KANINA pa wala sa tabi ko si Thaddeus pero nakatulala pa rin ako at damang-dama ko ang hindi maipaliwanag na tuwa sa aking puso nang sabihin niyang hindi niya girlfriend ang babaeng may malaking dede. Napahawak pa talaga ako sa aking dibdib at wala sa sarili na napangiti. “Ay, kabayo!” Gulat na sigaw ko at akmang sasakmalin ang taong humawak sa balikat ko. “Malena! Bakit ka ba nanggugulat?!” Galit na tanong ko nang makita ko na si Malena lang pala. “Paanong hindi ka magugulat, e, nakatulala ka. Tawag ka ni Manang Britney. Tumulong ka daw sa amin sa paglilinis…” Naiirita na napakamot ako sal likod ng aking ulo sabay tayo. Niligpit ko lang ang pinagkainan namin ni Thaddeus at saka ako tumulong kina Malena sa ginagawa ng mga ito. KATATAPOS lang ng tanghalian at nakakulong kami ni Malena s

