MULING humakbang ng isa si Damian papunta sa akin kaya naman utras din akong muli. “Wala akong pakialam sa kasunduan ng mga ninuno natin! At sigurado ako na hindi ikaw ang nakakuha ng aking pagkabirhen!” pigil ang aking pagsigaw dahil baka marinig ni Thaddeus o ni Manang Britney. “Umaasa ka ba na si Thaddeus ang nakakuha ng iyong pagkabirhen, Esha? Wala rin akong maalala ng gabing iyon ngunit sigurado ako… Ako ang nakakuha,” aniya sabay ngisi. “Isa pa, hindi ba’t nais mo nang mamatay? Alam mo bang hindi lang ang puso ng lalaking iibig sa iyo ang paraan para mamatay ka?” “A-anong ibig mong sabihin?” “Oras na ipanganak mo ang ating anak ay mamatay ka, Esha! Hindi ba’t makikinabang ka rin kung magbubunga ang nangyari sa atin?” Tigalgal ako sa sinabi niya. Halos hindi na ako makagalaw sa

