Sobrang naging patok at pinilahan ng lahat ang pinakaunang movie na ginawa namin ni CJ. We are known now as one of the love team that reaches the highest gross sale of tickets dahil sa dami ng pumila at nanood ng movie. At the same time, we gained millions of followers on i********:, f*******: and other social media platforms. Sobrang saya na sana kung hindi lang nagselos si Jerome.
It was a week after the premiere night of our movie. Since that day, Jerome and I had a huge misunderstanding. I made him understand. Pero mukang sarado ang isip niya sa kaisipang nagpahalik pa din ako kay CJ. Lalo pang nadagdagan ang galit at selos niya dahil sa sunod-sunod na interview sa amin ng love team ko. We’ve been interviewed with questions that is very wrong to ask at the first place. Masyado nilang nilalagyan ng malisya ang pagsasama namin ni CJ. Siguro normal lang yon sa iba dahil sa nakikita nilang sparks sa amin ni CJ but in the eye of my husband? It is a sin.
Tuwing mag-uusap kami ay hindi niya maiwasang banggitin ang paghalik sa akin ni CJ. He’s exaggerating and over reacting all the time. He’s being immature and make everything complicated. Simpleng away sa umagahan, mauuwi sa isang pagtatalo at batuhan ng masasakit na salita.
Parang katulad ngayon, habang nag-aayos ako sa harap ng salamin ay pabalyang inihahagis ni Jerome sa sahig ang kanyang pinag-suotan. He’s being immature again. Kung hindi ko lang hinahabaan ang pasensya ko dahil alam ko na may pagkakamali ako, baka hindi na rin nakapagpigil ang bibig ko.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pinulot ang mga damit na hinagis niya. I put it in the rack and went back again to what am I doing.
Habang busy sa pagpapahid ng lotion sa aking binti ay napansin ko ang paglabas ni Jerome sa banyo. He went to the bed and grabbed the pillows he use before going outside our room. Pabalya niya rin na isinara ang pinto na ikinagulat ko.
Did he shut the door!? Saan naman siya matutulog? Matapos kong ayusin ang sarili ay lumabas ako ng kwarto at hinanap kung nasaan siya.
I went to the library, to the other rooms, living area but he’s not anywhere else in our house. Wala siya doon pero ang unan at kumot na kinuha niya sa kwarto ay naroon. Sinubukan kong pumunta sa kitchen at doon ko siya nakitang umiinom ng alak.
Gabi na. you should rest. I said full of concern.
Jerome didn’t reply to me nor give me a glance. He just drink the scotch from his glass and type on his phone. Because of curiosity, I went to his side and see what he is doing on his phone. When I took a glance I saw Jerome texting Pamela.
From Pamela:
Are you at home?
I miss you already…
Can we eat again tomorrow?
We can eat our lunch on my condo unit…
Kagat ang labi kong tinignan si Jerome kung paano replayan ang mga text message sakanya ni Pamela.
Jerome looked at me bored. He then smirked when he saw the reaction in my face. Tumingin ulit siya sa kanyang cellphone at pinindot ang type section sa cellphone.
Subukan niya lang talagang mag reply, hindi ko na matitiis ang ginagawa niya sa akin!
To Pamela:
Are you sure you just want to eat with? We can do little secrets, you know…
Pigil ang luha ko na tumingin muli kay Jerome. Na ngayon ay nakangiting nag-aabang ng reply mula kay Pamela.
From Pamela:
I’d love that!
How about your wife?
Buti naman at naisip niya ako! Ang kapal niya sa part na tinanong niya pa ako kay Jerome but I appreciated that also.
To Pamela:
Don’t worry about her. Its our little secret…
He hit the send before taking a gulp from his glass and stood up. He went to the living room and there, he lay down to the couch and stared at his phone.
Gusto ko siyang sigawan dahil sa ginagawa niyang harap-harapang pananakit sa akin. Pero huli na para sigawan ko siya dahil naunahan na ng mga mata ko ang aking bibig. Sunod-sunod na nalaglag ang butil ng luha sa aking mata habang tinitignan ko siyang masayang nakikipag-usap kay Pamela.
Ganito ba ang iginaganti niya saakin dahil pagsisinungaling ko sakanya na hindi ko naman sinasadya at ginusto? If this is it, sobra naman siya!
I hate him for being short tempered right now. Sa lahat ng taong gusto kong mahingan ng suporta, sa kanya lang ako umaasa. But he’s in front of me right now, cheating on me at sa harap ko pa talaga. Parang wala na siyang pakealam sa kung anong mararamdaman ko.
Ano pa ang ginagawa mo dito? Go upstairs and sleep. Marami pa kayong trabaho ni CJ tomorrow, right? Aniya sa akin
Jerome can we please talk? Yung maayos, yung walang sigawan. Let’s stop this nonsense fight. I said to him with my heavy and desperate feelings. Can we please stop this fight? Nasasaktan na ako Jerome. I honestly added.
Tumayo si Jerome mula sa pagkakahiga. Lumapit siya sa akin at tinignan ako ng tuwid sa mata.
Talaga ba? Nasasaktan ka? What do you think of me? My feelings? Decery I am not a diamond that is not easy to break. Hindi ako bato na matatag at hindi nababasag. May diing saad niya. You know what, I’m tired. Pagod na akong intindihin ka sa lahat ng kadramahan mo sa buhay, sa lahat ng kaartehan mo at lalong lalo na sa panlalalaki mo! Histerikal niyang saad sa akin.
Nanlumo ako dahil sa mga sinabi niya sa akin. He’s not the same Jerome who use to have a lot of patience and understanding. Dahil lang sa simpleng pagkakamali? Ganoon na ba talaga ka siya kapagod sa akin?
Totoo ba yang lahat ng sinasabi mo, Jerome? Saad ko habang humihikbi. Pagod ka na talaga sa akin? Sa lahat ng kapritsuhan ko? Dahil lang sa halik na yon, naging ganito na ang trato mo?
Patuloy pa din ako sa pag-iyak habang tinitignan ko siya sa mata. Hinahanap ang sagot at katotohanan sa mga salitang binibigkas niya.
Matagal na akong napagod Decery. It just triggered me and made my eyes open to see that slutty side of yours. Aniya na para bang nandidiri sa akin.
His vulgar words. Lantaran niya kung sabihin na malandi ako. Na para bang sanay na siyang sabihin sa akin ang mga katagang iyon ng diretso sa mata at tagos sa puso.
Without thinking, lumuhod ako sa harap niya. Nakakababa pero aaminin ko na sa sitwasyon ko ngayon, natatakot ako na baka tuluyan niya akong iwan.
I don’t want him to leave my side. Sa mga nagdaang araw na sobra akong nasasaktan dahil sa ginagawa niya, narealize ko na mahal ko na pala siya. Hindi naman siguro ako iiyak, magmamakaawa at masasaktan ng ganito kung hindi ko siya mahal diba?
Hindi ako tatayo dito hangga’t hindi tayo nagkakaayos. May paninindigan kong saad.
He just stared at me with his cold gaze. Parang wala lang sakanya ang pagluhod na ginagawa ko ngayon sa harapan niya.
Go on. Mas maganda nga kung nandoon ka sa labas para dama ko na sincere ka sa ginagawa mo. Aniya bago kinuha ang unan at kumot. If you’re not going to sleep then, ako na ang matutulog sa kwarto. Good luck with your idiotic stunt. Aniya habang humihikab pa.
Hindi pa siya nakakarating sa hagdan ay agad akong tumayo at binuksan ang pintuan bago tuluyang lumabas. I saw him shockingly glanced at me.
If this is what you want, then I will do this for the sake of our relationship. Kaya kong maging martyr at gawin ang lahat ng klase ng paghahabol para makita niya na gusto kong bumuti ang relasyon ko sakanya.
In front of our house, I kneel in the cold stone. Masakit sa tuhod pero titiisin ko. Tanga ako sa punto na ito pero para sakanya gagawin ko. I love him that I can give up everything. Kung wala nga lang akong kontrata sa tv station, baka nabitawan ko na ngayon ang pangarap ko para sakanya.
I don’t know what he is doing inside our house, he’s probably sleeping nicely and comfortably in our queen size bed. Buti pa siya ay nakakatulog ng mahimbing samantalang ako, mag-iisang linggo na akong puyat kakaisip kung paano kami magkakaayos.
Ilang sandali pa akong lumuhod at biglang bumuhos ang ulan.
Ang galing diba? Kung kailan may mga emote ako sa buhay, tsaka naman nagkakaroon ng pag-ulan at pagkulog. Galing ng timing.
I didn’t budge even if I am soaking wet and now shaking because of the cold breeze.
Kung may ipinagpapanalangin man ako, yun ay ang maisipan sana niya na labasin ako dahil alam kong pagkatapos nito ay lalagnatin ako ng malala. Muka lang ako malakas pero mabilis lang talaga akong magkasakit.
Ayokong maging mahina sa paningin ng iba. For years, I’ve been strong enough to face everything. And that includes all the things that my parents did to me.
Kinaumagahan ay matatag pa din ako na nakaluhod sa harap ng bahay namin, basang-basa at lamig na lamig. Hindi ko alam kung ilang beses na ba ako bumahing at umubo. Sobrang sakit na din ng ulo ko at parang binibiyak pati ang bungo ko.
Probably, Jerome is eating his breakfast now. I am both exhausted and hungry but I still need to kneel straight and show how strong I am. Baka rin na naman mamaya paglabas niya ay mapansin niya ako at patawarin kapag nakita niya akong ganito.
Ilang sandali pa ay lumabas si Jerome suot ang office attire at mukang papasok na ng opisina. I saw him glanced at me so I smiled at him weakly.
Mabagal siyang naglakad papunta sa akin kaya naman kahit nangingig, masakit ang tuhod at nahihilo ay tumayo pa rin ako.
You’re here… pinapatawad mo na ba ako? I did what you want me to do last night. Siguro naman ay napatawad mo na ako diba? Nanghihina kong saad.
You think mapapatawad pa kita sa ginawa mo dahil lang sa pagpapabasa mo sa ulan? You make everything worse! Sigaw niya saakin. Alam mong hindi pwede nababad ka sa ulan dahil sakitin ka pero nagpabasa ka pa din! Saan na ba napunta ng utak mo Decery!? He nagged me.
Hindi ko mapigilang mangiti dahil sa nakikita kong pag-aalala sa muka niya. He still cares for me.
Are we okay now? Maayos na tayo diba? Umaasang saad ko sakanya.
Tsk! Go inside and change your clothes Decery, bago ka pa magkasakit. He didn’t answer my question.
I will. But please tell me, are we fine now? Tanong ko ulit sakanya.
Jerome is battling my stares with a sharp gaze like he doesn’t want me to read what he is thinking.
We’re not. Bagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Go inside and change your clothes. Hindi ko kayang mag-alaga ng may sakit ngayon dahil marami pa akong gagawin. Just beep me if you feel like you are dying. Bored, he said to me before walking into his car.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa sasakyan niya.
Umasa na naman ako sa wala. I thought he still cares for me. But the way he said that I should text him if I felt like dying, para akong nadudurog ng pinong-pino.
Napaupo na lamang ako sa simento at pinanood ang sasakyan niyang nagsisimula ng umandar.
My mind is in chaos. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, papasok na ba ako sa loob ng bahay para magbihis o hahabulin ko siya dahil tangang-tanga ako ngayon sakanya?
Sobra na akong nanghihina ngayon pero pinilit kong tumayo. Pero bago pa ako tuluyang tumayo ay sumakit ng matindi ang aking ulo at doon na tuluyang nawalan ng malay.
Pag gising ko ay bumungad kaagad sa akin ang puting ceiling. Tinignan ko ang paligid ko at doon ko napansin ang IV na nakaturok sa aking kamay.
I am in the hospital, I am sure of that. Pero sino ang nagdala sa akin dito? Is it Jerome? Siya ba ang nagdala sa akin dito?
Habang busy ako sa pagpapaasa sa sarili, nagbukas ang pintuan ng kwarto at inilabas non si CJ. Nagulat siya ng makita akong gising na kaya naman ay dali-dali siyang pumunta sa higaan ko.
Okay ka na ba? Masakit pa ang ulo mo? Nahihilo ka ba? Nag-aalala niyang tanong sa akin.
Kung dati ay si Jerome ang nagtatanong sa akin niyan, ngayon ay ibang tao na.
Nanghihinang tumango ako sakanya bilang sagot. Ikaw ba ang nagdala sa akin dito? I asked him
Yup. Together with your manager. Susunduin ka sana namin dahil may biglaan tayong guesting. Pero ayun nga, naabutan ka namin nawalang malay kaya naman sinugod ka na namin dito. He explained.
Gusto kong matawa sa sarili ko dahil kung kanina ay umaasa ako na siya ang nagdala saakin dito, ngayon ay nadurog na naman ang pag-asa ko. But I’m thankful that mamita and CJ was there that time. Kung sigurong hindi nila ako nakita ay muka pa rin akong tangang nakahiga sa simento.
Thanks CJ. I owe you a lot. Pagpapasalamat ko sakanya.
CJ hold my hand and smiled at me. No worries. I’m worried when I saw you lying unconsciously outside your house. Ang putla mo pa kanina.
I smiled at him as I saw how worried he is to me.
I’m fine now. No need to worry. I reassured him.
Sorry with my question, but is the reason why you became sick is your husband?
Hindi. Gusto ko sanang sabihin sakanya. Alam ko naman sa sarili ko na ako ang may kasalanan kung bakit ako nagkasakit ngayon. I did it to myself so I should pay for it. Masyado kong inabuso ang katawan ko para makuha ang pagpapatawad ni Jerome.
Bago pa ako sumagot sakanya ay biglang nagbukas muli ang pinto at iniluwa nito ang manager ko.
Mamita glance at my side and I saw how epic his face is. Against the sadness that I am feeling, gusto kong matawa dahil sa itsura ni mamita ngayon.
Nang makalapit na siya ng tuluyan ay tinitigan niya ako ng may pag-alala ngunit nawala din ito bigla at hinampas niya ako sa braso ng bahagya.
Gusto mo ba akong patayin sa nerbyos ha?! Akala ko patay ka na nung madatnan ka namin na walang malay! Isusumbong talaga kita sa mommy mo!
Wag! Pagpipigil ko sakanya. Don’t tell this to my mom neither to my father. Especially him. Alam kong close kayo ni Jerome but don’t tell this to him. I said.
They both looked at me with a question mark in their forehead.
Okay? Don’t worry, wala pa naman akong napagsasabihan. I’ve been calling your husband but his line is busy. Ano ba ang ginagawa ng asawa mo?
Napabuga naman ako ng hangin dahil sa ginhawang naramdaman ko. I’m relieved that no one knows about my situation, though I am not happy na parang walang pakealam sa akin ngayon si Jerome. Akala ko ba kapag nararamdaman ko ng mamamatay na ako ay pupunta siya, it’s a prank lang pala.
By the way, pwede na ba akong lumabas ngayon? I want to go home now. Tanong ko sakanila.
No, you still cant. You’re two days sleeping since we saw you unconscious in your house. Kailangan pa daw mabantayan ang lagay mo dahil nagdedeliryo ka noong tulog ka.
I’m what?! I exclaimed
You’re sleeping for two days now. Pag-uulit niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa binaggit ni mamita sa akin. If that’s the case, malamang nag-aalala na si Jerome sa akin!
I should tell this to him now. Kung kanina lang siguro ako nahimatay ay baka hindi ko na sabihin sakanya at umuwi na lang ng parang walang nangyari. But that’s not the case! Tulog na ako for almost three days at paniguradong hinahanap na ako non.
No need to examine me. Maayos na ang pakiramdam ko. Uuwi na ako mamita. Saad ko sakanya bago tanggalin ang IV na nakakabit sa kamay ko.
Both CJ and mamita was shocked when they saw what I did. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa higaan at walang sabing naglakad palabas ng kwarto.
Decery! Come back here! Diyos ko po, hindi ka pa magaling, iha, baka mapaano ka!
Nilingon ko silang dalawa at nakitang parehas nila akong hinahabol
Decery, makinig ka muna sa manager mo. You’re still pale as a dead person. Baka mahimatay ka na naman. Ani CJ ng mahawakan niya ang braso ko.
I said, I’m fine. Uuwi na ako. Don’t worry about me. I’ll message you and mamita to in form you if I feel sick again. And please, tell mamita to pay for my bills, babayaran ko kamo siya! Huling saad ko bago tuluyang makalabas ng hospital at pumara ng taxi.