ANG mga sumunod na araw para sa akin ay mga araw ng pagpapanggap. Bakit? Dahil kailangan kong magpanggap na naghahanap pa rin ako kay Malena kahit alam ko na naman kung nasaan siya. Mahirap ngunit kailangan kong gawin dahil paniguradong makikialam si Thaddeus oras na malaman niya ang gagawin ko sa pagsapit ng kabilugan ng buwan. Isang linggo na lang bago ang full moon, umalis na naman ako ng umagang iyon dala ang mga flyers. Naglalakad na ako palabas ng subdivision nang may humintong kotse sa harapan ko. Napasimangot ako nang sumilip ang driver niyon. Sino pa ba ang taong makita ko pa lang ang mukha ay naiinis na ako? “Good morning, Esha! Saan punta mo?” Kumaway pa sa akin si Lala. Teka, bakit ganoon ang mukha niya? Mukha siyang naka-droga nang matindi tapos hindi natulog ng isang buwan

