong pangarap niyong makaharap si Chase kaya pagbibigyan namin kayo." Sagot muli nung Delgado. Chase? Where did I hear that name again? At Serrano? Hindi naman siguro siya 'yung naiisip kong Serrano, diba? Isang tunog ng motor ang narinig namin malayo palang. Mukhang nandito na yung hinihintay nila ah. “Magtago muna tayo.” Sabi ko saka nagsuot ng jacket at nag-hood. Pumunta rin kami sa tagong part ng court kung saan maraming nagtataasan na damo. Buti nalang sa likod namin pinark yung mga kotse namin at medyo malayo din. Nakita namin ang isang lalaking bumaba galing sa isang cool na motor. Tsk, meron din ako niyan sa L.A. eh, di ko lang nadala dito. Namiss ko tuloy. Balik tayo sa lalaki, hindi ko makita yung mukha niya dahil natatakpan ng black cap niya. Isa pa, sobrang dilim na rin. Pumasok siya sa loob ng court at naglakad na parang hari. “So my best friend is finally here!” Sabi nung Serrano. Best friend, huh? “Sobrang namiss mo ba ko Serrano at hindi ka na nakapaghintay ng January para makita ulit ako?" Cold na tanong nung lalaking dumating. “Don't be so full of yourself, Chase. Alam mo kung ano ang kailangan ko sa inyo. Gusto kong humingi kayo ng tawad sa ginawa niyo sa kagrupo ko.” Sabi ni Serrano. “At kelan pa namin naging kasalanan ang pagiging mahina ng grupo niyo?” “Anong sabi mo?” Nawala ang coolness sa boses nung Serrano. Halatang napikon ito sa sinabi nung Chase. “Mahina kayo.” Chase said that as if it's the most obvious thing on Earth. “Eh gago ka pala, eh!" Sa sobrang inis ay sinugod na ni Serrano si Chase pero nakailag si Chase. Sasapakin niya sana si Serrano habang hindi pa ito nakaayos ng tayo pero mabilis si Serrano kaya umupo ito at sinipa yung paa ni Chase ngunit nakatalon agad si Chase at medyo dumistansya. Nagsimula na rin maglaban ang mga kamiyembro nila. Masasabi kong hindi babastahin ang dalawang grupo na ito dahil malalakas at mabibilis ang mga kilos nila. Malalakas ang grupo ni Chase pero out-numbered sila ng grupo ni Serrano na malalakas rin naman kaya mahirap hulaan kung sino ang mananalo sa kanila. Nagsimula na naman magbabakbakan sina Serrano at Chase at sayang-saya na ko sa panunuod nang biglang marahan akong itulak ni Erica. “Wag ka ngang malikot, Erica. I'm watching.” Pagsaway ko sa kanya. “Eh kasi nakikiliti ako.” Hindi mapakali nitong sabi. “Tsk. Tigilan niyo nga iyang pangingiliti kay Erica." “Sino ba kasing nangingiliti diyan? Wala naman ah?” Sabi ni Gel. “Wala naman pala eh.” Sabi ko para matahimik na siya. “Meron. Sa paa.” Pagpipilit nito. “Tsk. Ang kulit!” Inilabas ko ang cellphone ko at inilawan ang paa ni Erica. Sandali kaming natahimik nang mapagtanto ang kanina pang kumikiliti kay Erica. “Erica, huwag na huwag kang sisigaw.” Kalmado pero kinakabahan na sabi ko. Hindi ako kinakabahan para kay Erica kundi baka marinig kami ng mga tao sa loob kapag sumigaw siya. “A...Ah... AHAAAAS! Waaah! Ayoko niyan! Ayoko! Ayoko! Ilayo niyo sak-- Umppp!” Tinakpan agad ni Gel yung bibig ni Erica habang inalis naman ng dahan-dahan ni Ainie yung sawa sa paa niya. Oo, matapang ang mga gangmates ko pero lahat ng tao may kinatatakutan. And in her case, ahas iyon. “Yan, okay na. Tumahimik ka na.” Sabi ni Heide kay Erica. Tumango naman ito. “Who the f**k are you?!” Isang boses ng lalaki na galing sa aming likuran ang narinig namin. Uh-oh. Nakita na nila kami. “Run!” Utos ko sa mga gangmates ko para makaiwas sa gulo. Tumakbo naman sila agad. Badtrip oh! Unang araw palang namin sa pagpapakalow-profile, maraming tukso na agad ang lumapit samin. “Not too fast, guys.” Sabi ng isa sa apat na lalaking humarang samin. Lumabas sila sa isang maliit na pintuan sa gilid ng court. “f**k it!” Mahinang mura ko. Ayaw talaga kami tantanan ng gulo. “What's the plan, Death?" Narinig kong tanong ni Marjorie. Tinatawag namin ng codenames ang isa't-isa para maiwasang makilala ng kalaban. “They left us no choice but to fight.” Sabi ko at pinosisyon na ang sarili ko para lumaban. “Aba, mukhang papalag.” Sabi nung Delgado kanina. Isa kasi siya sa mga humarang samin. Maya-maya pa ay dumating na rin ang iba pang gangsters na kanina ay nagbubugbugan lang sa loob. Pinalibutan na nila kami. Hinawakan kong mabuti ang hood ko at sinecure iyon para hindi mahulog. “Now, fight!” Sabi ko sa gangmates ko saka sinipa ng malakas yung lalaki sa harap ko na nagmula dun sa grupo ng mga naka-white hoods. Hindi siya handa kaya natamaan siya at bumagsak. Ganun din ang ginawa ng iba, nagsimula na rin silang lumaban. Nakalimang lalaki na akong napabagsak nang biglang may humila sa jacket ko na naging dahilan ng pagkahulog ng hood ko. “Tangna, babae?!" Hindi makapaniwalang sabi nung lalaking humawak sa jacket ko na sa tingin ko ay si Delgado. Mabuti nalang nakatalikod ako sa kanya at madilim din kaya malakas ang kutob kong hindi niya nakita ang mukha ko. Hinawakan ko ang braso niya na nakahawak sa jacket ko saka umikot sa likod niya. “Aah!” Sigaw niya dahil pagtapos kong iikot ang isang kamay niya sa likod ay sinipa ko na siya ng malakas. “Psh. Weak.” Sabi ko saka tinakpan ulit ng hood yung kalahati ng mukha ko. “Death! Faster!” Narinig kong sigaw sakin nila Aiza. Nasa kotse na sila at ako nalang ang hinihintay. Tatakbo na sana ko nang may humila na naman sa jacket ko. Seriously, what's with my jacket? “Where are you going, lady?” Hindi ko alam pero sandali akong natigilan ng marinig ang boses niya. Ang lamig. Mabuti nalang at sumigaw ulit si Aiza kaya natauhan ako. “Definitely away from you." Sabi ko saka nagdesisyon na hubarin na ang jacket ko tutal gustong-gusto naman nila yun diba? Kanila na! “Nice tattoo!” Mabuti nalang at nasa kotse na ko nang sinigaw niya yun dahil baka matigilan na naman ako. Kinapa ko ang ilalim ng batok ko at narealize na exposed na exposed nga iyon. Nakagilid pala yung buhok ko kaya hindi ito natakpan. Damn!   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD