Kabanata 23

2816 Words
A week after, natigil na din ang issue. May nga iilan pa din na pumupuna pero at least hindi na ganoon kalala. For those days na nakakasama ko sa bahay si Jerome, I always made sure na nagiging isa akong butihing asawa sakanya. Ako ang nagluluto parati para sakanya. I pack his lunch and since iniiwasan na makita ako ng ibang tao, I always ask our family driver to deliver it to Jerome. Wala pa akong makitang improvements sa mga ginagawa kong yon. He’s always stiff. Kapag gigising siya ng umaga at hahalikan ko siya, iniiwas niya ang labi niya pero hinahalikan niya pa rin ako sa pisnge. Okay lang naman sa akin na ganon but it is not enough. Palagi rin na seryoso siya at madalas ay mabilis na umiinit ang ulo niya sa kausap niya sa cellphone. Kakaunti lang din ang mga salitang inilalabas ng bibig niya. Late na rin siyang umuuwi ng bahay. I don’t know kung saan pa papunta ang ginagawa ko. Since parang wala namang nangyayari, I should now do my second move. Ika nga nila, kung hindi madaan sa santong dasalan, daanin na lang sa santong paspasan. Kung hindi ko siya madaan sa mabuting paraan edi sa landian na lang. I’m sure, Jerome won’t let an opportunity pass. Ngayong balik normal na ang lahat para sa akin, bumabalik na din ang mga tambak na trabaho sa akin. At nasisiguro ko na sa ilang guestings na dadaluhan ko ay imposible na hindi ako matanong tungkol sa nangyari. Plano naman na namin nila mamita ang mga sasabihin ko at sasabihin ni CJ. Ang plano ko ngayong araw ay makausap si CJ. In this way siguro, makakapag-sorry na ako sakanya dahil nadawit ang pangalan niya sa kagagahan ko. And I also want to clear things to him dahil natatakot ako na baka maging awkward ang lahat sa amin kapag nagkasama na kami. Right now, I am waiting for CJ and his manager. Kinausap ko kasi ang manager niya na gusto kong makausap si CJ ng kami lang sana. But CJ’s manager didn’t agree on having a meeting with CJ ng wala siya. Baka daw kasi kapag nakita kami ng ibang tao na magkasama ay iba na naman daw ang isipin ng mga ito. Pumayag naman kami CJ sa suggestion niya. Mas maganda nga naman na may kasama kami para makaiwas kami sa panibagong issue. Ilang sandali pa ay nakita ko na si CJ pati na rin ang manager niya na papasok na ng restaurant. Kinawayan ko sila ay ng makita ako ay naglakad na sila papunta sa lamesa ko. Tumayo ako, at binigyan sila pareho ng munting halik sa pisnge. O, baka malisya na naman ang isipin ng iba! Beso lang yon! B-E-S-O! You’re early. Ani CJ ng makaupo siya sa katapan ng upuan ko. Kadarating ko lang din. What do you want to order? I asked him and his manager. Tinawag ko ang waiter at ng makapunta ito sa gawi namin ay ibinigay niya sa amin ang menu nila. I want to have this olive oil pasta and an ice tea for my drinks. Saad ko sa waiter. Tumingin ako sa manager ni CJ ay sakanya na ngayon ay tumitingin din sa menu. They ordered heavy meals and a drink. Mag-usap na muna kayong dalawa, pupunta lang ako ng banyo. The manager said. Thank you. Ani ko sakanya. When the manager is gone, tumingin ako kay CJ. I just stared at him for a while. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulang mag sorry sakanya. I planned to talk to him but I came here without any words to use to him. Naglabas muna ako isang buntong hininga bago ko itungo ang aking ulo. About the issue… I lift my head and face him. I didn’t mean to drag you in that situation. Saad ko sakanya. I understand, Decery. Tsaka, kung hindi naman din dahil sa akin, hindi ka makukuhanan ng video. I insisted you that time to come with me. Hindi ko naisip na may ibang pwedeng makakita na paparazzi. He replied to me. I smiled. It’s a relief na hindi nagalit sa akin si CJ dahil napasama siya sa issue naming mag-asawa. It is not your mistake. Ako ang naging pabaya at ako ang sumama sayo that time. Pwede naman akong humindi pero sumama pa din ako. I’m sorry… It’s fine with me. No need to sorry. Aniya bago sumandal sa sandalan ng upuan at pinag-krus ang kanyang braso. Ilang sandali pa ay parehas kaming natawa ni CJ dahil sa hindi malamang dahilan. Muka tuloy kaming tanga. CJ and I is now fine. Si Jerome na lang talaga ang pinoproblema ko. Hays! Bakit ba kasi ang arte-arte niya nitong mga nag daang araw. Para tuloy siyang nasa menopausal stage kung mag-inarte. Later on, dumating na ang manager ni CJ na galing sa banyo at dumating na din ang pagkain namin. We eat our food and talked about the upcoming projects for us. Bukod sa mga pictorials tsaka ibang guestings ay may pinaplanong drama series ang isang director na balak nilang kuhanin kami bilang leading characters. Hindi ko pa nakakausap si mamita tungkol dito pero paniguradong papayag din naman yon. Matapos naming kumain ay napagdesisyonan na din namin na maghiwa-hiwalay na. wala naman kasi kaming mga gagawin ngayong araw na magkasama kaya uuwi na lamang ako sa bahay o di kaya ay manggugulo na lang ako sa condo unit ni Pyok. Malamang kapag pumunta ako don, magpapakwento na naman yon kaya bago pa siya magtanong ay ako na mismo ang pupunta sakanya para magkwento. Mag-ingat kayo. I said to them You too. Saad ng manager. Lumapit sa akin si CJ tsaka siya nakangiting tumigil sa harap ko. Take care. See tomorrow in the meeting. He said pertaining to the meeting about the upcoming drama that we’ve talked about earlier. You as well. Ingat kayo ng manager mo. Nakangiti kong saad sakanya pabalik. Ilang minuto pa kaming nagtitigan ni CJ bago ko siya natatawang tinulak papalayo at papasok sa loob ng kotse nila. I wave my hand as their car started to move. Habang papunta sa kotse ay may napansin akong kakaiba aa paligid ko. Kanina ko pa ito napapansin. Someone is looking at me. And maybe, he’s the one who’s following me right now. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kotse ko sa takot na baka masamang loob ang sumusunod sa akin. When I entered the car, I roam my eyes and look for the man that is following me. Habang tumitingin sa paligid, isang lalaki ang dumaan sa harap ng kotse ko at palingon lingon pa ito sa paligid na para bang may hinahanap. Matindi ang kapit ko sa susi ng sasakyan ko. Hindi naman siguro ako ang sinusundan niya o hinahanap diba? It is just a coincidence. Baka hinahanap niya lang ang sasakyan niya. I shook my head. Yeah. Hindi yun stalker o kung ano man. Maybe I am just paranoid because of my last issue. Hindi ko naramdaman non ang prisensya ng kumuha ng video sa amin kaya nagdodoble ingat na ako ngayon. I inserted my car key and turned on my engine. Pinainit ko muna ng ilang sandali ang sasakyan ko bago ko tuluyang imaniobra ito paalis ng parking lot ng restaurant na kinainan ko. While I’m on the way to my cousin’s condo, I tapped the screen on my car that is connected on my phone at called Pyok to tell her that I’m on my way on her condo unit. Pyok! I first states when I picked up my call. What! Aniya sa kabilang linya. Natawa na lamang ako sa naging paraan niya ng pagsagot sa akin. See? Tinatawagan ko pa lang siya pero muka na siyang galit sa pagsagot ng tawag ko. I’m on my way. To where?! To your condo. You what?! Bakit dito ka na naman tatambay sa tinitirahan ko?! She exclaimed on the other line. Lalo akong natawa dahil sa sinabi niya. Ano namang masama kung pumunta ako sa bahay niya. Magpinsan naman kami ha! I know you want me to talk. Talk about what? Me and him… I simply said. Biglang natahimik ang kabilang linya kaya naman tumingin ako sa screen kung binaba niya na ang tawag. Hindi naman. Pyok? Bilisan ko ang pagpapatakbo mo sa sasakyan mo. But before that, make sure to buy a gallon of ice cream. Gusto kong may kinakain habang nakikinig sayo. Seryosong saad niya bago biglang ibinababa ang linya. Nangingiti na lamang ako na minaneho ang sasakyan ko habang naghahanap ng grocery store na mabibilhan ko ng ice cream. When I found a small store, I went inside straight to the big fridge where I can find the ice cream. Pumili ako ng flavor na gusto ng pinsan ko at ng matapos ay dumiretso na ako sa counter para mabayaran. Two hundred and twenty-five miss. Saad ng babae. Dumukot ako ng pera sa wallet ko at ibinigay ito sa babae. Habang nag-aantay sa sukli, isang pigura ng babae ang napansin ko sa kabilang counter. Nilapitan ko ito at halos idikit ko na ang muka ko sakanya para makumpirma kung siya nga talaga ito. What the F Jai! Kulang na lang mahalikan mo na ako! Krisha exclaimed to me. Krisha? Oh my gosh! Krisha ikaw nga! Sigaw ko ng makumpirma ko na si Krisha nga ito. Niyakap ko kaagad siya ng mahigpit dahil sa galak na nararamdaman ko. Kahit na nagtatampo ako sakanya dahil ilang taon siyang hindi nagpakita, hindi ko pa rin maiwasan na mamiss siya at masiyahan na makita siya ulit. Matapos ang yakapan ay hinarap ko siya ng may naluluhang mata. Loka ka! Bakit ngayon ka lang nagpakiya ha?! Alam mo bang andami mong napalampas na events sa amin?! I told her Krisha just smiled at me. I’m sorry. I need to manage the business of my tita that’s why hindi na ako nakapag-paalam pa sainyo. She apologized. Tsk! Kailangan mong bumawi sa amin ngayon! You know how much Pyok and Jess misses you. Hindi ka man lang nag text sa amin. Bigla na lang namin nalaman na mayaman ka na pala. Nagtatampong saad ko. Hindi naman. I earned a bit but I’m not rich as you guys. She humbly said to me. Napairap na lamang ako dahil sa sinabi niya. Pa-humble pa! eh sikat na nga siya ngayon pati si Antony dahil sa lago ng kumpanya nila. Napanood ko pa nga siya sa TV! Here is your change ma’am. Nilingon ko ang babae at kinuha ang sukli ko sakanya. Nilingon ko ulit si Krisha na ngayon ay pinapabalot na ang kanyang mga pinamili. Do you have any appointments today? Sama ka sakin, punta tayo sa condo ni Pyok. Sure! Pwede ko naman sabihan si Antony na siya na lang muna ang bahala sa ibang gagawin. He knows what to do. She simply said to me. I giggled with her answer. Buti na lamang ay pumayag siya, kung hindi magtatampo talaga ako sakanya. How about your grocery? Dadalhin mo yan sa bahay nila Pyok? I’ll call my secretary to bring that to our house. Mangha akong tumingin sakanya. Iba na talaga ang Krisha Lozano ngayon! Kung dati ay gusto niya hindi siya pinapakealaman sa mga ginagawa niya, ngayon ay may secretary na siya. Nang matapos kami sa pamimili ay inantay muna namin ni Krisha ang Secretary niya na lalaki pala! Bago tuloy kami sumakay sa kanya-kanyang sasakyan biniro ko pa siya. Ang gwapo ng secretary mo. May something sayo yon? Bulong ko sakanya. Wala no! issue ka! Tinawanan ko na lamang siya bago sumakay sa sasakyan ko. Convoy ang ginawa namin ni Krisha. May sarili kasi siyang sasakyang dala kaya naman hindi na siya sumabay sa sasakyan ko papunta sa bahay ni Pyok. Nang maipark na namin ni Krisha sasakyan namin ay sabay kaming umakyat sa condo ni Pyok dala ang ice cream na binili ko kanina. Pinindot ko ang doorbell ng condo and I am surprised ng makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto. Natigilan ako. Sa lahat ng lalaking malapit kay Pyok, siya lang ang hindi ko inaakalang makikita ko dito. Sa condo pa talaga ni Pyok. JD?! Oh my gosh! Kayo na pala ni Pyok?! Congrats! The girl beside me, exclaimed. Nakatingin lamang ako kay JD na ngayon ay mukang hindi rin alam kung anong sasabihin. I know the reason why Pyok and him didn’t end up together. A part of it was because of Pyok but mostly, sakanya na ang dahilan. I don’t want to elaborate things. Mas okay ng ibaon sa limot ang nakaraan dahil alam kong masasaktan si Pyok. But why is he here? Hinahabol niya ba ngayon si Pyok? Ang tagal nagtago ni Pyok sa ibang bansa tapos ilang buwan lang ng makauwi siya ay nagkita na agad sila. Bumalik lamang ang ulirat ko ng magsalita si Pyok sa likuran ni JD at pinapasok kami sa loob ng condo. Pyok went straight to her kitchen at sinundan ko siya doon dala ang plastic ng isang galong ice cream. Before I could open my mouth, inunahan na akong magsalita ni Pyok. He went here after mong tumawag. Hindi na ako nakapagsabi sayo dahil kinausap ko siya kanina. Diretso at seryoso niyang saad sa akin. Napabuga ako ng malakas na hangin. Talaga bang hindi mo ako natawagan dahil mag-kausap kayo o sadyang nakalimutan mo dahil sa presensya niya? Magkakrus ang braso ko na saad sakanya. I knew Pyok since childhood. Kasama ko na siyang lumaki at nasubaybayan ko na ang pag-babago sa kinikilos niya. She’s a smart ass girl. Inggit nga ako sakanya dahil sa aming magpipinsan, siya lang ata ang biniyayaan ng talino na meron siya. But what I hate about her? Yung pagiging tanga niya minsan sa pag-ibig. Ang bilis niyang mabaliw kapag si JD ang pinag-uusapan o di kaya ay naiisip niya. Ang galing niyang magplano sa iba pero hindi niya ma-apply sa sarili niya. It’s a same thing, Jai. Nakalimutan ko na itext o tawagan ka dahil magkausap kaming dalawa. Aniya habang patuloy ang pag-scoop at paglagay ng ice cream sa baso. Peste! Yeah.. what ever! Irap ko sakanya. Bumalik na ako sa living room at doon umupo sa tabi ni Krisha na ngayon ay tuwang tuwa sa pakikipag-usap kay JD. Kung alam niya lang ang nangyari, baka ngayon ay hindi lang ako ang naiinis sa lalaking kaharap ko ngayon. Ilang sandali pa ay lumabas na si Pyok dala ang baso na may lamang ice cream. Ibinigay niya sa amin iyon isa isa. Ngunit ng si JD ang bibigyan niya ay umayaw ang lalaki. Hindi na. Uuwi na rin ako. Nag-aantay na ang asawa ko sa bahay. Aniya na ikinairap ko. Nabagsak ni Krisha ang kutsara na hawak niya at gulat na tumingin kay Pyok. Can you stay a little bit? Nandito naman si Jai at Krisha. Pyok pleaded. Kailangan ko na talaga umuwi dahil baka inaantay na niya ako sa bahay. Tumayo na si JD at nagpaalam sa aming dalawa ni Krisha na hindi ko naman pinansin. Para rin siyang kaibigan niya, sakit lang sa ulo at puso ng mga kaibigan ko ang dala. Ng tuluyan ng makalabas si JD ay naging awkward na ngayon ang atmosphere dito sa loob ng condo. Krisha doesn’t know anything and me? I knew everything and I hate Pyok for allowing that man to enter her condo unit. Buti naman at sumama ka kay Jai, Krisha. Pagsisimula niyang saad habang nakangiting nakatingin kay Krisha. I rolled my eyes. Yun talaga ang sinabi niya sa awkward moment na meron ngayon sa amin? Unbelievable! Nahihiyang ngumiti na lamang si Krisha sakanya. Oo nga. Nagkita kasi kami kanina kaya sumama na din ako nung malaman ko na papunta pala siya dito. Pagkatapos sabihin yon ni Krisha ay ingay na lamang ang namutawi sa aming mag-kakaibigan. Walang balak magsalita kaya naman ako na ang nagsimula. So, bakit nga siya nandito? Napatingin sa akin ang dalawa matapos kong sabihin ‘yon. Pyok sighed. We just talked. Nothing much. Aniya. Sorry nga pala kanina Pyok, akala ko kasi kayo na ni JD. Huling balita ko kasi sainyo, maayos pa kayong dalawa. Paghingi ng paumanhin ni Krisha.. It’s okay. Wala ka naman dito kaya pano mo malalaman diba? And it’s been a years. Nag-usap lang talaga kami ni JD to clear things out. After what she said, naging tuloy-tuloy ang pag-uusap naming tatlo tungkol sa nangyari nung nawala si Krisha. Krisha also told us what happened to her after her break up with Ivan. And I’m glad that, she’s fine now. Kita ko na sa itsura ang kaasensuhan niya sa buhay kaya masaya ako para sakanya. Inabot ng ilang oras ang pag-uusap namin at buti na lamang ay nawala na ang main reason kung bakit ako pumunta dito, yun ay ang makausap si Pyok tungkol sa amin ni Jerome. But luckily, hindi na namin ito napag-usapan at nag bonding na lang kami…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD