One week after na maibalita saakin ni mamita ang kontrata. At first, syempre pinag- isipan ko muna. Showbiz industry is a big world. Mahirap makapasok at mahirap din makaalis. Bibihira lang ang ganitong opportunity na dumating sa buhay ng tao. And it is a privilege that I am one of those person who’s given a chance to be a part of them.
One thing also is that, I don’t have a proper training and acting skills na kayang ilevel sa mga magagaling na artista tapos may movie na kaagad na binibigay saakin.
I actually didn’t tell this to Jerome, especially to my parents. I know for sure na hindi nila ako papayagan.
Sa ngayon, nagtatalo ang isip ko kung tatanggapin ko ba o hindi. I have a hunch that if I accept this, Jerome and my parents will get mad at me. Also, If I won’t take this opportunity, hindi ko na makukuha ulit itong pagkakataon na ito. It is a one time opportunity na kapag tinanggap ko, mas lalo akong makikilala at magiging sikat.
Right now, I’m on my way to the building of TV station who wants me to be their actress. Pagpasok ko ng building ay diretso akong nagtungo sa isang kwarto kung saan pag-uusapan ang tungkol sa proposal na movie saakin.
Kabadong pinasok ko ang conference room at binati ang mga taong naruon. The president of the station and some of the board members are there also. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
I mean, ganoon ba kaimportante yung kontrata na ipapakita nila at papapirmahan saakin? Sa pagkakaalam ko, kung may ganitong nangyayari ay hindi naman kinakailangan na kumpleto silang dadalo, but here they are, welcoming me.
Good thing you’re here mrs. Manicio. Ani ng isa sa mga borad membere. From what I’ve heard from your manager, you took a leave because of an accident. Dagdag niya pa.
I nodded at smiled at him. Hindi pwedeng mataray dito. Mga matataas na tao ang nandito, baka mamaya kapag pinakita ko yung tunay kong ugali, mawala pa yung opportunity.
Yes. I almost drown myself when my husband and I is on a vacation. Though, I’m fine now. Wala namang naging problema. I said.
That’s good. Dapat na alagaan mo ang sarili mo. He said, full of concern.
By the way, is CJ in here now? Nakakahiya na pinaghihintay natin si Mrs. Manicio. One of the board members asked.
Naaasiwa ako sa pag tawag nila saakin ng misis. Parang hindi big deal sa kanila na may asawa na ang talent na kinukuha nila.
Ilang sandali pa ay dumating na din si CJ kasama ang manager niya at umupo sa katabing upuan ko na bakante.
Hi. Good afternoon. CJ whispered to me.
I greeted him too and waited for someone to speak up and discuss the contract that they want to give us.
So as your manager told you, our station want you to become the leading characters of an up coming movie. It will be also a great opportunity to the both of you as will give you a lot of followers and may be the reason for the growth of your career. And as a part of that contract, we want for the both of you to become a love team, especially, we have thought already the outcomes of this movie. Hindi pa nagsisimula pero nakikita na namin ang magandang kinalabasan ng love team ninyo. Ani ng board member.
Mayamaya pa ay may nag flash sa screen na muka namin ni CJ at ang sumunod naman ay bar graph, showing the growth of our love team, for this month.
As you can see in the graph, both of them gained already a lot of fans. And some of them already created a fandom and paged whereas you are the artist they are shipping.
Another slides and some of the comments from the viewers and some people commenting in our photos and commercial, popped.
The number of followers blown my mind. Ganito na pala karami ang naging fans namin ni CJ? I didn’t expect this. Iniisip ko lang na yung may mga fashion sense o di kaya naman ay mga dati ko ng followers ang magiging taga sunod namin ni CJ.
So, what do you think? I am thinking that you’ve already read the content of that contract. The president of the board said.
Ito na yung chance mo Decery. If this love team booms, maraming projects ang papasok saakin. It will be very tiring but I know for sure that I will enjoy this.
Binasa ko muli ang iilang rules sa contract at pagkatapos ay pinirmahan ito. CJ did the same. After that, the president of the board and other board members greeted us and congratulate.
I have one question, sir. I started after the president and I, did a hand shake. You knew that I do have husband already. Why me? I mean, gusto ko yung opportunity but haven’t you think that, a woman with no husband is a better choice? Tanong ko sakanya.
Napapaisip kasi talaga ako. Marami silang pwedeng pag bigyan ng role but they chose me to do it. A woman who doesn’t have any experience in acting and already married.
Iha, being married is not a concern here. What we seen to you is not the husband of yours but your talent. Nakikita namin yung chemistry niyo ni CJ. And to tell you honestly, malaki ang maitutulong ng chemistry niyo ni CJ. Simple niyang saad na nginitian ko.
I smiled at him. It is really an honor to be a part of your talents. Thank you for this opportunity, mr. Fernandez.
Pagkatapos ng pag pirma ay nagkaroon ng photo opt sa lahat ng members, kasama kami ni CJ.
Paglabas namin ng building ay niyaya kami ng manager nila CJ na pumunta sa isang restaurant at mamayang gabi naman ay sa isang bar sa may BGC.
Congrats to us! Bati saakin ni CJ.
Congrats. Isipin mo yon, instant artista na tayo. Natatawa kong saad.
Buong oras na kumakain kami ay puro tawanan lang kami. I never expected na magiging magaan din yung pakikitungo saakin ng manager ni CJ. Ang akala ko kasi noong una hindi ganoon kaganda ang ugali niya dahil hindi niya naman ako pinapansin noong may mga shoot kami ni CJ.
After namin na kumain ay hinatid nila ako sa bahay at doon muna nagpahinga bago nag-ayos at pumunta sa bar na tinutukoy nila.
Wala si Jerome ngayon dito dahil may emergency meeting daw sila sa kumpanya ng daddy niya. Kawawa nga yung si Imaw. Since his brother is not here, siya na ang pumasan ng responsibilidad ng kumpanya nila. Doble pa ang pagod dahil hawak din niya ang kumpanya namin.
Wearing a heart tube top and a black skirt, I entered the bar. Sanay na ako sa mga ganitong lugar. Noon pa man kasi, bago ako mag-asawa, I used to party in here. Simula siguro noong maging high school ako at maging college. Laman ako ng mga bar. Kahit na hindi ko kasama noon sila Krisha at ang pinsan ko ay pumupunta pa rin ako.
Nang makita ko kung nasaan sila mamita ay tinungo ko ang table kung nasaan sila.
I thought you’re not coming. CJ greeted me by kissing my cheek.
Sorry. Na traffic kasi ako kaya ngayon lang ako nakarating. Paghingi ko naman ng paumanhin sakanya.
Come and sit, Iha. May drinks na dito pero order ka na lang ng iba kung ayaw mo ng iniinom namin. Mamita said to me.
Umupo na ako at tinawag naman ni CJ ang isang waiter. Nang makarating ay umorder na ako ng mojito.
While waiting, CJ and I were talking about our up coming movie. We shared our thoughts on what may happen when we are going to start shooting. Ang plano kasi ng management ay masimulan na ito next month. They just want us to finish our errands before focusing on the acting.
At dahil binigyan kami ng oras, nag enroll ako sa isang acting class na pwedeng makatulong saakin. Kahit na umaakto akong butihing asawa sa harap ng magulang ako, I still know to myself that I still lack in some aspect of acting. Puro kasi fierce at happy lang ang madalas na reaction ko kapag sinasalang ako sa camera. Ngayon mag-iiba na. I need to learn different emotions in front of the camera. Kahit nga pag-iyak dapat ko na din ma-practice.
Does your husband know about this?
Napahinto naman ako ng sabihin yon ni CJ. Ayoko munang sabihin sakanya. Since we still have a month, paghahandaan ko muna yung mga sasabihin ko sakanya.
Tsaka ko na lang muna sasabihin. I knew that he’ll get mad so, I should be at least prepare for that. Pag-amin ko.
The bar is full of party people. Yung iba ay nagsasayawan habang ang iba naman ay nasa isang sulok at gumagawa ng himala. Good luck na lang sakanila pag may nakuha silang sakit dahil sa ginagawa nila.
Ilang sandali pa ay nararamdaman ko na ang tama ng alak sa buong katawan ko. Out of know where ay natatawa ako at nagiging makwento sa mga kasama ko.
Alam niyo ba? Paninimula ko. Wala pang nangyayari saamin ng asawa ko. Bulong ko habang humahagikgik. Shhh lang kayo ha! Nakakahiya ihhh. Dagdag ko pa.
Si mamita naman at ang manager ni CJ ay natatawa dahil sa sinabi ko. Habang si CJ naman ay hindi maipinta ang muka.
Wala na akong kontrol sa sarili ko kaya kahit gusto ko man na pigilan ang bibig ko ay hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko. marami akong naikwento sa kanila na sa ilang sandali lamang ay wala ng humpay ang tawa ng dalawa.
Oh my gosh iha! Yung ganong katawan, hindi mo pa natitikman? Kung ako yon baka gabi-gabi kong gapangin yon. Ani ng manager ni CJ.
Anong gagapangin? Akin lang yon! Hindi ko pa nga natitikman, uunahan mo na ako? Nakanguso kong saad.
Isang paghampas sa lamesa at pagbuhos ng malamig na likod sa binti ko ang nagpatigil saakin at sa dalawang kasama namin sa pagtawa. Pare-pareho namin na nilingon si CJ na muka ring gulat dahil sa ginawa niya.
Sorry Decery. Hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako. Aniya habang pilit na pinupunasan ang basa kong hita ng tissue.
Hindi na CJ, okay lang. ako ng bahala sa cr. Ani ko.
But CJ insist. He even kneel in front of me to wipe the liquor that is now in my leg. Gustuhin ko man na ilayo siya ay hindi ko magawa dahil busy siya sa pagpupunas ng nabasa kong hita at binti.
Natigilan ako ng biglang may paang huminto sa harapan ko at biglang sinuntok si CJ na ikinagulat ng lahat ng taong malapit saamin.
Gago ka! Bakit mo hinahawakan ang asawa ko, ha?! Tumayo ka diyang gago ka! Ani Jerome habang pilit siyang inilalayo nila mamita at ng manager ni CJ.
Para akong nawalan ng tama at hinigop ng kinatatayuan ko ngayon ang alak sa katawan ko. Tinulungan ko kaagad na tumayo si CJ at tinignan ang labi nito na may dugo na.
Okay ka lang ba? Patingin nga. Ani ko habang pinupunasan ang dugo.
Pupunasan ko na sana ulit ang dugo sa labi niya pero isang kamay ang pumigil saakin.
Ano ba Jerome! Bitawan mo ako! Tutulungan ko pa yung sinuntok mo! Sigaw ko sakanya habang pilit na kumakawala.
Tumigil ka, Decery. Uuwi na tayo. Hila niya pa din saakin.
Kahit anong pagpigil at paghila ko sa kamay ko ay mahigpit pa rin ang hawak ni Jerome sa kamay ko. He’s holding my wrist firmly that I feel hurt.
Bitawan mo ako imaw, nasasaktan ako! Aray! Ano ba!
Nang makalabas kami sa bar ay walang habas niya akong pinasok sa loob ng sasakyan niya bago pumasok sa kabilang pintuan at pinaandar ang sasakyan niya.
Shit! Yung kotse ko.
Don’t worry about your car, your family driver will drive that to our house. Saad niya habang ang tingin niya ay nasa harap ng sasakyan.
Kitang kita ko kung paano mag-igting ang panga niya at pagdikit ng kanyang kilay. He’s in rage, I can see that in his eyes.
Pagdating sa bahay ay ipinarada niya ang sasakyan sa garahe habang ako naman ay pumasok na kaagad sa bahay at diretsong umakyat sa kwarto.
Bahala siya diyan. Naiinis ako! Bakit niya naman susuntukin yung si CJ eh wala namang ginagawang masama saakin yung tao! I hate him! I hate him!
Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang kalabog ng pagbukas ng pintuan.
Why is he touching you? Bakit ka nagpahawak, ha?! Tell me, Decery! Why did you let him touch you?! Napakalandi mo talaga! Sigaw niya saakin.
Halos sabunutan ko yung sarili ko dahil sa tanong niya saakin. Why is he asking me that? Nag-iisip ba siya? Iniisip niya ba na may ginagawang masama si CJ habang pinupunasan ang alak na nasa binti ko?
I can feel my tears that wants to escape in my eyes. Why am I being so sensitive right now? Diba dapat akong magalit sakanya?
I broke down as I sat on the bed. Ano ba ang tingin mo saakin, babaeng makati? Na kapag hindi nahawakan ng asawa, magpapakamot sa iba? Naiiyak kong saad.
Then what is he doing in your legs? Is he licking it? Is he pleasuring you?... kaya ko naman na pasayahin ka sa kama bakit sa iba mo pa ginawa! Take note, your it in public place! Hindi ka ba nahihiya ha? Nakakadiri ka! Saad niya bago lumabas sa pintuan at iniwan akong umiiyak.
Grabe yung nakita kong pandidiri sa mata niya. He’s in rage as well as disgusted to me. Hindi ko man lang nagawang magpaliwanag sakanya dahil bigla na lamang siyang umalis.
It is my first time hearing him saying those things. Na malandi ako at nakakadiring babae. Ang sakit lang na sa tagal na panahong nakasama ko siya ay ganoon ang naging pag-iisip niya dahil sa nakita kanina.
Dahil sa patuloy na pag-iyak ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako at nagising ng maga ang mata. Tinignan ko ang kabilang bahagi ng higaan at nakitang hindi man lang nagalaw ang unan niya, senyales na hindi siya dito natulog kagabi.
Thinking about what happened last night, naiiyak na naman ako. Akala ko ay magiging maayos na ang pagsasama namin kahit papaano. Tapos ito ngayon, nag-aaway na naman kaming dalawa dahil sa misunderstanding.
Nang maisipan ko na kumain na ng umagahan ay nag-ayos na ako at kalaunan ay bumaba na.
Wala akong naabutan sa kusina na Jerome. Malamang ay maaga siyang umalis ngayon at pumunta sa trabaho. Tinignan ko ang lamesa kung may natirang pagkain sa niluto niya pero dismayado akong pumunta sa ref namin at naghanap ng makakain ng makitang walang pagkain na natatakluban sa lamesa.
Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ko at ng makita kung sino ang tumatawag, nakita ko ang pangalan ni mamita.
Decery! What happened to you last night? Okay ka lang ba? Nag-away ba kayo ni Jerome? Ito naman kasing si CJ, pinalayo mo na nga, tuloy pa din ang punas sa hita mo. Ayan tuloy, iba ang inisip ni Jerome na ginagawa niyo. Mahabang saad ni mamita.
Napabuntong hininga na lamang ako. Okay lang ako mamita. We fought last night. Wala naman ng iba don. Sanay na ako. I lied.
I’m used in arguing with him but last night was different. Hindi ko alam kung bakit naging sobrang emosyonal ko at hindi ko napigilan ang luha ko na bumuhos magdamag. Gusto kong pukpukin ang ulo ko dahil sa pagpapakita sakanya ng mga luha ko. Sa pagpapakita ng pagiging mahina ko.
Huwag kang mag-alala, kakausapin ko ang asawa mo kapag nagkita kami.
Kahit hindi na mamita. Okay lang naman ako. There is no problem.
Matapos naming mag-usap ay bumuhos muli ang luha ko. Ito na naman tayo sa pagiging emosyonal! Bakit ba ayaw huminto ng mata ko sa pag-iyak.
Nang matapos na akong kumain ay umakyat na muli ako sa kwarto at doon binuhos ang natitira pang luha.
I’m starting to hate him because of what he said to me. Naiinis ako sakanya dahil pinapamuka niya saakin na wala akong delekadesa at malanding babae. Kulang na nga lang ay sabihin niya na bayaran akong babae. From this moment, I will bring back my old self. He did something to me that I didn’t like so he should pay for it.
Kung tutuusin nga ay hindi na dapat ako umiyak ngayon. Matagal ko ng ayaw si Jerome. At magiging madali na para saakin ang hindi na muli siyang pansinin.