Histerikal akong bumaba ng hagdan at hinanap ang magaling na si Imaw. Wala ng ibang maghahatid saakin at magbubuhat papunta sa kwarto sa bahay kung hindi si Jerome lang. At ang magaling ko naman na pinsan, hinayaan niya lang ako na bitbitin ng asawa ko pauwi ng bahay namin.
Hinanap ko si Jerome sa buong bahay at nakita ko siya sa swimming pool area, umiinom ng beer habang ang mga paa ay nakalubog sa tubig.
Dali-dali ko siyang pinuntahan at nakapamewang na humarap sakanya.
Bakit mo ako inuwi sa bahay? Tanong ko sakanya.
Jerome didn’t reply to me and even a glance, he didn’t show me.
Hoy Imaw! I’m asking you! I shouted full of irritation.
This time, Imaw glance at me. He took a sip from the can of beer before he open his mouth to speak.
Dahil alam kong hindi ka uuwi ngayong gabi? Kibit balikat niyang sagot saakin.
Buti naman at alam niya. Wala talaga akong balak na umuwi ngayon dito sa bahay dahil sa iritasyon ko sakanya at sa babae niya. Baka mamaya kapag katabi ko na siya sa kama ay pangalan pa ni Pamela ang mabanggit niya habang natutulog. Pag ginawa niya talaga yon, pipigain ko talaga nag dalawa niyang itlog ng hindi na siya magkaroon ng anak!
Bakit pa ako uuwi diba? Malay ko ba kung sinama mo pala yung kabit mo dito sa bahay! I shouted at him again.
Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Jerome. Ang kaninang simpleng pagtingim niya saakin ay napalitan ng kunot ng noo at pagdikit ng mga kilay dahil sa iritasyon niya.
What are you talking about? May diin niyang sagot saakin.
Ha! Nagmamaang-maangan pa talaga siya! Anong tingin niya kay Pamela, short time Jowa? Kaya ba hindi niya maamin na kabit niya yon?
Jerome stood up and face me. He put his hands in my both shoulder.
What did you say?! Sigaw niya saakin.
Halos manlambot naman ako bigla dahil sa nakikita kong galit sa mata niya. What’s happening to him? Kanina lang ay ako pa ang galit sakanya tapos ngayon ay siya na.
Why is he acting so strange for this past few days? Hindi na siya yung Jerome na konting kibot lang, inaalala na ako. Magalit lang ako, bigla niya akong susuyuin. Ano ba ang nangyayari sakanya ngayon?
Jerome, nasasaktan ako. Ano ba! I screamed in pain.
Sabihin mo saakin, sino ang nambababae!? Sabihin mo!
Halos maramdaman ko na ang pagbaon ng kuko niya sa balat ko kaya hindi ko na napigilan ang mapaiyak dahil sa sakit na gumuguhit sa buong braso ko.
Ikaw! Nagtatanong ka kung sino ang may babae, ikaw yon! Ikaw yon Jerome! Sigaw ko kahit na sumasakit ang braso ko dahil sa pagkakahawak niya.
Jerome’s lips twitched. Nakikita ko kung paano lumabas ang mga ugat niya sa braso at leeg pati na rin ang pag igting ng kanyang mga panga.
Sa ating dalawa, ikaw ang may lalaki Decery. You are the one who’s having an affair with that man! Malandi ka! Kaya wag mong sasabihin na ako ang manloloko sa ating dalawa dahil ikaw ang may totoong iba!
Kahit na masakit ang mga braso at may luha sa mga mata, nanatili akong tumingin sakanya ng may tapang sa mata.
I had enough last time. Sobra na yung masasakit na salitang narinig ko sakanya noong gabing sugurin niya si CJ at suntukin. This time, I won’t budge anymore. Iiyak lang ako pero hindi ako manghihina dahil sakanya.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagpatak ng tubig saaking balat. Ay kakaunting pagpatak ay nasundan ng pagkulog at pagkidlat hanggang sa tuluyan ng bumuhos ang luha ng langit.
I am soaking wet but I still stared at him, battling his gaze to me.
Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo saakin. I may look like a slut but never in my life I experience to be pleasured by someone. Kaya ang binibintang mo saakin ay walang katotohanan…saad ko sakanya bago itungo ang ulo ko at damhin ang lamig ng hangin at pagpatak ng ulan saaking katawan. Do you really think that I can do what you are accusing to me? What you saw is a misunderstanding. There is a little incident that cause him to help me clean myself. Tapos bigla mo na siyang sinuntok at sinabihan mo na kaagad ako ng masasakit na salita. You are a one hell man who easily get mad and will fire a hurtful word even if you didn’t even know what really happen. Ang galing mong mag-judge Jerome. Sobra…
Naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw ni Jerome sa braso ko. Nang tuluyan niya na akong mapakawalan ay tinalikuran ko na siya at yakap ang sarili na naglakad papalayo.
I thought kaya ko pa na maging mabait sakanya pero hindi ko pala kaya. Masyadong maraming rason para ayawan ko siya ngayon lalo pa at sinabihan niya ako ng masasamang salita ngayon. He accused me for cheating when on the other hand, he’s obviously the one who’s cheating in this marriage.
Hindi pa man ako nakakalayo ay bigla akong nadulas at hindi nabalanse ang sarili kaya naman diretso akong nalaglag sa pool.
Bwakanang-ina s**t! Ang panget naman ng walk out ko!
Lumubog ako sa tubig kaya kinampay ang mga braso para makaahon ako. Hindi naman malalim ang pool kaya naman ay kaya ko itong languyin. Pero bago pa man ako makaahon ay isang kamay na ang humila saakin at tuluyang iniahon at tinulungan makaakyat.
Basang-basa na ako. I am shivering because of the cold winds and the coldness in Jerome’s eyes. Kulang na lamang ay magyelo ako sa kinatatayuan ko dahil sa paraan niya ng pagtitig saakin.
Ilang sandali pa akong tumingin sakanya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay at diretsong pumunta sa loob ng kwarto namin. Kumuha ako ng tuwalya at pumasok sa loob ng banyo para maligo at mahimasmasan ang nanginginig kong katawan.
Back from what happened earlier, bakit parang ayaw niyang aminin na kabit niya si Pamela? Halos ipagduldulan na nga ni Pamela saakin na asawa lang ako sa papel. Did he do that para saakin mapabaling ang mali? Ang mas nakakapagtaka, bakit ganon na lamang ang naging reaksyon niya. Isn’t he being so harsh to me? Grabe niya akong pagsalitaan.
Paglabas ko ng banyo, hindi ko naabutan si Jerome sa loob ng kwarto. Kaya naman nagbihis na ako at kumuha ng isang unan at kumot bago bumaba at dumiretso sa sala.
Kung hindi ako makakatulog sa ibang kwarto, dito ako sa sala, sa couch matutulog. Malamig naman kaya okay na ako dito.
Pinuwesto ko ang unan at humiga. Habang pilit na natutulog, narinig ko ang kakaibang tunog na nanggaling mula sa tiyan ko. Hindi pa nga pala ako kumakain.
Babangon na sana ako ng marinig ko ang tunog ng pababa sa hagdan. Dali-dali kong kinumot sa buong katawan ko ang kumot at pinikit ang mata, nagkukunwaring tulog na.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Jerome pero naririnig ko ang pagkalansin ng kutsara at babasaging baso sa kusina. Baka nagtitimpla siya ng kape?
Idinilat ko ng bahagya ang mata ko at nakita ang pagdating ni Jerome malapit sa gawi ko. Kaya naman ipinikit ko agad ang aking mata. Ngunit ilang sandali pa lamang ay bigla akong nabahing at sininghot ang sipon na gustong tumulo sa aking ilong. Badtrip naman, mukang magkakasakit pa ako.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakatulog na ako. Kahit na walang kain ay nakatulog pa din ako.
Kahit na tulog ramdam na ramdam ko ang lamig sa buong katawan ko. I can feel that my body shivers because of coldness. Wala namang electric fan o kaya aircon pero sobra ang panginginig ng katawan ko ngayon. Halos mangatal din ang bibig ko kaya naman ay mas lalo kong hinila ang kumot at itinabon sa katawan ko.
Hindi ko na alam kung anong oras ako tuluyan nakumportableng matulog pero naramdaman ko na para akong lumulutan sa ere matapos kong ikumot sa buong katawan ang kumot ko.
Pag gising ko ay nasa loob ako ng kwarto at masakit ang ulo. Kinapa ko ang leeg ko at naramdaman ang init na nanggagaling dito. Umupo at napansin ang putting towel na na nalaglag mula sa noo ko.
Ito na nga ba yung sinasabi ko! Nagkalagnat pa ako!
Inilibot ko ang buong paningin ko at doon ko napansin ang isang lalaki na nakapatong ang ulo sa kama at nakaupo sa simento. Sa katabing lamesa naman ay may isang maliit na palanggan na may lamang tubig.
Teka nga, sa pagkakaalam ko, nasa baba ako nung nakatulog ako, paanong nasa kama na ako ngayon? Binuhat na naman ba ako ng mokong na’to?
Sana hinayaan niya na lang ako. Tutal parang wala naman na siyang pakealam saakin.
Gigisingin ko dapat si Jerome ngunit nakita ko itong gumalawa kaya naman dali-dali akong humiga, itinabon ang kumot, ibinalik ang bimpo at nagkunwaring tulog.
I don’t know what Jerome is doing. Ang nararamdaman ko lang ay ang bahagyang pag-uga ng kama ay ang paglapat ng kamay niya sa aking leeg. Ilang sandali pa ay kinuha niya towel sa noo ko. Narinig ko ang paglalagay niya nito sa palanggana at ang pagpiga niya rito bago ibalik sa noo ko ang bagong basang bimpo.
Wow naman! Super caring siya ngayon. Pinagsisisihan niya na ba na sinaktan niya ako kagabi kaya ngayon ay todo alaga siya saakin? Parang gusto kong idilat ang mata ko at ihagis sakanya ang towel na nilagay niya sa noo ko.
I can feel the Jerome went closer to me and held my hand. He kissed the back of my palm and sighed.
I’m sorry… sorry dahil napagsalitaan kita ng masama. I can feel that he traced my shoulder where he squeezed it tighter, last night. I’m a jerk for hurting you and saying hurtful words that I know to myself it is not true. Ang tanga ko dahil alam ko naman na hindi mo kayang gawin saakin yon pero ipinamuka ko pa din sayo. I am really sorry Decery babes…I hope you can still take care of me just like before that day happened. Narinig kong saad niya.
Naramdaman ko ang pagtayo niya at ang pag-ayos ng kumot saakin.
I’ll be back. Magluluto lang ako ng pagkain para pag gising mo, makainom ka na ng gamot. Huli kong narinig bago niya buksan ang pinto at isara ito muli.
Nang matiyak na wala na talaga siya ay idinilat ko na ang aking mata at tumitig sa kisame bago lamunin ang kaisipan ko ng maraming katanungan.
I can hear the sincerity in his voice. Para bang bigla na lamang siyang nagbago at nawala na lang bigla yung lalaking halos saktan ako kagabi. What change his mind? Bakit parang ang bilis naman na ma-realize niya yung kasalanan niya? He’s back to his old self. Inaalagaan niya na ulit ako ngayon. Parang nitong mga nakalipas na araw lang ay halos hindi niya ako malutuan ng umagahan kaya ilang araw din akong gutom tuwing umaga.
What caught to my attention is what he said to me before he left. He wants me to bring back my old self where I give him attention and I am good to him. Kung gusto niya pala na ganon kami, bakit sinimulan niya yung away namin? Bakit kasi nagpadalos-dalos siya at pinagsabihan niya ako ng masasamang bagay?
I know that time, he can’t control his emotions because of what he witnessed. But that doesn’t mean na pwede niya na akong pagsabihan ng ganon. Na kung tutuusin ay buong buhay niya akong nakasama. Kilala niya na ako simula’t sapul pa lamang.
Bumangon ako sa higaan at diretsong pumuna sa closet para maghanap ng jacket bago bumaba sa kusina. Wala pa akong gana pero kailangan kong kumain dahil may mga bagay pa ako na gagawin ngayong araw. I also need to divert my attention para hindi ko maisip yung huling mga sinabi saakin ni Jerome.
Pagpasok ko ng kusina ay naabutan ko si Jerome na busy sa paghiwa ng rekados niya para sa lulutuin niya. Maingat akong pumunta sa ref at kumuha ng palaman bago kinuha ang loaf bread.
You’re awake…dapat hindi ka na tumayo. May sakit ka pa. aniya ng makita akong papunta na ng kusina.
I’m fine. Kaya ko ang sarili ko. Ani ko bago inalis ang tingin sakanya.
Okay then. Just wait for the food that I will cook for you. Mabuti sayo ang soup para gumaan ang pakiramdam mo. Saad niya.
No need. Nasanay na akong hindi kumain ng heavy meal sa morning. Remember, hindi mo ako tinitirahan ng breakfast nitong mga nakalipas na araw diba? I said with monotonous voice and went to the table to eat the bread.
Hindi ko kailangan ng pag-aalaga niya ngayon. Kung inaakala niyang mag-kakaayos kami dahil sa ginagawa niya, nagkakamali siya. Do he’s best to gain me again. Kaya kong magpatawad dahil naiintindihan ko siya pero hindi ngayon. His hurtful words still lingers in my head.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta ulit ako ng kwarto at maliligo na ako para pumunta kay mamita. Pero bago pa ako makapasok ng banyo, biglang tumunog ang cellphone ko.
Mamita is calling me…
Iha! I heard my sakit ka daw? Kanino niya naman nalaman? Sinabi saakin ng asawa mo kanina. Nako, alalang-alala sayo yon kanina kaya tinawagan niya ako at sinabihan na aabsent ka muna dahil kinukumbulsyon ka daw. Dagdag pa niya.
Mamita, I’m fine. Papasok ako. Sakit na lang sa ulo ang nararamdaman ko pero nakainom na ako ng gamot kaya magiging okay din ako. Saad ko sakanya.
I am truly not fine. Parang mabibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Plus pa yung braso ko dahil sa nangyaring pananakit saakin ni Jerome. Mainit pa din ako. Pero kahit ganon, papasok pa din ako dahil ayokong mag stay dito sa bahay dahil sa tuwing nakikita ko si Jerome, mas lalo lang sasakit ang ulo ko.
Sigurado ka ba? Baka mag-alala ang asawa mo sayo. Nag-aalalang saad ni mamita.
Yup. Sa katunayan niyan, maliligo na sana ako kaya lang tumawag ka. Sige na, kita na lang tayo mamaya. Bye!
Bye… he said before I drop the call.
Matapos ko na mailagay ang cellphone sa lamesa ay pumasok na ako ng banyo at naligo na. baka sakaling maging ayos na ang pakiramdam ko kapag iniligo ko na ang sakit ng ulo ko.
I did my routine and after that ay pumasok na din ako. Jerome did not protest when I said to him na papasok ako. Wala din naman siyang magagawa kaya mas maigi na rin na hindi na siya tumutol kanina.
Pagdating ko sa office ni mamita ay dumiretso kaagad kami sa unang photoshoot ko ngayong araw. Kahit na pumipintig ang ugat sa ulo ay ginawa ko pa din ng maayos ang trabaho ko.
May times na kakamustahin ako ni mamita dahil sobra siyang nag-aalala pero sinasabi ko na maayos pa naman ang pakiramdam ko kahit hindi naman.
I cancelled your two shoots for this day. You need to rest. Hindi ka pwedeng ma-over work ngayon dahil sa kalagayan mo. Saad ni mamita saakin.
Gusto ko pa sana mag protesta pero hindi ko na nagawa. Masyado ng masakit ang ulo ko at kung ipipilit ko pa ay baka maabuso ko na ang katawan ko at himatayin ako bigla.
Pero ayaw ko pa na umuwi. I can’t stand seeing him right now. Kung uuwi ako sa bahay ay makikita ko siya doon at baka magsimula na naman akong maging emosyonal.
Alam ko na! kay Khris na lang muna ako ngayon titira. Kahit ilang araw lang naman. I need to heal myself first. Parang pagod na pagod ang katawang lupa ko at tamad na tamad akong kumilos ngayon.
Bakit nandito ka na naman? Bungad saakin ni Pyok. Takte, may sakit ka! Dapat umuwi ka na sainyo at magpaalaga sa asawa mo! Aniya ng maramdaman ang init sa braso ko ng mahawakan niya ito.
Can I stay here for a while? Ayoko muna sa bahay. Masyadong toxic ang nakatira doon. Bored, I said. And please, huwag mo akong ipapasundo kay Jerome. Ayoko munang makita siya. At masyado ring masakit ang ulo ko para sumagot sa mga itatanong mo kaya matutulog na ako. Pangunguna ko.
Alam ko nama na magtatanong saakin si Pyok kaya inunahan ko na siya. Just like what I’ve said, pagod ako at sobrang sakit ng buong kaluluwa ko kaya naman bahala na muna siyang mag-isip ng kung anu-ano at matutulog muna ako…