BUHAY si Lala. May ilang sugat at fractured bones lang ito pero bukod doon ay wala na itong naging ibang pinsala. Ayon sa teorya ng doktor ay nakatulong daw ang malaki nitong dede dahil tila nagsilbing airbag iyon. Iyon nga lang, after niyang magpagaling sa ospital ay diretso na rin siya sa kulungan dahil sa pagtatangka niyang pagpatay sa akin. Ang ipinagtataka lang talaga ng mga doktor ay ang himalang nangyari sa akin na wala man lang akong natamong pinsala. Kung alam lang nila, hindi iyon himala. “Paano mo nga pala nalaman na may masamang binabalak sa akin si Lala?” tanong ko kay Thaddeus habang ipinagbabalat niya ako ng mansanas. “Tumawag kasi siya sa akin kagabi. As usual, pinipilit na naman niya ako na maging kami na. Siyempre, sinabi kong hindi na talaga pwede kasi tayo na nga. Ayo

