Kabanata 21

2727 Words
How does this happen? Kami lang tatlo nila CJ at Jerome ang nandoon. Imposible naman na may sumunod pa sa amin para lang makuhanan ng video! Sigaw ko kay mamita. This is getting out of hand. Sobra na yung pambabash sa akin ng mga tao. People are calling me slut because of what they’ve watched. Hindi ba nila naisip o hindi man lang ba nila nakuhanan ng video yung pagsama ni Jerome kay Pamela? Hindi ba yun muna dapat ang napuna nila? Everyone saw Jerome and Pamela that time. Bakit parang hindi man lang sila napaisip na “ bakit si Pamela yung kasama niya, hindi ba dapat asawa niya yung date niya? ”. Ang nakakainis kasi sa mga tao, may mapanood lang nakapunapuna, kahit hindi naman totoo ay ipagdidiinan talaga nila. Ngayon tuloy puro hate lang ang nakukuha ko sa ibang tao! That’s the point iha. Sinundan talaga kayo ng media! Sabi ko naman sayo mag ingat ka! Look what’s happening now! A loud voice echoed in the whole room. But mamita, CJ and I, we are just talking that time. Yung pagtatalo na nakuha sa video? I only confronted Jerome why he came to that party with Pamela. I explained Sobrang gulong-gulo na ako ngayon. At katulad ni mamita na napapahawak na sa ulo ay sumasakit din ang ulo ko kaiisip kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Pero yun ba ang nakita ng mga tao? Mamita said. Napaupo na lamang si mamita habang hawak pa din ang kanyang noo. Tama…hindi nga yon ang nakita ng ibang tao. Hindi nila yon kasalanan at hindi ko din yon kasalanan. Everything was a misunderstanding. People misunderstood what they saw. What should we do now? I asked him. For now, we should do nothing. Mawawala din ang issue na ito. But Decery, I suggest that make the public notice the good relationship with your husband. Makipag-ayos ka na sa asawa mo, please lang. He frustrated said to me. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Mamita. Making up with Jerome is a bad thing to do right now. How can make up with him if he doesn’t want to make up with me too, right? Wala pa akong balita ngayon kay CJ. Ang alam ko ay pinapaiwas muna si Cj sa ibang guesting katulad ko dahil iniiwasan muna nila na maglabas kami ng statements tungkol sa nangyari. Pero gusto kong makausap si CJ. I want to clarify things with him and also apologize for dragging him in this scandal. Kung hindi siguro ako sumama sakanya nung time na yon at kinausap ko kaagad si CJ, baka hindi siguro umabot sa ganito ang lahat. Wala sanang video na lalabas at wala sanang issue na mabubuo. Since I am not allowed to go outside right now, umuwi na lamang ako sa bahay at doon nag-isip mga bagay-bagay. Hindi kasi muna tatanggap ngayon sila mamita ng guesting sa ibang show para hindi maungkat at hindi ako matanong tungkol sa issue. He also told me that if I’m going to post on my social media account, I should make sure that it will highlight me and Jerome, para daw mapaniwala ang ibang tao na okay naman daw talaga kami ni Jerome. It is now twelve in the afternoon, kakatapos ko lamang na magluto ng tanghalian. Kakain na sana ako ng biglang tumunog ang doorbell namin. Sino naman kaya yon? Ibinaba ko muna ang hawak kong kubyertos bago pinuntahan ang pintuan. Nang mabuksan ito ay nakita ko kaagad ang muka ng pamilya ko. Their looks is telling me and asking me ‘what have you done? “. Bumuntong hinanga na lamang muna ako bago sila pinapasok sa loob ng bahay. I should explain to them. I don’t want them to get the wrong idea. Ayoko na maging dahilan din ito upang ipatigil ni dad kung ano man ang mga gingagawa ko. Since it’s already lunch, I offered them to eat with me. Sakto lamang dahil naisip ko na magluto na ng ulam na pang hanggang mamayang gabi. While eating, the atmosphere is killing me. My both parents are staring at me, waiting for me to speak up and explain. Let’s respect our lunch. Mamaya na natin pag-usapan ang bagay na yon. Ani ko sakanila habang ipinagpapatuloy ang pagkain ng tanghalian ko. Mga ilang sandali pa, ng matapos na kaming kumain ay inaya ko na sila sa living room upang doon pag-usapan ang ipinunta nila dito. What you had watched isn’t true. The media caught me and Jerome having an argument with this girl, named Pamela. Nadamay lang ang co-star ko dahil siya ang lagi kong nakakasama because of our work. Walang sabing paliwanag ko kaagad sakanila. Then why are you with your co-star that time? Lahat ng tao ay nakwestyon ang video na yon dahil sa part na iyon. My dad stated. I blew my breath away. Hindi ba nila alam na party yung pinuntahan ko at malamang, makakasama ko talaga si Cj doon dahil siya ang love team ko. I asked CJ that time to come with me and breath a fresh air outside that event. That’s why doon kami naabutan ni Jerome. I lied. Ayoko ng pumanget lalo ang image ni CJ sa ibang tao pati na rin sa magulang ko. Tama na yung kahihiyan na dinala ko sakanya dahil sa issue. Who took the video? My father asked It was one of the paparazzi. Then he or she posted it. I answered. We should do something about this. My mother said out of know where. Our lawyer can make the poser pay for this. They’re confusing people about your relationship with your husband. Nasisira ang image natin anak. Dagdag niya pa. That’s not a good idea. If that happen, mas lalong iisipin ng ibang tao na guilty ako sa mga napanood nila. I don’t want that to happen. Ako lang ang magsa-suffer. My manager told me to never release any statement and do something about it. Huhupa din naman daw ang isyu ko. Saad ko sakanila. What?! We should do something about this! Hindi pwedeng ganito anak! Ano na lang ang iisipin ng pamilya ng asawa mo! My mom hysterically said. She’s exaggerating things! Oh my gosh! Balak ko naman na magsalita at magkwento sa pamilya ni Jerome para naman isipin nila na hindi talaga totoo ang napanood nila. At tsaka, bakit ba problemado sila sa iisipin sa akin ng pamilya ni Jerome? It is not their problem anymore. Ako ang lulutas nito. Sa ngayon, what I need to do is to patiently wait until the issue subside. After that, I will will mamita that I am going to release a statement for the betterment of my family, CJ, Jerome and me. I’ll talk to them mom, don’t worry about that. I sighed. Hapon na ng umuwi sila mom at dad. Akala ko ay makakauwi sila ng maaga pero inabot kami ng ilang oras dahil sa pag-uusap tungkol sa nangyari. Ang sakit na nga sa tenga dahil paulit-ulit lang din naman sila sa sinasabi nila sa akin. And I told them so many times that I never wanted this to happen. Kinabukasan ay hindi pa rin humuhupa ang issue. Imbis na kahit papaano mapalitan na ang issue, mas lalo pa itong naging topic, hindi lang sa social media kung hindi pati na rin sa mga balita. Nasa bahay pa din ako hanggang ngayon. Last night, Jerome didn’t come home. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon o kung saan siya natulog kagabi. I am worried to him. Unang beses lang siyang hindi umuwi sa bahay. Kinakabahan ako na baka kung na paano na siya, kung may nangyari bang masama sakanya. He’s not texting me. Ayoko naman na mag first move…Or maybe I should? Since I am stranded at home, sobrang boring ng buhay ko ngayon. I am watching movies twenty four-seven. Ang sakit na nga ng mata ko dahil halos wala akong tulog. Bukod kasi sa panonood ng movie ay naging busy din ang utak ko sa pag-iisip kung nasaan si Jerome. Habang nanonood ng movie ay nakaramdam ng kalam ang tiyan ko. Kaya naman ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng makakain. When I got in to our kitchen, I opened our refrigerator and look for our food. Walang laman ang ref namin? Grabe naman! Isang araw lang akong hindi nag trabaho at nag stay sa bahay, wala na kaagad natirang pagkain sa ref namin? Maybe I should buy our grocery in the near grocery store. Nang makapag desisyon ay pumunta na ako sa taas at nagpalit ng damit. When I’m completely finished in wearing my clothes, I went down again and leave our house premises. Malapit lang naman ang grocery store dito kaya lalakarin ko na lang ito. Mas maganda rin na ganito para naman mawala lahat ng calories at sugar na nakain ko kahapon. Habang naglalakad ay kapansin pansin ang ilang tao na tumitingin sa akin. I actually wore black shade of eye glass and a cap to serve as a cover up. Ayoko naman na mapagkaguluhan ako ng mga tao. Pero mukang hindi epektibo ang cover up ko dahil marami pa rin ang nakatingin sa akin ngayon. Pagpasok ko ng grocery store ay pumunta kaagad ako sa snack portion at doon naghanap ng pwede kong makain mamaya habang nanonood ng movie. After that, pumunta naman ako sa condiments section at meat section para magkaroon din kami ng stock ng pagkain sa bahay. Matapos sa mga lugar na yon ay pumunta naman ako sa malaking refrigerator at doon kumuha ng tatlong galon ng ice cream. I am craving for this so might as well bumuli na rin ako nito. While picking for the flavors of my ice cream, isang pamilyar na boses ang narinig ko, hindi kalayuan. Pinagpasawalang bahala ko lang ito nung una pero nung marinig ko ulit ito ay pinuntahan ko na ito. Papalapit ng papalapit, domodoble ang kabang nararamdaman ko dahil sa naririnig kong boses. I know this voice. Siya lang ang may ganito kabaritonong boses na narinig ko. Malapit na ako sa pwesto kung saan ko narinig ang boses na yon. There is still a shelf in between us. I sighed then walked the remaining steps towards the voice that I’m hearing. I’m shock as I saw Jerome and Pamela laughing at the corner, doing grocery as if they’re the real couple. Wala bang ibang nakakakita nito? I mean, someone posted my video that made people think that I am cheating but I’m not. Tapos sila ngayon na publicly kung maglandian, wala man lang kumukuha ng litrato sakanila? How unfair! It hurts me seeing him with Pamela. Sa lahat ng babae na pwede niya namang makasama, alam niya na si Pamela ang kinaseselosan ko. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko at pinigilan ang sarili na maluha sa nakikita. Kaya ba wala siya kagabi at hindi nagparamdam sa akin ay dahil magkasama sila? Ilan sandali pa ay nagkatitigan silang dalawa. Si Pamela ay unti-unting inilapit ang muka kay Jerome. Si Jerome naman ay nakatitig lamang din sakanya na para bang inaantay ang paglapit ng labi ni Pamela sakanya. Parang dinaluyan ng libo-libong bultahi ang katawan ko ng makita kong tuluyang nagdikit ang kanilang mga labi. Ang hawak ko na isang galon ng ice cream ay nabitawan ko, dahilan upang magulat ang dalawa at mapatingin sa gawi ko. Kasabay ng paglingon nila ay ang pagsilip din ng mga luha sa aking dalawang mata. Gusto nitong bumuhos ng milyong milyong luha ngayon. Napahigop na lamang ako ng hangin bago ito ibinuga at sabay talikod sakanila para umalis na. Hindi ko na inisip pa ang mga pinamili ko at dali-dali na lamang akong tumakbo papalayo sa lugar na yon. Papalayo sa lugar kung saan ko naramdaman ang ganitong klase ng sakit. I know that Pamela has a thing to Jerome but I didn’t thought that she will use our situation to seduce my husband. Naghalikan sila hindi sa loob ng condo o sa isang private na lugar. Naghalikan sila sa open space na kung tutuusin ay maraming makakakita pero ni isa, wala akong nakita na pumuna. Nang mapagod sa pagtakbo, napahinto ako sa isang play ground na malapit lang sa bahay namin. Umupo ako sa bench at doon ibinuhos ang lahat ng emosyon na gusto kong ilabas mula noong makita ko ang eksena kanina. Parang pinupunit ang puso ko sa milyong piraso. Parang pinipiga ang baga ko… Hindi ko alam kung ilang oras na akong nananatili sa lugar na ito. Basta ang alam ko lamang ay marami ng tao ang naririto ngayon. Mga bata na naglalaro kasama ang kanila mga bantay. Isang babae ang lumapit sa akin di kalaunan. She looked at like she’s analyzing my face. Ikaw yung mahaderang asawa na kumakabit diba? Mataas na kilay na saad niya sa akin Pinunasan ko na lamang ang luha ko at hindi pinansin ang babae. Hoy! Sumagot ka! Diba ikaw yung nasa video? Yung nahuli ng asawa?! Sigaw niya pa sa akin. Ilang sandali lamang ay lumapit na ang ilan pang mga babaeng nakauniform at tinignan din ako. Bakit mare, sino ba yan? Tanong ng babaeng naka-pink. Celia, yan yung babaeng nasa video diba? Anong ginagawa niyan dito? Mataray na saad ng isa pa. Mataray akong tinignan ng mga babae at nakakrus ang braso silang nakaharap sa akin. Hindi ako pwedeng gumawa na naman ang eskandalo. If I hurt them, this will again will go viral. Captioned “ang artistang si Decery ay mapanakit”. I don’t want that to happen. Tumayo na lamang ako at naglakad na papalayo sakanila. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay may isang kamay ang humigit sa akin. Kinakausap ka pa namin! Ang kapal din naman ng muka mo na magpakita sa mga tao! Hindi ka ba nahihiya sa nagawa mong kasalanan sa asawa mo at sa pamilya niya?! Akala mo naman kagandahan! Sigaw sa akin. Wala akong balak na patulan sila kaya dapat lang na umalis na ako ngayon. Hindi rin ako pwedeng maglabas ng statement kaya dapat lang na hindi na ako magsalita. Tumalikod na lamang muli ako sakanila at nagsimulang ihakbang ang paa. Nakakalimang hakbang pa lamang ako at hindi pa nakakalayo ng tuluyan sakanila ay nakaramdam ako ng pagtama ng kung ano sa likurang bahagi ng ulo ko. Nilingon ko sila at doon nakita ang mga nakangisi nilang muka. Nang maramdaman ang sakit ng ulo ay kinapa ko ito at doon naramdaman ang tila basang parte. Tinignan ko ang kamay ko at doon nakita ang dugo na galing sa ulo ko. Tumingin ako sa paligid at hinanap ang bagay na pinangbato sa akin at doon ko nakita ang isang bato na malapit sa akin. Napakapit ako sa aking ulo ng maramdaman ko na naman ang pagsakit nito. Hinawakan ko ang parte kung saan tumama ang bato at pilit na pinigilan ang pagdurugo nito. Dali-dali akong umuwi ng bahay at kinuha ang susi ng sasakyan bago ito pinaandar at dumiretso ng hospital. When I got there, the nurses immediately helped me. They checked my vital signs and asked me some questions like, if my head is hurting o kung nahihilo ba ako. My head is just hurt. What I’m worried about now is the blood that is coming out in my head. Sabi naman ng doctor ay maliit lamang na cut ito kaya naman hindi ito naging ganoon kalala. The nurse put a bandage into the wound and later on leave me to attend her other patient. I dialed Pyok’s number and after three rings, she answered it. What is it? I’m busy. Bungad niya sa akin. Pick me up in the hospital near our village. I heard a loud thud sound from the other line. Hey, anong nangyari? Where are you again?! She exclaimed. I’m in the hospital. Pick me up. Ayokong mag drive dahil masakit ang ulo ko. Huling saad ko bago pinatay ang tawag. I’m sure Jerome will come home later. And I’m sure na kakausapin niya ako tungkol sa nakita ko kanina. And if that happen, sisiguraduhin ko na mapapatunayan ko sakanya na mali ang desisyon niya na magpalandi kay Pamela. Kung inaakala naman ni Pamela na magpapatalo ako sakanya, nagkakamali siya. Gagawin ko ang lahat para bumalik ulit kami sa dati ni Jerome. Jerome is mine and no one can have him. Ako lang ang para sakanya…. Ako lang….            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD