Kabanata 9

2084 Words
Ilang araw ang lumipas at parang bumalik lang sa dati ang lahat. I’ve been attending acting class and other workshops to improve myself in the aspect of acting. Walang alam si Jerome tungkol dito. Kahit nga yung tungkol sa movie ay hindi pa rin niya alam. Wala pa naman kasing na re-release na statement ang production at ang director kaya naman kahit ang buong sambayanan ay wala din alam. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos ni Jerome. I won’t make up to him. As in never. Siya ang nagsimula ng away saamin at kung anu-anong masasakit na salita ang narinig ko sakanya. I am hurt. Aminado akong noon ay mahilig akong dumikit sa mga lalaki. But never in my life na ipahawak ko o di kaya naman ay gawin yung bagay na yon sa lalaking hindi ko naman gusto. Jerome always come home late. I don’t care anyway. Bahala siya kung anong oras niya gustong umuwi o kung ano man ang gusto niyang gawin. Kung mambabae siya edi go! Walang pumipigil! Huwag lang siyang magpapahuli dahil baka hindi ko matantsa ang sarili ko at humambalos sakanila ng babae niya ang magkabilang kamay ko! I am currently on my way to the studio where I practice my acting skills. Pagpasok ko ng loob ng building ay magaan akong binati ng guard at mga tao doon. I like this place ever since I first started my class here. Ang nasa isip ko kasi ay strikto o maraming maaarte na tinuturuan dito. This place is for those person who wants to be an actress and actor so I’m expecting bitches and assholes here. Good morning ma’am Decery. Kanina pa po nag-aantay sa inyo si sir Enriquez at mr. CJ. Nandoon na po sila sa acting room. Ani saakin ng receptionist. Good morning too. And thank you. I said with a smile before I went to the room where we always practice. Speaking of CJ, naging okay na kaming dalawa. He said sorry to me and he’s taking the blame. Kasalanan niya naman daw talaga kaya siya nasapak ni Jerome. I said sorry to him too. Kahit pa na may nagawa siyang mali ay hindi tama bigla na lamang siyang sugurin at suntukin ni Imaw. After that apologies, we both decided na same class na lang kami ng papasukan since kami naman ang bida doon sa movie na gagawin. Way na rin ito para mas mapagaan lang eksena namin kapag ginagawa na namin yung shooting. You’re late. Bungad saakin ni CJ. Sorry naman! Kasalanan ko ba na hanggang ngayon ay hindi mawala ang traffic sa Pilipinas? Maarte kong saad. CJ and my instructor, mr. Enriquez laughed at me. Sa pulis ka magpaliwanag, wag saamin. Mr. Enriquez said. Shall we start? Dagdag niya pa. Tumawa na lamang kami ni CJ at nagsimula na din mag-ayos para sa gagawin naming mga activity. Before we proceed, marami pa na itinuro saamin si Mr. Enriquez. Some techniques kung paano naman maidedeliver ng maayos yung mga lines namin kapag nagsisimula na kaming mag shoot ng mga scene. May ginawa kami na I- di - dictate ng teacher namin ang emotions na kailangan naming gawin. Para na nga akong baliw dahil pag sinabi ng teacher na tumawa, tatawa ako. Tapos mayamaya lang ay bigla niya akong paiiyakin o di naman kaya ay matatakot. Actually, papasa na ako sa mental hospital kung nakikita lang nila ako ngayon. Good Job! Parang hindi naman ninyo kailangan ng turo ko? Mr. Enriquez praised us. CJ and I glance at each other then we both smiled to our teacher. Alam namin na may kailangan pa din kaming matutunan sakanya pero grabi yung papuri na binibigay niya saaming dalawa ni CJ. After ng class ko ay pumunta ako sa isang restaurant. Niyaya ko si CJ pero hindi daw siya pwede dahil may pictorial daw siyang pupuntahan. Mag-isa na naman akong kakain. Palagi ng ganito ang routine ko. Aalis ng baha, kakain sa labas, magpapalipas ng oras sa mall o di kaya ay pupuntahan si Pyok sa condo na binili niya last week. I need to kill my time para hindi ko makita o hindi ko makasalamuha si Jerome sa bahay. I’m still mad at him. At parang ganoon din siya saakin. Nakita ko naman noon kung paano magalit si Jerome pero hindi ko pa siya narinig na mapagsalitaan ng ganon. Kaya nga noong marinig ko yun sakanya ay nag-uumapaw yung emosyon ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak. Back in to where I am, pagpasok ko ng restaurant ay pinuntahan kaagad ako ng isang waiter at itinuro ang upuan kung saan ako mauupo. While patiently looking for the food that I want to eat, napadaan ang mata ko sa pintuan ng restaurant at nakita ang dalawang pamilyar na muka. At nalintikan na nga! Kasasabi ko lang na wag siyang maghuhuli tapos heto siya ngayon at may kasamang babae. What’s funny is, si Pamela pa ang kasama niya. Yung malanding higad na yon! Tuwang-tuwa pa siya habang nakaligkis ang kamay sa braso ng asawa ko. Dahil sa inis, dali-dali akong tumayo at pumunta sa lamesa nila. Oh my gosh! What a coincidence! I said with my fake smile. Nakita ko naman kung paano man laki ang mata nilang pareho at hindi kaagad sila nakapagsalita saakin. Do you mind if I join you? I bet, you’re here for lunch also, right? Ani ko pa. I’m really starving. Hindi kasi ako nakapag-umagahan kanina. Dagdag ko pa. Wala na silang nagawang dalawa dahil kumuha na ako ng sarili kong upuan sa kabilang table at umupo kasama sila. Kung inaakala ng imaw na’to na makakapambabae siya, nagkakamali siya! At kung inaakala naman ng makating higad na’to na malalandi niya ang asawa ko, nagkakamali siya! Waiter! Tawag ko sa waiter. What do you want to have? Uhmmm I want a pasta, cordon blue and a glass of ice tea. Saad ko. Tinignan ko naman ang dalawa na wala pa rin reaksyon hanggang ngayon. Don’t you want to order? Nangangalay ang waiter kaaantay sainyo. Pamela glance at Jerome and My husband did the same too. I think we should leave. Wala dito yung pagkain na gusto ko. Sa ibang restaurant na lang tayo. Hah! Ang kapal din naman talaga ng muka ng higad na’to. Niyaya niya pa talaga ang asawa ko na lumipat sa ibang restaurant. Anong akala niya sa sarili niya, girlfriend ni Jerome? Parang siya pa yung iwas na iwas saakin. Why are you going to leave? My husband will pay for our food. Don’t worry about the bills. Right, Jerome? May diing sabi ko. Hindi kayo aalis dito sa at sama-sama tayong kakain! Ending ay wala din silang nagawang dalawa at dito na kumain kahit na ipilit niya pa kay Jerome. Serves you right b***h! Asawa ko pa rin si Jerome. At kung inaakala niyang mapapasunod niya si Imaw, good luck na lang sakanya. Jerome and Pamela eat silently. Parang wala silang planong pag-usapan ang mga dapat nilang pag-usapan dahil nandito ako at naaabala ko sila. Loosen up guys! Especially you, Pamela. Para kang nakagawa ng kasalanan at limitado lang ang galaw mo. Nakita ko naman ang pag-irap niya saakin habang patuloy na kumakain. Lumalabas na ang tunay niyang ugali. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Jerome at nagsabi na lalayo muna at sasagutin lang ang importanteng tawag. So, what are your plans with my husband? Saad ko habang ang tingin ay nasa pagkain ko. What are you saying? Maarte niyang sagot. Nilingon ko siya at ngumiti ng bahagya. Stop acting Pamela. Alam ko na magaling ka diyan. Show me your true color. You really want me to be true to you? Yes, I want your husband. Happy? Bingo! Umamin na din ang malandi na’to. Akala ko hindi pa siya aamin. Eh halatang halata naman. Kung hindi nga lang ako asawa ni Jerome ay mapagkakamalan na siyang girlfriend ni Imaw dahil lagi siyang nasa opisina nito. I didn’t say that you don’t like my husband. Obvious ka naman kasi masyado. Bahagya akong natawa. Eh bakit ka pa dikit ng dikit saamin kung alam mo naman pala? You’re husband will not be with me always kung binibigay mo sakanya ang oras mo. So move away and don’t come again near us. Asawa ka lang niya sa papel. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya saakin. Parang sinasabi niya saakin na ipaubaya ko sakanya si Jerome. Ang kapal din naman ng muka niya na sabihin na hayaan ko na sila. Eh paano kapag nakita yon ng ibang tao? Tapos malayan yon ng mga magulang namin? Hindi ba siya natatakot na masabihan kabit at masira ang career niya dahil sa kagagahang ginagawa niya? Bakit ko naman ibibigay ang asawa ko sayo? Nanliliit na matang saad ko. Does he said that he loves you? To tell you, Pamela, we may be married in paper but Jerome used to follow me and love me since he first saw me. Naniniwala ka naman sa kasabihang “first love never dies” diba? Tingin mo, papayag si Jerome na ikasal saakin kung kaya niya naman yon talikuran? Think carefully b***h. Maaaring sumasama siya sayo pero sinasabi ko sayo, saakin pa rin siya uuwi. I said before I wipe my lips and leave her. Nawala ang gutom ko dahil sa pinagsasabi niya saakin. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot o kumukuha ng kapal ng muka para masabi niya saakin yung mga yon. Ganoon na ba talaga siya kadespirada para asawa ko? Jerome called my name but I didn’t look back. Magsama sila ng kabit niya! Dahil wala na akong mapupuntahan ay pumunta na lang ako sa condo ni Pyok. Mag-uusap na lang kami tungkol sa buhay niya sa ibang bansa. Much better nga kung doon na din ako matulog sakanya. Pagdating ko sa bahay ni Pyok ay agad niya akong pinapasok at pinaupo sa couch niya. Simple lang ang tinitirahan niya. Tipikal para sa isang taong ayaw magpakita sa magulang. Why are you here again? Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ng asawa mo. Tanong niya saakin bago ibigay ang isang baso ng juice. Sa tingin mo mapapatawad ko yon? Ikaw kaya sabihan ng nakakadiri at malandi, magkakaayos ba kayo ha? Inis na saad ko sakanya. Pyok sighed at me. Naupo siya sa katabing couch at hinarap ako. He’s still your husband, Jai. Hindi ka ba nahihirapan kapag nasa iisang bahay lang kayo at hindi man lang nagpapansinan? Sanay na ako. Ani ko. Alam mo, hindi kita maintindihan. Why? Three weeks ago, sobrang alagang alaga mo si Jerome. You really look like a good wife to him. Muntikan na ko na ngang isipin na gusto mo na din siya. Saad niya. Don’t be confuse, okay? Naging mabait ako sakanya dahil yun ang tingin kong makakabuti saamin. But suddenly, he said hurtful words to me. Kaya ayon, back to zero kami. Paliwanag ko sakanya. Eh bakit kasi hindi ka na lang makipagbati sakanya. Tell him what really happen that night. Naikwento ko na kasi kay Pyok yung totoong nangyari at naiintindihan niya si Jerome kung bakit ito nagalit saakin. Nakakainis, buti pa si Imaw naiintindihan niya tapos ako hindi niya magawang intindihin. No way! Bahala siya! Kung masaya siya ngayon dahil malaya siyang mambabae edi hindi ko na sasabihin sakanya. Hahayaan ko na lang na isipin niya kung anong gusto niyang isipin. Saad ko bago tumayo at naglakad diretso sa kwarto niya. Masyado na akong napagod kaya matutulog muna ako. Ipapahinga ko muna yung utak ko at bibig dahil sa pakikipagtalakan ko sa kabit ni Jerome. Sa susunod na makita ko talaga yung babae na yon, baka hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Nagpipigil lang talaga ako kanina dahil inaalala ko yung image niya sa mga makakakita sakanya. I closed my eyes and let me fall asleep. Nang magising ako ay pikit akong umupo sa kama ni Pyok at nag-unat. Anong oras na kaya? Habang pikit ang mata ay tinungo ko ang pintuan ng kwarto. Laking gulat ko ng mabangga ako sa isang upuan habang kapa-kapang naglalakad ako. Wala namang upuan dito kanina ha! Napakamot na lamang ako ng ulo at kinapa ang pintuan. Pero kahit anong kapa ko ay wala talaga akong makapa. Bonuksan ko ang aking mata at isang pamilyar na kwarto ang bumungad sa mata ko. Shit! Bakit nasa bahay na ako!?       Sorry for the short update. Busy na po kasi ako dahil sa mga activity na binibigay ng mga professor ko. Don’t worry, next chapter, babawi ako!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD