KABANATA II

1367 Words
MAKALIPAS ang anim na buwan… Naramdaman ko ang pagpasok ni Malena sa aking kwarto. Alam kong mataas na ang sikat ng araw pero ayoko pang bumangon. Tinatamad pa ako. Isa pa, gusto ko pang bumalik sa pagtulog dahil napuyat ako kagabi. Full moon kasi kaya naging aswang na naman ako at magdamag na naghanap ng hayop na makakain sa gubat. Tamad na tamad na nakatingin lang ako kay Malena. Six months ko na siyang kasama dito sa mansion pero ganoon pa rin siya noong una na nakilala ko siya. Mabagal pa rin siyang kumilos at magsalita. Malakas akong napasigaw nang biglang buksan ni Malena ang bintana at pumasok ang liwanag sa aking silid. Itinakip ko agad ang aking braso sa aking mga mata. “Ang liwanag! Ang liwanag! Ahhh!!! Isarado mo ang bintana, Malena! Isara mo!!!” Patuloy na sigaw ko. “Ma’am Esha, ang OA niyo. Aswang ka lang hindi ka bampira. Kaya `wag mo akong artehan na takot ka sa sinag ng araw…” Oo nga pala, alam na ni Malena ang pagiging aswang ko. Isang gabi kasi, kabilugan ng buwan ay nakita niya ako na nag-transform at naging aswang. Noong una ay natakot siya at muntik nang layasan ako. Pero in-explain ko naman sa kanya nang maayos at naintindihan naman niya na hindi na ako full-blooded aswang dahil sa pagkain ko noon ng isangdaan na puso ng saging. Alam na rin niya ang pagiging imortal ko. Alam na niya ang lahat-lahat sa akin! Wala na akong maitatago sa intrimitidang si Malena. In all fairness, marami na ang nagbago sa mansion simula nang maging kasambahay ko siya. Bukod sa nagkaroon ng kaayusan ang lahat dito ay nagkaroon na rin ako ng kausap. Mas lalong hindi ko na kailangang lumabas dahil siya na ang bumibili sa labas ng mga kailangan namin. Tinaasan ko rin ang sahod niya dahil sa loyalty niya sa akin. Naiiritang inalis ko ang braso ko mula sa pagkakatakip sa aking mata. Hindi pa pwedeng mag-inarte minsan? Dinampot ko ang isang unan at ibinato iyon sa paanan ni Malena. “E, bakit ka ba nandito? Alam mo naman na natutulog pa ako!” Naiiritang sabi ko. Basag-trip talaga ito kahil kailan. Sanay na si Malena sa pagiging masungit ko gaya ng pagiging sanay ko sa pagiging intrimitida niya. “E, kasi naman, anong oras na pero nakahiga ka pa rin. Oras na ng paglilinis ko sa kwarto mo kaya bumangon ka na. Lumalamig na rin ang almusal niyo sa komedor. Bumaba ka na doon, Ma’am Esha…” At kung makautos naman itong si Malena! Siya ang amo? Amo siya? But alam ko naman na ginagawa lang ni Malena wha’ts best for me. Iyon nga lang-- the intrimitida way. “Okay, okay! Fine! Babangon na!” At bumaba na ako sa kama. Akmang lalabas na ako ng silid nang may maalala ako. “Oo nga pala, Malena. Napakain mo na ba si Lagim?” Si Lagim ay ang maltese puppy na binili ko five months ago. Naimpluwensiyahan kasi ako ni Malena. Ang sabi niya, mas maganda daw kapag may aso. Atleast, hindi lang kaming dalawa ang nasa mansion. Napipilitan man ay isinama niya ako sa isang pet shop. At nang makita ko si Lagim ay na-love at first sight agad ako sa kanya. Walang pagdadalawang-isip na binili ko na siya. “Ma’am Esha, `wag po kayong mabibigla. Patay na po si Lagim. Huhu…” “A-anong sabi mo?” Nanginig ang buong katawan ko. “Patay na po si Lagim. Na-heat stroke po siguro… Natagpuan ko na lang na walang buhay sa kwarto niya. Maayos ko na siyang inilibing sa likod-bahay. Ay, likod-mansion pala…” Hindi ko na namalayan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayaw ko ang maging imortal. Palagi na lang akong iniiwan ng mga tao na minamahal ko. Tapos ngayon, hayop naman. Pero hindi naman kasi basta-basta hayop si Lagim. Mahal ko si Lagim. Ang lambing niya sa akin at hindi siya natatakot kapag nagiging aswang ko sa kabilugan ng buwan. Minsan, pinagsisihan ko na rin na naging imortal pa ako. Dapat pala ay hindi na ako kumain ng isangdaan na puso ng saging… NAIINIP na nakatingin ako kay Malena habang nakaupo siya sa rocking chair at hawak ang kanyang cellphone. Habang ako naman ay nakabigti sa harapan niya. Halos isang oras na akong nakabigti pero hindi pa rin ako namamatay! Wala akong nararamdaman na kahit na anong sakit. Hindi man lang ako nawawalan ng hininga o ano. Kung normal na tao lang sana ako, kanina pa ako patay! Ayoko na kasi. Gusto ko nang mamatay. Tutal naman ay maraming taon na akong nabuhay dito sa mundo. Sapat na sa akin iyon. Kuntento na ako sa nagawa at na-experience ko sa malupit na mundong ito. Sawang-sawa na kasi talaga ako na maiwanan ng mga tao at hayop na mahalaga sa akin. Hindi ko na talaga kaya! Si Lagim na ang huli. Ayoko na! “Ay, patay…” Walang buhay na bulalas ni Malena. “Anong patay? Hindi pa ako patay! Buhay na buhay pa rin ako, Malena! Nakakainis!” Naiiritang pakli ko habang pabitin-bitin. “Hindi naman po kayo ang tinutukoy ko. Itong cellphone ko. Namatay na dahil lowbat na. Maiwan ko muna kayo, Ma’am Esha… Magcha-charge lang po ako.” “Naiinis ako, Malena! Bakit hindi pa ako mamatay-matay?!” “E, imortal nga po kasi kayo. Mabuti pa ang cellphone, namamatay. Ikaw, hindi…” “Anong sabi mo, Malena?! Narinig ko iyon!” “Narinig niyo naman pala, pinapaulit mo pa. Sige na, charge muna ako, Ma’am Esha. Balikan ko na lang kayo diyan mamaya…” anito at umalis na ito. MAKALIPAS ang dalawang oras ay bumalik na si Malena. Umupo ulit siya sa rocking chair at hawak ulit ang cellphone. “Bakit hindi pa rin ako mamatay?!” Nakatirik ang mga mata na bulalas ko. Tiningala ako ni Malena. “Ma’am Esha, hindi ka pa rin ba talaga sumusuko? Kanina, uminom ka ng lason, wala namang nangyari. Sinaksak mo ang sarili mo, hindi ka naman tinablan. Imortal ka kasi, Ma’am Esha…” “Gusto ko nang mamatay, Malena! Sawang-sawa na ako na maiwanan ng mga taong mahal ko!” “Hindi naman po tao si Lagim, Ma’am Esha…” “Wala kang pakialam! Mahal ko si Lagim. Gusto ko nang mamatay!” “Ma’am Esha, imposible kasing mamatay ka nga. Tanggapin mo na lang kasi ang katotohanan na habangbuhay kang mabubuhay at kapalaran mo na talaga ang maiwanan…” “Ang sakit mong magsalita, ha! Baka nakakalimutan mo na amo mo ako, Malena!” Tumayo si Malena mula sa pagkakaupo. “Bumaba na nga kayo diyan. Kailangan ko na pong magluto ng ulam natin. Hihingi ako sa inyo ng pangbili…” “Ayoko! Dito lang ako hanggang sa mamatay ako!” giit ko. Iiling-iling na iniwan ako ni Malena. Pagbalik niya ay may tangan na siyang kutsilyo. Nanlaki ang mga mata ko. “Sige, Malena! Saksakin mo ako. Baka kapag ibang tao ang gagawa ay mamamatay na ako. Saksakin mo ako!” Nangniningning ang mga mata sa tuwa na sabi ko. Kumuha siya ng upuan at tumungtong doon. Face to face na kami ni Malena. “Gawin mo na! Saksakin mo ako, Malena! Saksakin mo ako!” sabi ko sabay halakhak. Pero imbes na saksakin ay pinutol lang niya ang lubid gamit ang kutsilyo. Malakas na bumagsak ako sa sahig at nauna ang aking pang-upo. Isang libo’t isang daan na mura ang natanggap sa akin ni Malena. “Ang sakit! Punyeta ka, Malena!” hiyaw ko. Bigla akong sinaksak ni Malena sa leeg pero hindi pa rin bumaon ang kutsilyo sa balat ko. “See? Hindi ka talaga mamamatay, Ma’am Esha. `Wag mo na kasing pagurin ang sarili mo… Tanggapin mo na lang kasi ang kapalaran mo…” Mariin akong umiling. “Hindi! Hahanap ako ng paraan para mamatay ako. Alam kong may paraan. Hindi pwedeng wala!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD