HINDI namin nakasabay si Thaddeus para sa hapunan. Ewan, hindi man lang siya nagsabi kay Manang Britney o kahit sa amin kung bakit. Kaya ngayon, heto ako sa salas at kanina pa nakaupo sa upuan habang hinihintay si Thaddeus. Patay ang lahat ng ilaw dahil guto kong nakatago ako sa kadiliman. Hinihintay ko siya upang komprontahin kung bakit hindi niya sinabi agad sa akin na may kasintahan na pala siya. Napakawalang hiya niya! Tapos hinamon-hamon pa niya ako na paibigin siya! Kung hindi ko lang talaga gustong mamatay, e! Teka, ang tagal naman niya. Anong oras na ba? Tumingin ako sa pambisig na orasan ko at nalaman kong limang minuto na lang ay alas dose na ng madaling araw. Hindi naman kaya… Kasama niya ang babaeng malaki ang dede na si Lala? At kung kasama niya ito, ano naman kaya ang gin

