Ilang araw na ako ngayong tumutuloy sa condo ni Pyok. I don’t have any idea kung ano na ang nangyayari kay Jerome. I isolated myself from him. Well, hindi ko alam kung nakakapagtago nga talaga ako. For sure, Pyok already told Jerome where I am right now.
Days far from him, napakatahimik lang ng buong paligid ko. I feel at ease. Minsan nga lang, hindi maiiwasan na makarinig ng salita mula sa pinsan ko. She’s telling me sometimes that I am escaping from Jerome. Na nilalayo ko lang daw ang sarili ko dahil sa nangyari, which is hindi raw tamang gawin. I understand her. Half of my reason is that. Lumalayo ako sakanya…
Umuwi ka na sainyo Jai. You’re here for almost one week. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo? Pyok asked me.
Bakit hindi ikaw ang umuwi sainyo? Does tita know about you being here in the Philippines? I bet not. Bored, I said.
Akala niya siguro ay hindi ko siya papatulan. For days that I’ve been staying here, there are a lot of things na napag-uusapan namin ni Pyok. Her reason why he doesn’t want to go home where her mother is. And the reason why she went abroad. At sa lahat ng reason niya, lahat yon ay naiintindihan ko. Sa lahat naman kasi ng kakilala ko, siya lang ang taong alam ko na matalino mag-isip tungkol sa buhay niya. I feel like, sa lahat ng bagay may paraan siya para gumaan ang buhay niya. She’s a strong woman, that’s what I can see to her, even before.
Huwag mo nga akong sinasagot ng isa pang tanong. You knew my reason already. Ayoko ngang makasama ang step brothers ko sa bahay. Maarte niyang saad.
How about your Frytz? Hindi ka ba niya hinahanap? Tanong ko sakanya.
Kung may isa mang rason kung bakit ayaw niyang tumira sa bahay ng mommy niya ay dahil sa step dad niya at step brothers niya. Even before, I knew how her family, especially his step dad, controls her in whatever she wants to do. At kung may nag-iisang rason din siya para umuwi, yun ay ang kapatid niya. Masyadong kumplikado ang buhay ng pamilya nila. Even my dad doesn’t know how her sister handles everything. I mean, alam ko na nagkakaroon ng problema sa bahay nila pero ni minsan ay hindi ko nalaman kung ano yon.
He knew where am I living. Pumupunta siya dito minsan kaya hindi ako nag-aalala sakanya. She simply said.
Kung pumupunta siya dito, bakit hindi ko man lang siya nakikita?
Eh kasi naman, buong araw at gabi ka nagkukulong sa kwarto! Kung hindi pa nga kita dadalhan ng pagkain, hindi ka makakakain! Sigaw niya saakin.
Wala naman kasi akong gagawin sa labas. Nagpaalam din ako kay mamita na hindi muna ako papasok ng ilang araw. Alam ko din naman kasi na kapag pumasok ako ay bubungangaan niya ako at pangangaralan dahil sa paglalayas ko sa bahay.
Sa mga araw na sinasabi ni Pyok na nagkukulong ako, nag-iisip lang naman ako. I’m thinking about what happened that night and after that.
I’ll be honest to myself, I already miss him. Kahit pa may nagawa siyang nakasakit saakin ay hindi ko pa rin mapigilan at maiwasan na hanap-hanapin yung paraan niya ng pag-aalaga saakin. Kaya lang kahit na hinahanap-hanap ko ang presensya niya ay hindi ko din mapigilan na maiyak minsan. My mind is battling kung patatawarin ko ba siya dahil yon ang tama o hindi ko pa rin siya kakausapin dahil nakakaramdam pa din ako ng sakit tuwing nakikita ko siya.
Habang si Pyok ay naghahanda ng hapunan namin ay sa kusina, ako naman ay nasa sala lang at nanonood sa television. Para akong buhay prinsesa kapag si Pyok ang kasama ko.
Ilang sandali pa, habang nanonood ako ay biglang may nag doorbell. Sinilip ko si Pyok pero mukang hindi niya narinig ang pag bell kaya naman ako na ang tumayo at binuksan ang pinto.
Pag-bukas ko ng pinto ay halos mawalan ako ng dugo sa katawan dahil sa dalawang taong kasama ni Frytz, kapatid ni Pyok.
Iha, anong ginagawa mo dito? Tanong saakin ni mommy.
Oo nga baby, anong ginagawa mo dito? Tanong naman ni dad.
Nag salit-salit ang tingin ko sa mga magulang ko na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at takang-taka kung bakit nandito ako sa condo ni Pyok ngayon.
Hi ate Jai! Bungad naman saakin ni Frytz.
H-hi… I stuttered
My eyes is still on my parents face. s**t malilintikan na!
Tita, tito! What brings you here? Takang tanong ni Pyok na ngayon ay masa likuran ko na.
Ate, I brought them with me. Nag-tataka na kasi sila tita kung saan ako lagi pumupunta kaya naman sinabi ko na sakanila na nandito ako lagi sa condo mo. Nag-kakamot ng ulo na saad ng kapatid ni Pyok.
Pinapasok ni Pyok sila mom at dad sa bahay habanh ako ay sinundan lamang sila ng tingin at nanatiling nakatayo pa rin sa harap ng pinto.
Ng mapansin ni Pyok na hindi pa rin ako kumikilos ay hinila niya ako papasok sa kusina.
Tita, maghahanda lang po kami ni Jai. Dito na po kayo mag dinner. Ani Pyok bago niya ako tuluyang hinila papasok ng kusina.
I saw Pyok put a glass of water in the counter before she face me.
Uminom ka muna ng tubig para mahimasmasan. Namumutla ka dahil sa takot. Saad niya saakin.
Ininom ko ang tubig na binigay niya saakin at pinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng pamilya ko ngayon pero duda ako na masasabon nila ako mamaya kapag nagkaharap na kami sa hapagkainan. Sana nga lang ay walang nakwento si Jerome sakanila dahil paniguradong hindi ko masasagot lahat ng ibabato nilang tanong saakin.
Bakit sila dinala ng kapatid mo dito? Tanong ko ng kumalma na ako.
Hindi mo ba narinig? Nagtataka na daw sila tita kung saan lagi pumupunta si Frytz kaya wala na siyang nagawa kung hindi umamin. Ani Pyok habang hinahanda ang mga plato at pagkain. Bring this to the table. Wag mo munang isipin ang itatanong sayo ng parents mo. Baka sa sobrang taranta mo ay mapaamin ka. Aniya bago ibigay ang utensils at plato saakin.
Kabado akong naglakad at nang makarating sa lamesa ay nangangatal ang kamay kong inilagay ang mga plato doon. Nakikita ko kung paano ako tignan ni mommy ngayon. Alam ko na gusto na niya akong lapitan ngayon kaya naman ay iniwas ko na ang tingin sakanya at mabilis na naglakad papuntang kusina at balikan si Pyok.
You should act cool and calm Decery. Hindi ka pweding mabuko ng nanay at tatay mo sa mga kagagahan mo. Pagnasira ang tiwala nila saakin baka lalo lang nilang higpitan ang pagkakagapos sa kasal namin ni Jerome. I don’t want that to happen.
Matapos maihanda ang mga pagkain sa lamesa ay tinawag na ni Pyok sila mommy at daddy. Kabado akong umupo at pinaghandaan ang mga magulang ko.
I am silently eating when my mother broke the silence.
Hindi ka man lang nagsabi na nandito ka na pala…kabado kong inangat ang ulo ko sa pag-aakalang ako ang kinakausap niya. Khris. Dagdag niya sa pangalan ng pinsan ko habang ang tingin ay nasa akin.
Hindi man sabihin ni mommy ang pangalan ko pero alam ko na para saakin ang sinabi niya. Lalo pa at kakaiba ang tingin na pinupukol niya saakin ngayon.
You know my situation to my family’s house, tita. Kaya naman po bumili na lang po ako ng condo at dito na tumira pansamantala. Paliwanag ni Pyok kay mommy.
Why is that, Iha? Bakit ayaw mong ipaalam sa mommy mo na nandito ka na? tanong naman ni dad sakanya. Is it about your step dad and brothers? Dagdag pa ni dad.
Kabado rin na tumingin saakin si Pyok, para bang ayaw niya din ipaalam sa magulang ko ang totoong dahilan niya.
Ahhh…h-hindi naman po t-tito. G-gusto ko lang po na maging I-independent. She lied.
Gusto ko man na tawanan si Pyok sa pagsalang niya sa hot seat ay hindi ko magawa dahil alam ko na kapag ginawa ko ito ay ako naman ang mapupuna nila mom at dad.
That’s good. Nasa tamang edad ka na rin para mag-asawa. Wala ka pa rin bang napupusuan? Tanong ulit ni dad.
Pati ba naman personal na desisyon ni Pyok tungkol sa pag-aasawa ay pinapakailaman din ni dad. He did the same to me. Kaya naiinis ko na hindi naman niya anak si Pyok ay parang pangungunahan niya pa si Pyok.
Hindi ka tumulad dito sa pinsan mo… she’s already happily married to his husband. Right, Iha? Tanong ni mommy.
Ramdam ko ang pagsipa ni Pyok saakin ng hindi ako makapagsalita kay mommy dahil sa pagkabigla. Ito na, magsisimula na sila.
Ahmmm… haha. Oo nga po. Sinasabihan ko nga din po si Pyok na mag-asawa na siya. Pekeng ngiti kong saad.
Sinipa na naman ni Pyok ang paa ko sa ilalim ngunit sa pagkakataong ito ay umaray si Frytz dahil natamaan din ang paa niya.
Are you okay iho? Nag-aalalang tanong ni dad.
I’m fine tito.
By the way, baby. Bakit nga pala nandito ka sa bahay ng pinsan mo? Your husband and I talked yesterday. Sabi niya ay nasa bahay ka daw ninyo at nagpapahinga dahil may sakit ka. Okay na ba ang pakiramdam mo? Tanong ni dad saakin.
Bakit naman niya sinabi na nasa bahay ako? Pwede naman niyang sabihin na tumutuloy muna ako sa bahay ni Pyok.
Kaya lang, kung sasabihin niya yon, ano naman ang magiging rason o dahilan niya kung bakit ako pumunta dito? Pwede naman sigurong sabihan niya na may catch up lang kami na magpinsan dahil namiss namin ang isa’t-isa.
I’m fine dad. Diretso kong sagot. Kahit na sa loob-loob ko ay parang lalabas na ang esophagus ko dahil kapos sa paghingang sagot. Kanina lang po ako pumunta dito. Pyok and I… we catch up. Opo… alam niyo na, masyado namin na miss ang isa’t-isa. saad ko sabay sipa kay Pyok sa ilalim ng lamesa para umaktong totoo ang sinasabi ko.
Uhmm opo tito, tita. You know how close we are… para na nga po kaming totoong magkapatid. Pekeng ngiting saad ni Pyok kanila mommy.
Then I guess you’ve already catch up. Siguro naman ay makakauwi ka ngayong gabi sa asawa mo, Iha. My mom said.
Napatingin kami ni Pyok sa isa’t-dahil hindi namin alam kung paano sasagutin si mommy.
Opo tita. Uuwi na po si Jai. Diba, Jai? Nakataas ang kilay na tanong saakin ni Pyok.
Gusto ko man na hindi pumayag ay hindi ko na rin nagawa. I end up in my parents car after we ate our dinner and drive me to our house.
Ayoko pang umuwi! Hindi pa ako ready na makita ulit si Jerome.
Pagdating sa bahay ay nag doorbell ako sa pintuan at ilang sandali lang ay pinagbuksan kami ni Jerome. Ng makita ako ni Jerome ay dali-dali niya akong niyakap na para bang miss na miss niya ako. Parang hindi niya rin napansin ang parents ko na nasa likod ngayon at patuloy niya akong niyayakap.
I miss you… he whispered in my ears.
My heart starts to beat faster as I heard his manly voice again. Parang ilang dekada kong hindi napakinggan ang boses niya at grabe yung epekto saakin nung magsalita siya.
Your parents are here? Tanong niya saakin ng mapansin ang mga magulang ko sa likod.
Pinapasok ni Jerome ang parents ko habang ako naman ay sinundan sila matapos maisara ang pinto.
Hinatid na namin ang asawa mo, iho. My mom said. She said that she’s going home so we brought her here safely. Dagdad niya pa.
Thanks mom. I really miss my wife. Jerome said before hugging me from behind.
Naestatwa ako dahil sa ginawa niyang pagyakap sa likod. Hindi ito ang unang beses na mayakap niya mula sa likod pero katulad ng marinig ko muli ang boses niya, parang may iba sa nararamdaman ko.
I can feel his manliness in my back. His abs and chest that gives me warm. I feel so home in his arm.
Kung ganon ay mauuna na kami, Iho, Iha. Gabi na rin at magpapahinga pa kami. Ani mommy.
You can stay here, mom, dad. Like what you said, gabi na rin. Mapapagod lang kayo kung uuwi pa kayo. I can prepare you a room where you can sleep. Jerome said to my parents.
My parents agreed to what Jerome suggested. Okay lang naman saakin na dito na sila tumuloy ngayong gabi. They are still my parents. And I care for their welfare. Gabi na nga naman ay mapapagod pa sila kung babyahe pa. mamaya may kung ano pang mangyari sakanila habang nagmamaneho.
Jerome called our maid. Malapit lang naman ang tinitirahan ng mga kasambahay namin kaya naman mabilis lang itong nakarating at nakapag-bukas ng isang kwarto para sa parents ko.
Habang si Jerome ay busy sa pag-aasikaso sa magulang ko, ako naman ay pumasok na sa loob ng kwarto namin at nag handa na sa pag tulog.
Matapos kong maligo ay nahiga na ako sa kama at pinikit ang mga mata. I need to prepare for tomorrow. For sure ay magandang artehan ang kailangan naming gawin ni Jerome kapag kaharap na namin ang parents ko. Well, prepared naman na ako. Nag-aaral kaya ako kung paano umarte.
Speaking of that, malapit na nga pala yon. We will start shooting next week. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o kakabahan at the same time.
Back to what am I doing right now, hindi pa ako makatulog ngayon. Parang may kung ano sa katawan ko na inaantay ang taong madalas kong katabi sa kama. Ganoon ko na ba ako kasabik sakanya? Nakakahiya ka Decery! Aayaw ayaw ka sakanya tapos miss na miss mo siya ngayon!
Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay agad kong pinikit ng maige ang aking mata.
I felt Jerome’s presence in my back. I am facing the door so I can really sense that he’s at my back.
Jerome lay down and hugged from behind. He’s smelling my hair and it tickles me. Gusto ko man na mag protesta ay hindi ko na ginawa. Alam ko na kapag nalaman niya na gising ako ay lalayo siya saakin at ititigil ang pagyakap. And I don’t want to happen. I just want to confirm something in me. I am confuse, I really am.
I moved a little bit ng maramdaman ko ang pangangalay. And what Jerome did is to move a bit, away from me. Pero isiniksik ko ang sarili ko sakanya. Napaka gaga mo Decery. Noong nakaraan lang ay halos layuan at kagalitan mo siya tapos ngayon na nasa likod mo siya, todo siksik ka sakanya na para bang hindi mo siya kinainisan noon.
Nakatulog na ako sa ganoong posisyon. He warmed my night. And I am much in peace because of that.
Pag gising ko ng umaga ay muka kaagad ni Jerome ang bumungad saakin. He’s looking at me attentively like he’s memorizing all the parts of my face.
Good morning Decery babes. Smiling, he greeted me.
Dahil ayoko naman na masira ang magandang mood niya ngayong umaga ay binati ko na din siya ng magandang umaga.
Sabay kaming bumaba ni Jerome at binati ang magulang namin na ngayon ay pinaghahandaan na ng mga katulong.
Good morning mom, dad. Bati ko sakanila sabay halik sa mga pisnge.
Jerome did the same so our parents greeted us back.
Iha, may naikwento nga pala saakin ang manager mo. You signed a contract for a movie? Tanong ni mom
Kailan sinabi ni mamita? Bakit niya sinabi? Bakit pinangunahan niya ako? Alam naman niya na hindi magiging maganda ang dating nito kanila mom, especially dad.
Tumingin ako ngayon kay Jerome at nakita ko ang pagbabago ng muka nito. Ang kaninang masaya at puno ng gana ay napuno ng iritasyon dahil sa nalaman.
Here we go again! Mag-aaway na naman kami. Hindi ko pa naman alam o hindi ko pa nagagawan ng eksplanasyon sila mommy pati na rin si Jerome. Sa malamang ay magagalit ang mga ito.
Do you know about this, Jerome? My father asked
Nanginginig ang kamay kong nilingon si Jerome.
Please, I’m begging you, mamaya ako magpapaliwanag pero magsinungaling ka muna para saakin. Bulong ko sa sarili.
Yeah, dad. She actually told me before she sign the contract. Jerome lied.
And did you agree with it? My father asked again.
Yup! It’s her dream. I want her to enjoy all the things she wants. Aniya habang nakatingin saakin.
Napalunok na lamang ako at pilit na kinalma ang sarili dahil sa maaaring mangyari kapag kami na lang ni Imaw ang magkasama mamaya.