Nakatingin sya sa pagkain habang kanya itong tinusok tusok. Hindi naman sa wala syang gana pero ayaw nyang kumain. Siguro ay hindi pa gutom ang kanyang tyan.
" Hindi moba gusto ang pagkain jess" mabilis syang napaangat ng tingin ng magsalita ang ama
Nilagay nya sa plato ang tinidor na ginamit nya sa pagtusok tusok ng pagkain bago sinagot ang ama " hindi ko alam, hindi ko naman tinikman"
Sa kanyang pagsagot ay natahimik naman sila. Walang nagsalita at ang tanging kutsara at tinidor lang ang naririnig mong ingay sa hapag kainan
Simula nang dumating sya galing sa pagpopolong, hindi na nya maintindihan ang sarili. May nagbago sa kanya na hindi rin nya alam kung ano ang dahilan
Inusog nya ang kanyang upuan at tumayo, akmang aalis na sya ng magsalita ang ama " aalis kana, hindi kapa kumakain ng haponan. Teka lang at tawagin ko si manang para ipagluto ka ng pagkain na gusto mo"
" Hindi na kung nagugutom man ako ay siguraduhin kong baba lang ako at kakain" walang emosyon nyang saad sabay alis sa dining
Habang naglalakad paakyat sa hagdanan ay hindi nya rin maintindihan. Parang may humihila sa kanya pababa kaya para mabigat ang kanyang mga paa
Huminto sya sa paglalakad at malakas na bumuntong hininga. Nakaramdam sya ng may kamay na humawak sa kanyang balikat. Nilingon nya ito para makita kung sino ito
" May problema ba jess?" Umiiling sya sa tanong ng ama at naglakad uli papasok sa kanyang silid
Nang makapasok sa kanyang silid ay mabilis syang humiga sa kanyang kama. Bumuntong hininga sya at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi nya alam kung dahil ba ito sa pagod kaya hindi nya alam kung ano ang nangyari sa kanya o dahil sa naalala nanaman nya ang pagkamatay ni sakura
Sakura we're her best friend, but they to threat its other a sister. Nakilala nya ito pagkatapos maitanghal sya bilang isang ikasampong arka. Sa mababa sya nauna bago sya napunta sa pagiging ikalawang arka
Bilang isang myembro ng arka hindi ka maaari na makipag kaibigan sa mababa sayo. Pero hindi na ito naiwasan, dahil sa kagustuhan nya ang magkaroon ng kaibigan. Nilabag nya ang isa sa mga batas bilang isang arka
Sa kanyang paglabag ay muntikan pa syang mawala sa pagiging arka, pero ipinaglaban nya ito. Nawala sa kanyang isip na ikasampong arka sya at ipinaglaban nya ang kanyang pakikipag kaibigan sa mababa sakanya
Pero sa kanyang pakikipag laban sa mga ito ay naideklara sya bilang isang ikalawang arka dahil sa ipinaglaban nya ang pakikipag kaibigan sa mababa sa kanya.
Ilang minuto nyang hinayaan ang kanyang isip na lumipad, bago nya hinayaan ang sarili ma matolog. Wala syang masyadong ginagawa pero pagod sya
"Black maglaro Tayo ng tagu taguan" suhisyon ni light sa kanya
Magkatabi silang naka upo sa d**o habang nakatingin sa nagliliwanag na mga ilaw sa syudad. Tumakas silang dalawa sa templo para makapagbonding bilang magkaibigan. Hindi kasi pwede na malapit sila sa templo dahil sa kanyang posisiyon
Tumingin sya kay light at ngumiti " oh sege ba bato bato pick kapag talo ka ikaw taya"
Umismid naman ito dahil sa hindi nito nagustuhan ang kanyang suhisyon. Palagi kasi nyang natatalo ito sa rock-paper-scissor kaya umismid ito
"Alam natin na ako parati natatalo dyan ei" nakasimangot nitong saad sabay higa sa damo
"Dapat kasi galingan mo para naman ikaw itong hanapin ko"
Umupo ito at nakasimangot na humarap sa kanya at inihanda ang naka koyom na kamao para sa pag bato bato pick nila
Ngumiti sya at humarap dito sabay koyom ng kamao sabay nilang binanggit ang salitang bato bato pick bago nila ibunuka ang kanilang mga palad na nakakoyom
Bato ang sakanya at kay light naman ay gunting. Humiga naman uli si light sa d**o at nakasimangot na nagdadabog
" Lageh nalang ako taya" pagdadabog nito
" Magbilang kana, magtatago na ako" saad nya habang pinagpagan nya ang sarili
Hindi tumayo si light at gumulong lang para takpan ang itsura nito. Nagsimula na itong magbilang kaya tumingin sya sa paligid para humanap ng mapagtataguan. Napangiti sya ng makita ang malaking puno na medyo malayo sa pwesto nila
Tumingin sya kay light na nagbibilang at ngumiti. Mabilis syang tumakbo patongo sa malaking puno at nagtago dito. Napahalakhak sya ng marinig si light na papunta na daw ito
Hindi sya mahahanap ni light sa kanyang pinagtataguan dahil sa hindi naman sila nagpupunta sa mababa na bahagi. Tuwing naglalaro kasi sila nito ay parati silang sa ibabaw ng puno. Kung may makakita sakanila ay masasabihing aswang sila dahil sa nakalutang sila sa hangin
Napangiti sya ng makaranig ng mga kalabog at kalaskas. Siguro ay hinahanap parin sya nito. Ilang minuto syang naghintay para mahanap nito
Sumilip sya sa kanyang pinagtataguan. Mabilis nag kanyang paga atras ng biglang bumalibag si light na nagkadugo dugo at nagkasugat sugat sa katawan
Napakalakas ng t***k ng kanyang puso ng makita ang nanghihinang katawan nito. Sumuka ng dugo si light sa kanyang harapan na ikinasinghap nya
Tumingin ito na may gulat sa kanyang muka. Nagtatanong na sana sya pero bigla syang nakarinig na pamilyar na boses
" Nasaan si black?" Rinig nyang tanong ng pamilyar na boses. Lalabas na sana sya sa kanyang pinagtataguan ng magsalita si light na nanghihina
"H-hindi ko al- alam" nanghihina nitong saad
"Light" sambit nya siguro ay narinig nito ang kanyang pag tawag dahil sa nagsalita ito
"Run black, hindi ko kaya na ipahamak ka" saad nito na nanghihina
" No I won't"
Lalabas na sana sya ng biglang gumolong si light palapit sa kanya at pinigilan sya nito na lumabas. Tumingin ito sa kanya na may matalim na mga tingin. Bigla syang natakot sa pinakita nito, hindi nya akalain na may tinatago palang emosyon si light maliban sa pagiging bibo nito
" Tumakbo kana black" nagmamakaawa nitong saad sa kanya pero umiiling lang sya
" Sino ba sila bakit kanila kinalaban" tanong nya na umiiyak
" Tumakbo kana, please"
" No, sabay tayong lalaban light, magkaibigan tayo kaya sabay tayong lalaban hanggang sa kamatayan" ngumiti sa kanya si light at tinuyo ang kanyang luha
" No black, we're not friends so please run" saad nito sabay tulak sa kanya
Napagulong sya sa bangin habang naririnig ang malakas na sigaw ni light. Hindi nya maintindihan ang kaibigan.
" Find black let me know who she is" galit na sigaw ng pamilyar na boses sakanya
Nakikita nya ang mga anino ng mga tauhan nito kaya nang bumagsak ang kanyang katawan sa madilim na bahagi ay biglang nagdilim ang kanyang paningin
"Light" mahinang saad nya bago sya tuluyang nawalan ng malay
" Jessica " maingay nyang iminulat ang mga mata ng makarinig ng may tumawag sa kanya
Mabilis ang kanyang pag upo sa kama at pagpahid sa kanyang pisnge na ngayon ay basa dahil sa kanyang pag iyak sa kanyang panaginip. Nabalik sya sa sarili ng mag kumatok sa kanyang pintuan
Mabigat ang kanyang katawan na bumangon sa kanyang kama at naglakad sa kanyang pintuan para tignan kung sino ang kumatok. Binuksan nya ang puntuan ng silid ng makarating sya sa pintuan
Bumungad sa kanya ang isang maid na akmang kakatok " ai maam pinapagising po kayo ng daddy nyo"
"Why?" Walang emosyon nyang saad dito na nakayuko sa kanya
" Nagtataka lang kami jess dahil hindi kapa bumabangon late kana sa school mo" tuminginn naman sya sa nagsalita. It was her daddy
Tumango lang sya at sinara ang pintuan at bumalik sa kanyang kama. Wala syang ganang pumasok sa ngayon mabigat ang kanyang katawan dahil na siguro sa kanyang panaginip, pero hindi naman iyon panaginip dahil totoong nangyari iyon sa kanya noon
Habang nakahiga sa kanyag kama ay narinig nya ang boses ng ama n kinausap ang maid
" Sege na yaya umalis kana, hayaan mo nalang sya siguro ay pagod sya" rinig nya. Wala syang narinig na sagot mula sa yaya at ang yapak lang nito paalis
Nakatingin Lang sya sa kisame habang nakahiga sa kanyang kama. Ilang taon na pero di parin nya nahahanap ang pumatay kay light. Maski anino nito ay hindi na nya nakita pa
In a right time i will find all of you
CZARINA SALEM