KABANATA I

1311 Words
MARAHAS kong binuksan ang aking napakalaking wardrobe pero wala akong nakitang kahit na anong damit doon. Napasimangot na lang ako nang puro mga panty at bra lang ang nakita ko na gaya ng suot ko ngayon. Ang tanging saplot ko lang ay itim na panty at bra. Kakaligo ko lang kasi kaya naghahanap ako ng damit na isusuot. Aligaga na binuksan ko pa ang isang wardrobe pero mas matindi doon, wala talagang laman. Muntik pa akong mapasigaw nang tatlong ipis ang nagmamadaling lumabas mula doon. Naiinis na isinara ko ang aking mga wardrobe. Tumigil ako sandali at nag-isip. Tama! Sa pagkakaalam ko ay may mga damit pa ako sa maleta na nasa ilalim ng aking malaking kama. Iyon `yong mga damit na luma na at hindi ko na gusto kaya itinabi ko na lang. Agad kong hinugot sa ilalim ng kama ang nasabing maleta at tinaktak niya ang lahat ng laman niyon sa ibabaw ng aking kama. Lahat ng naroong damit ay puro kulay itim. Favorite color ko. O, mas tamang sabihin na sanay lang talaga ako sa ganoong kulay dahil kahalintulad iyon sa aking buhay. Madilim. Mag-isa. Walang kasama. Totoo naman na mag-isa at madilim ang buhay ko. Literal! Nang sumapit ang 18th century ay sinabi ko sa aking sarili na hindi na ako lalabas ng mansion upang makihalubilo sa mga tao. Ayaw ko na kasing magkaroon ng attachment sa kahit na sino tapos mamamatay din sila habang ako ay hindi. Mas okay na iyong mag-isa at tanging mga ipis, daga at gagamba ang kasama. Lumalabas lang ako kapag bibili ng pagkain at kapag kabilugan ng buwan dahil naghahanap ako ng makakain na hayop. O kaya ay kapag ipagpapalit ko ng pera ang aking mga kayamanan. Bakit madilim? Dahil walang kuryente at linya ng communication dito sa mansion. Walang TV, telepono, ilaw o kahit na anong appliances. Nasanay na ako sa ganitong buhay. Mas tahimik. Pinasadahan ko ng tingin ang mga damit pero kahit isa ay wala akong nagustuhan. Pagtingin ko sa laundry basket ay nagulat ako nang makita na tambak na doon ang aking labahan. Nagkalat na rin ang gamit ko sa kung saan. Ngayon ko lang napansin na ang gulo na pala ng silid ko. Lumabas ako roon upang tingnan ang iba pang kwarto at hindi lang pala ang silid ko ang magulo kundi ang buong bahay. Tambak na rin ang hugasan sa lababo. Puro agiw at alikabok na ang buong bahay. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko dahil sa sobrang inis. Napaupo ako sa isang sulok ng bahay habang nag-iisip. “Anong gagawin ko, mama at papa?” tanong ko sa dalawang malaking painting nina Don Lucasio at Donya Criselda na makikita agad pagkapasok mo ng mansion. Tumayo ako at isang desisyon ang nabuo ko. Kumuha ako ng isang plywood at nilagari iyon na kasing-sukat ng dalawang notebook. Sinulatan ko iyon ng: WANTED: KASAMBAHAY! ALL AROUND! Kahit tanghaling tapat at panty at bra lang ang saplot ay walang hiya na lumabas ako ng bahay para ipaskil iyon sa gate. Akmang isasabit ko na iyon nang isang tila pagod na pagod na babae ang nakita kong paparating. Siya na siguro ang hinahanap ko! Nakasuot ito ng bulaklaking bestida at may dalang medyo malaking maleta. Payat ito at medyo matangkad. Makapal ang labi at medyo malaki ang ngipin sa unahan. Mahaba ang mukha at malaki ang mata nito na para bang palaging inaantok. Ang buhok nito ay hanggang batok at naka-full bangs. Nang dadaan na sa harapan ko ang naturang babae ay agad ko itong hinila. “Ha?! Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?!” gulat na tanong niya. Nagulat ito pero ang pagsasalita nito ay para bang inaantok din at tamad na tamad. Mabagal at walang buhay. Tinaasan ko siya ng kilay. “Ako si Lukresha Morai o Esha. Bente-otso anyos na ako!” Joke lang ang edad ko dahil ang totoo ay wala nang fifty years at tatlong daan na taon na ako. “O, ano naman ngayon?” Walang buhay na react niya. “Akin ang mansion na nasa harapan mo! Anong pangalan mo at iba pang detalye?” “Ako si Malena. Forty years old at naliligaw ako…” “Kung ganoon, Malena, tanggap ka na!” “Ha? Tanggap saan?” “Bilang kasambahay ko. Pwede ka nang magsimula ngayon--” “Teka. Hindi naman ako naghahanap ng trabaho, e. Ang hinahanap ko ay ang daan palabas ng gubat na ito.” Medyo naba-bother ako sa paraan ng pagsasalita at pagkilos niya pero wala akong karapatan na magreklamo. Kailangan ko talaga ng kasambahay na siyang gagawa ng mga bagay na kinatatamaran kong gawin. “Kapag sinabi kong tanggap ka na, tanggap ka na!” giit ko habang pinanlalakihan siya ng mata. Alam ko na nakakasindak kapag tumitingin ako ng ganoon. Medyo may kalakihan kasi ang mata ko. Pero tila hindi umeepekto kay Malena ang paninindak ko. Walang buhay na nakatingin lang siya sa akin. “E, ayaw ko nga. Hindi naman ako naghahanap ng trabaho--” “Five thousand ang makukuha mo kapag tinanggap mo ang trabaho bilang kasambahay ko. Ten thousand per month tapos may SSS, PhilHealth at PAGIBIG pa.” “Kailan ba ako magsisimula?” Agad na tanong niya. Isang ngiting tagumpay ang sumilay sa labi ko. “Ngayon na! Kara-karaka!” Masayang turan ko pa. “ANG dumi-dumi naman ng bahay na ito… Ang daming kalat. Ang daming labahin…” Narinig ko ang pagnguyngoy ni Malena matapos ko siyang i-tour sa buong mansion. Nasa salas na kami ng sandaling iyon. Lumingon ako kay Malena. “May sinasabi ka ba, Malena?” “Meron. Real talk? Ang dumi at parang basurahan ang mansion mo. Kulang ang limang libo na paunang bayad na ibibigay mo. Dagdagan mo naman…” “Sige, dodoblehin ko basta ang gusto ko, bukas ay tapos mo na lahat ng dapat gawin dito. Naiintindihan mo ba?” Wala namang problema sa pera. Marami ako no’n. Ilang daang taon na akong nabubuhay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nangangalahati ang kayamanan na iniwan sa akin ng aking mga magulang. “Sige. Uunahin ko na ang labada mo. `Asan ang washing machine?” “Walang washing machine, Malena.” Parang galit na tinignan niya ako. “Okay. I resign…” Tatalikod na sana si Malena pero hinarangan ko siya. “Wala akong linya ng kuryente dito kaya walang washing machine!” “Ayokong mahirapan… Kung gusto mo akong gawing kasambahay, magpakabit ka ng kuryente tapos bumili ka ng appliances. Saka dapat may Wi-Fi din.” Napakunot-noo ako. “Wi-Fi? Ano naman iyon? Pagkain ba iyon, Malena?” Nasapo ni Malena ang noo nito. “Ay, diyos ko… Wi-Fi lang ay hindi pa alam. Para makapag-f******k ako kapag wala akong ginagawa. Ang yaman-yaman mo pero wala kang alam at balahura ka pa. Real talk!” Nagpanting ang tenga ko. Nais ko na siyang saktan o kaya ay kagatin sa leeg pero kailangan kong magpigil. Ito na lang ang pag-asa ko para maging maayos ang mansion. Kaunting pasensiya pa siguro. Huminga ako nang malalim at pilit ngumiti. “Matagal na kasi akong hindi lumalabas dito kaya wala na akong alam sa ibang bagay. Ganito na lang, Malena… Bibigyan kita ng pera tapos ikaw na ang mag-asikaso ng lahat dito. Magpakabit ka ng kuryente at bumili ka ng appliances. Okay lang ba?” “Okay…” May kinuha ito sa bulsa nito. Sa pagkakaalam ko ay iyon ang makabagong telepono ngayon. “Anong gagawin mo?” “Bibili ng appliances… Mag-Lazada na lang tayo. Ayokong mapagod pagbili sa mall…” “Lazada? Ano naman iyon?” “`Wag mo nang itanong at wala ka rin namang alam, Esha…” Tumahimik na lang ako pero sa loob ko ay gusto ko nang sakmalin ang intrimitidang si Malena!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD