It is almost seven in the evening when the doctor allowed me to go home. Inantay pa kasi nila kung may iba ba akong mararamdaman matapos nilang mailagay ang bandage sa sugat ko.
On the other hand, Pyok went to where I am. At ang unang bungad niya sa akin…
What happened to you?! She exclaimed.
I told her what happened to me. She planned to file a complaint to those who hurt me. Sinabi ko sakanya na hindi naman malalim ang sugat ko. And I told her that if this will be announce to public, mas lalo lamang hindi titigil ang mga bashers ko sa pagpuna sa akin. I don’t want that to happen.
When Pyok and I got in to our house, Jerome stood up from the couch. Nakakrus ang mga braso nito na tila kanina pa ito nag-aabang sa pagdating ko.
You’re here. Mabuti naman. Alam mo ba na yung asawa mo ay pinajshgshsbsjsnjdbdn. Pinigilan ko kaagad ang bibig ni Pyok sa pagsasalita.
Kanina ka pa? tanong ko kay Jerome.
Yeah. I went here after you run away. Baritono niyang saad.
Yeah, I ran away because of what I saw earlier. Kung paano tanggapin ang halik na ibinigay sakanya. But that doesn’t matter now. What most important is to make up with him. Kailangan mag-kaayos na kami para hindi na makalapit pa si Pamela kay Jerome.
I glanced at Pyok. She seem so confused as she looked at me and Jerome.
She knew Jerome as a guy who cares for me and loves me. Iba sa pinapakita ni Jerome ngayon. His cold gaze made Pyok confused about something.
Uhmm yeah. By the way, have you eaten? Sorry, wala kasing stock sa fridge namin. Magpapadeliver na lang ako. Paghingi ko ng paumanhin sakanya.
Dali-dali kong dinukot ang cellphone ko sa aking bulsa binuksan ang app kung saan pwede akong maka-order ng pagkain.
Nang makabalik kanila Pyok at Jerome ay naabutan ko silang nag-uusap. Muka itong seryoso kaya naman ay kinabahan ako. Lumapit kaagad ako sakanila at nakangiting pinakita ang cellphone ko sakanya.
Naka order na ako. Magiliw na saad ko.
The awkward moment is spreading to us. Buti na nga lang ay ng lumipas ang ilang minuto, dumating na din ang pagkain namin. Pyok helped me to arrange the food and utensils to the dining table and after that, inaya na namin si Jerome sa hapagkainan at doon kumain.
Para akong nasa loob ng korte at ako ang hinuhusgahan ng dalawang tao na kasama ko ngayon. I saw how Pyok looked at Jerome and Jerome to Pyok. Their eyes are both speaking in its own ways and I don’t know what those eye contacts mean.
After we ate, Pyok went home. Kami na lamang ni Jerome ang natira ngayon sa bahay. Sa apat na sulok ng kwarto ay kami lamang ang magkasama. It suffocates me to see him doing his stuff and doesn’t even look at me. Pumasok siya sa banyo at ilang minuto lang din ay lumabas na siya.
With the towel covering his lower body, he went to me, carrying the first aid kit.
Take a bath. Huwag mong babasain ang ulo mo. I’ll clean it for you after. Seryosong saad niya.
Gulat akong lumingon sakanya. How did he know about my cut? Did Pyok told him? Tsk! Sabi ng itikom ang bibig, napakapasaway talaga!
Don’t ask where did I know. Go take bath. Bilisan mo lang. aniya pa bago ako tuluyang tinalikuran.
Kumuha na ako ng bathrobe at tsaka pumasok sa loob ng banyo.
Now that things to me and Jerome is now in blurry, nararapat lang siguro na gumawa ako ng hakbang para mapalapit ulit sa akin si Jerome. He’s distance to me is far away than before. Lumalabo na ang lahat sa amin ngayon kaya natatakot ko na baka maging dahilan ito para mabuksan ang isip ni Jerome ang suggestions sakanya ng ama niya.
From what I can recall, their company needs money, yun ang narinig ko. Jerome refused to ask help from me. If ever he still doesn’t have any options, what he can do now is either impregnate me or accept his father’s opinion. And that opinion is a big no to me. I won’t let that happen.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang itinagal ko sa pagligo. Nabalik lamang ako sa sarili ko ng biglang kumatok si Jerome.
Move faster. He simply said to me before I heard his footsteps, walking away from the door.
Nagmadali ako na hugasan ang buong katawan bago itinabon ang bathrobe sa buong katawan at lumabas. I saw him sitting in the edge of the bed while arranging the bandage and betadine that he will be using to clean the wound in my head.
Lumapit ako at huminto sa harapan niya. I waited for him to instruct what should I do. Later on, he stood up, get a chair and positioned it behind me.
Sit down. He motioned his hands to the chair.
I did what he said to me to do. Umupo ako sa upuan inantay kung ano ang gagawin niya. Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang marahan na pagdampi ng bulak na may betadine sa aking ulo. Hindi ko napigilang mapadaing pag minsang humahapdi ito kapag nadadampian ng bulak.
Teka… dahan-dahan lang, masakit eh. Saad ko sakanya habang pilit na inilalayo ang kamay niya.
I heard him sighed. And with that, naramdaman ko na binawasan niya ang bigat ng kamay niya.
What you saw earlier…
Agad kong tinakpan ang aking dalawang tenga, takot na marinig kung ano man ang sasabihin niya.
Ayoko ng marinig kung ano man ang gusto niyang sabihin. Kaya kong kalimutan ang nakita ko kanina. Basta ang importante ngayon ay magkaayos kaming dalawa, walang Pamela na nanggugulo.
I didn’t saw anything. Wala akong nakita kaya wag ka ng magsalita. Ani ko habang nakatakip pa rin ang kamay sa aking tenga at ang aking mata ay nakapikit.
Nang maramdaman ako na wala ng kamay na nasa tuktok ng ulo ko idinilat ko ang mata ko. I saw Jerome in front of me, staring. I stared at him also. I wander my eyes to his lips that is kissed by the other girl. My eyes went up to his nose, then to his eyes. His eyes that I don’t know what it speaks. His eyes that I don’t know if it is still true to me.
Iniwas ko ang mata ko sakanyan. Ilang sandali lamang ay hinawakan niya ang pisnge ko. Unti-unti niya itong iniharap sakanya. Tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa aking tenga
What you saw earlier… her lips didn’t touch mine. Nang makita kitang tumakbo, hinabol kaagad kita. Aniya.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. But I saw how their lips met. Kitang kita ko na nagdikit ang labi nila. Namalikmata lang ba ako ng mga oras na yon?
If you were thinking that I like her… sa tingin mo ba, mawawala kaagad ang nararamdaman ko sayo?
Hindi ako makareact. I know that this time, he is seriously honest in what he is saying.
My mind and heart is battling, having an argument and killing each other just to have one answer…so can you please… please be patient with me? Gulong-gulo akong tumingin sakanya
Ano ba ang sinasabi niya? Wala akong maintindihan kahit na sa isang salita na nasabi niya. Why is his heart and mind, battling? Ano yung sinasabi niyang p*****n? Does it means, hindi niya pa gusto si Pamela pero papunta na siya don kaya nalilito siya? That’s not going to happen! Hindi ko hahayaan na mangyari yon!
Nagulat ako ng mayamaya lamang ay biglang hinawakan ni Jerome ang kamay ko. His hands are cold. Ano ba kasi yon? Pinakakaba naman niya ako
Ilang sandali na nanatiling ganoon ang aming posisyon. Tinititigan lamang ang isa’t isa at walang namutawing salita sa aming dalawa. Parang pinag-iisa namin ang aming kaisipan habang ang kamay niya ay nakahawak sa akin at ang mata namin ay nakatitig lamang sa isa’t-isa.
I heard him sighed and later on, he stood up and positioned himself to our bed. He covered his legs with the blanket before his eyes went to me.
Jerome sighed again. Kung may nararamdaman kang kakaiba, gisingin mo lang ako para madala kita kaagad sa hospital. Aniya bago tuluyang humiga sa higaan.
Napabuntong hininga na lamang ako ng makita ko ang pagsara ng mata niya.
May nararamdaman naman talaga akong kakaiba. Hindi ko lang masabi sayo dahil ganito tayo ngayon… pabulong kong saad na nasisiguro kong hindi niya maririnig.
After ten minutes, Jerome seems to be asleep. Ang bilis niya lamang makatulog.
Tinitigan ko ang mahimbing niyang muka na natutulog. Nakakunot ang noo niya at para bang may kaaway sa panaginip niya kaya mukang galit ang ekspresyon niya habang natutulog.
He seems so problimatic. Kitang kita ko yon sa pagod ng mata niya at rinig na rinig ko ang problema niya sa pagbuntong hininga niya kanina. Kung kailangan niya naman ng tulong, my family and I will be willing to help their company. He is my husband. At may parte siya sa kung ano man ang pag-aari ko. Kung ayaw niya naman manghingi ng tulong sa pamilya ko, he can ask it to me. I have money. Pera na naipon ko sa pag momodelo.
Napabuntong hininga na lamang ako. Maybe I should do the act without saying it to him. Alam ko naman pala na ayaw niya ng tulong ko, bakit sasabihin ko pa sakanya na tutulungan ko siya kung pwede ko naman gawin ng hindi niya nalalaman.
Nahiga na lamang ako sa higaan at ilang sandali lamang ay ipinikit ko na rin ang mata ko. Nakatulog ako ng mahibing sa mahabang gabi na iyon na para bang wala akong nakita at naramdamang sakit kanina.
Kinaumagahan ay nagising ko sa galit na sigaw ng isang boses. Idinilat ko ang mata ko at inilibot ito. Natigil ang tingin ko sa pintuan ng veranda na bukas. Naglakad ako papunta roon at doon nakita ang nakatalikod na Jerome at mukang may kausap ito dahil hawak niya ang kanyang cellphone.
What? I told you to stop what you are doing dad! Mababaon lang tayo lalo sa utang! Sigaw niya sa kabilang linya.
Pinakinggan ko lamang siya na makipagtalo sa ama niya at hindi muna nagpakita.
Nakita ko na napahilamos ng muka si Jerome bago ipinatong ang kamay niya sa bakal ng veranda.
Please, wag niyo naman ako ipitin dad. Ginagawa ko naman ang lahat para makakuha ng pera pero… give me some time. Mahirap hanapin ang fifteen billion na utang ninyo sa casino.
Napahawak ako sa kurtina at napatakip ako ng bibig dahil sa narining. Lulong sa sugal ang dad niya! At hindi lang basta basta ang halaga ng pera na utang niya! Kahit ako ay wala akong ganoong kalaking pera. My family have that large amount of money but me? Imposibleng magkaroon ako ng ganoong kalaking pera. And the fact that Jerome’s dad used that large money just to play in casino, ang lakas ng loob niya para magpatuloy pa rin sa pagsusugal!
I still cannot contact kuya, dad. Alam mo naman na basta may kinalaman sayo, umiiwas agad si kuya…He’s not recognizing you as his father now, dad. At sana, huwag niyo rin antayin na ako naman ang magtakwil sayo bilang ama ko. Huling saad ni Jerome bago ko makita na ibinababa niya ang cellphone na hawak.
Karipas ang ginawa kong pagtakbo. Halos madapa pa ako dahil sa pagmamadali ko na makabalik ulit sa higaan para umastang tulog at hindi narinig ang pinag-usapan nila ng ama niya.
Naramdaman ko ang pag-uga ng higaan at ang paglapit ni Jerome sa pwesto ko. Dama ko ang pagpatong niya at pag-alis ng iilang hibla ng buhok ko sa muka ko. Lastly, I felt his lips into my forehead.
Wake up Decery… aniya.
Hindi ko muna idinilat ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko ang bahagyang pag-uga niya sa akin.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Nag-unat pa ako ng braso at binti, masabi lang na bagong gising talaga ako. I smiled at him and warmly greeted him.
Good morning… masayang bati ko sakanya.
It’s a new day. And it is a perfect day for my plans para makipagbati sakanya dahil wala siyang pasok ngayon.
Kanina ka pa ba gising? Tanong ko sakanya.
Of course he is. Narinig ko pa nga na chumika sa tatay niya diba? Loka ka talaga Decery!
Yeah… he simply replied. Stand up and do your routine. magluluto lang ako ng pwedeng breakfast natin dahil wala namang laman ang ref.
Gaya ng sinabi niya ay ginawa ko na ang mga bagay na lagi kong ginagawa tuwing umaga at walang pasok. I brushed my teeth, my hair, I washed my face and put some creams on it to maintain my good skin. After that, bumaba na rin ako at diretsong pinuntahan ang dining table. Doon, naabutan ko si Jerome na naglalagay ng fresh milk sa baso ko at itlog naman at tinapay sa plato ko.
Kumain na tayo. Mag grocery na lang tayo pagkatapos nating kumain. Simpleng saad niya bago umupo sa harapang upuan.
Napangiti kaagad ako sa sinabi niya. First time namin na mag grocery ng magkasama. I mean, grocery as mag-asawa. Madalas kasi na sa mga kasambahay lang namin pinag-uutos na bumili ng stocks sa bahay.
I keep on glancing at Jerome. He’s too stiff right now. Parang pili lang ang ikinikilos niya ngayon. Ang plain naman niyang kumilos at magsalita. Ibang iba sa Jerome na madalas kong kasama noon tuwing umagahan. Kung dati ay puno ng maiingay na boses tuwing breakfast, ngayon ay kulang na lamang, magkaroon na lamang ng banda dito para naman umingay ng kaunti sa bahay.
After our breakfast, nagbihis na kami para umalis at mamili ng stocks sa bahay. Syempre, excited much ako kaya halos mauna pa ako sa kotse at hindi mapakali ang pwet ko habang pinapainit ni Jerome ang makina ng sasakyan.
After a couple of minutes, umalis na din kami. We passed by the playground where I got my wound and the market that I started to hate now. Buti na lamang ay hindi kami doon namili. Dahil baka kung doon, mag iiba talaga ang mood ko bago pa ako makapasok doon sa loob.
Ilang sandali pa kaming bumyahe at narating namin ang mall. Nag park si Jerome sa parking lot at sabay kaming bumaba.
Since we’re now in public, mas maganda din siguro na ipakita ko na medyo sweet kami ni Jerome habang namimili. It is a perfect timing para mawala ang maling isipin ng mga tao tungkol sa akin at sa relasyon ko kay Jerome.
Pag-pasok sa mall ay tama nga ang hinala ko na makukuha namin ang atensyon ng lahat. I walked closely with Jerome and smiled at him kahit wala namang nakakatawa o nakakakilig sa ginagawa namin. I even lock my fingers to his. And thankfully, nakisabay naman si Jerome sa ginagawa ko.
We went inside the supermarket of the mall, at doon, parang tanga akong nangingiti habang namimili ng pagkain at si Jerome naman ay nasa tabi ko, tulak-tulak ang push cart.
What do you prefer to eat, this one or… this one? Tanong ko sakanya habang pinapakita ang dalawang magkaibang snack sa pareho kong kamay.
Buy what you want, Decery. He replied.
Napabusangot naman agad ako dahil sa inakto niya. Ang sungit! May regla ba siya?!
Nagpatuloy na lamang ako sa pamimili ng pagkain habang siya ay pinapapatuloy din ang pagsunod sa akin habang itinutulak ang push cart.
Habang namimili kami ng karne, isang babae ang lumapit sa akin. Medyo malayo si Jerome sa akin ngayon dahil may tinitignan siya sa isang estante kaya hindi niya nakita ang paglapit ng babae.
Diba ikaw yung babaeng may ibang lalaki? Lakas din naman ng loob mo na mamili kasama ang asawa mo. Hindi ka ba nahihiya? Sunod-sunod niyang saad sa akin
Ano ba ang problema ng mga tao ngayon at masyado silang nagiging mahadera sa buhay ko? Para namang sila ang naagrabyado sa issue ko. Well, wala naman silang alam sa mga totoong nangyayari sa buhay ko. All they know is that I’m an artist who is a daughter of a business tycoon and a wife of Jerome.
Sorry miss. I’m just here to buy my grocery. Wag naman po kayong gumawa ng eskandalo. Pasensyosa kong saad.
Ayoko siyang patulan hanggat kaya ko. Masyado na siyang matanda para mabastos ng isang katulad ko. Marunong pa rin naman kasi akong gumalang kahit papaano.
The woman scuffed. You’re the one who’s making your own issue iha. Alam mo naman siguro yung eskando na kinahaharap mo ngayon diba? You should be staying in your house. Hinfi yung nagpapagala-gala ka publicly. Hindi ka ba nahihiya? Tanong niya sa akin.
Unti-unting nilamon ng init ang ulo ko dahil sa mga sinabi niya sa akin. Napakapakealamera naman talaga ng mga tao ngayon. Nakakainis!
Sorry? What should I be ashamed of? And to tell you miss, masyado kang nilalamon ng social media, kaya kahit fake news, naniniwala ka. Sa tingin niyo po ba, sasama sa akin ang asawa ko sa pamimili kung hindi kami maayos? Isip-isip din naman po. Pambabara ko.
Bwisit na babaeng to! Ang ganda ng mood ko tapos sinisira niya ngayon. Kung wala lang kami in public, baka kanina ko pa nabungangaan ng malala to.
Fake news eh may video? Nakakahiya ka girl. Sinisira mo ang reputasyon ng kababaihan. Maarteng saad niya.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa nakakainis na sinabi niya.
Ako? Nakakasira ng reputasyon? Aba! Sino ba sya para pagsabihan ako ng ganyan? Hindi ko nga siya kilala tapos lalapit lapit siya sa akin para lang mang insulto.
Mas nakakahiya po kayo. You know why? Kasi lumapit po kayo sa akin para lang magsalita ng ganyan. At mas nasisira po ang reputasyon ng mga babae hindi dahil sa akin. Dahil po sainyo yon na walang ibang alam kung hindi manghila ng kapwa babae, pababa. Anong akala niya sa akin, magpapadala sa issue? Nagkamali siya ng pinagsalitaan!
Do you have any problems with my wife, miss? Nagulat ako ng sabihin iyon ng baritonong boses sa aking likod habang ang kamay ay naglakbay papunta sa bewang ko.
Paglingon ko ay si Jerome iyon na nakatingin sa babae. He look so serious and looks like narinig niya ang pinag-usapan namin kanina.
If you don’t have any problems with her, move your ass out of here. Nasisira ang pamimili naming mag-asawa dahil sa useserang tulad mo. Aniya.
Napatingin kaagad ako sa babae at doon ko lamang nakita ang gulat na gulat na muka nito.
Ano ka ngayon! Ako pa talaga inaway mo eh may resbak ako! Umalis na lamang ang babae na mukang napahiya.
Natawa agad ako ng makalayo ito at hawak ko pa ang tiyan ko habang turo-turo ang babaeng palayo.
Ilang sandali lamang ay narinig ko na tumikhik ang lalaking nasa likod ko kaya agad ko itong nilingon.
If you’re done laughing, then pay attention again to the things we need to buy. Saad niya bago bumalik sa lugar kung saan ko siya nakita bago ako kausapin ng babae kanina.
Umalpas kaagad ang ngiti ko. Magiging madali lang siguro na maging maayos ulit kami ni Jerome. Mahal niya pa ako eh. At ramdam ko yon.
Muli akong napatingin sa gawi ni Jerome habang nakangiti. I’ll make sure, by this time, wala na talaga kaming magiging problema kapag tuluyan na kaming nag-kaayos…
Iniwas ko kaagad ang tingin ko at ibinalik ang tingin sa mga produkto ng makita ko siyang tumingin sa gawi ko.
Tama na nga ang harot Decery… mamili ka na lang….