Tahimik Lang syang naglalakad sa hallway ng school ng may biglang sumigaw at humawak sa kanyang braso. Napatingin sya dito at nakita si roan na nakangiti habang hawak ang braso nya
" Hindi ka pumasok kahapon" napatingin naman sya sa nagsalita na si shasha
" Oo nga nangkasakit kaba?" Nag alalang tanong nito
Napangiti sya sa pag alala nito. Matagal narin simula ng may nag alala sa kanya, at yung taong parati nag alala sa kanya ay iniwan na sya. At hinding hindi na babalik sa mundong ginagalawan
" Hoy bakit ka pangiti ngiti dyan naalala mo naman yung crush mo ano" nang aasar nitong saad at kinikiliti ang kanyang gilid
" Hindi ahh i already forget him"
Umismid naman si shasha sa kanyang tinuran parang hindi ito naniwala. Hindi na pumasok sa isip nya ang lalaking yun maliban ngayon ng bigla syang asarin ng nga ito
Sabay silang naglakad apat habang nag uusap usap naman ang tatlo ng mga nonsense.
Mabilis ang kanyang paglingon ng ang mga studyante ay nagtatakbohan. Tumingin sya kina roan na nakatingin din sa mga ito na tumatakbo. Hinila ni roan ang isang babae na tumatakbo
" Anong nangyayari?" Nya sa babaeng kanyang hinila para huminto. Nagkabit balikat lang ito at tinanggal ang kamay ni roan na nakahawak sa braso nito at mabilis na tumakbo
Hinila naman sya ni shasha pasonod sa mga studyante na. Hinayaan nya itong hinila sya dahil sa na curious din sya sa mga ito kung ano ba ang nangyari
Nakita nya ang mga studyante na nagkukumpulan. Nang makarating sila ay mas sumiksik pa si shasha papasok dito para makita ang mga tinitignan ng mga ibang estudyante
Hindi nya mapigilan ang marinig ang mga usap usapan ng ibang estudyante na nakakita na sa pinagkaguluhan
' gusto kong manood'
' alam naman natin na kung sino ang mananalo'
Isa lang yan sa mga narinig nya. Napakonot ang kanyang noo ng mabasa ang nakapaskil na tarpaulin sa bulletin board. Hindi sya makapaniwala na pwede lang elathala ang laban ng mga gang at mafia
Tumingin sya sa paligid at ngayon lang pumasok sa kanyang isipan na ang mga estudyante dito ay hindi normal. Ang mga estudyante ay myembro ng gang o mafia
Lalo na ang mga kasama nya ngayon ay isang myembro ng gang. Hindi nya alam kung ano ang pangalan ng gropo niyo, pero kinakahaban sya sa mga ito
Maaaring mamatay ang mga ito kapag ang makakalaban ng mga ito ay ang mga madaya na gropo. Sa mga gropo ay hindi maiiwasan ang may mga madadaya lalo na sa gustong manalo at makapasok sa templo
Tumingin sya sa mga kasama na may pag alala. Kaya ba ng mga ito na lumaban, kaya ba nito ang kanyang pinapagawa. Paano kung mamatay ang mga ito?
Kakayanin kaya nya uli na mawalan ng malapit. Oo hindi pa Ganoon kalapit ang kanilang pagkakaibigan pero hindi rin nya kayang ipahamak ang mga ito na itinuring syang kaibigan
Nabalik sya sa sarili ng yugyugin sya ni shasha. Tumingin sya dito at nakita nya ang pag alala sa muka nito
" Ayos kalang bigla kang natulala" saad nito namay pag alala
Tumango sya sa saad nito at tumingin sa bulletin board. Wala syang alam kung nandito ba ang gropo nila shasha pero kinakahaban sya. Napakalakas ng kabog ng kanyang puso na para syang nakakita ng patay, at ang patay na ito ay malapit sa kanya
Bumuntong hininga sya at tumingin sa paligid, ganon parin maraming tao na bumasa sa bulletin. Sigurado sya na ang mga nagbabasa ay may mga gropo. Bigla syang nabahala ng makakita ng isang gropo ng kababaihan na namumutla
" Jessica" biglang sigaw ni roan at inilalayan sya. Namanhid bigla ang kanyang tuhod ng makita ang namumutla na mga muka ng kababaihan
Naalala nya si light, ganon ang muka ni light bago sya nito itinulak sa pangpang. Napaka putla nito, dahil sa wala na itong dugo at nanghihina na ang katawan
Humawak sya sa braso ni shasha at roan na naka alalay sa kanya. Hindi nya na kaya makita ang mga namumutla nitong itsura. Tumalikod sya at nilaban ang nanginginig na mga tohod
Narinig nya ang mga pag alala na tawag nila leah pero di sya lumingon at nag dederitso lang sa paglakad. Mas lalong kumabog ang kanyang puso ng marinig ang sigaw ni light
Mas lalong nguminig ang kanyang tohod sa naririnig. Pinilit nyang maglakad para makalayo ng bigla syang matumba. Hinintay nya ang pagsalampak nya sa semento. Pero ang naramdaman nya ay ang bisig, gusto nyang imulat ang mga mata para makita kung sino ito pero hindi nya magawa dahil sa panghihilo
" What happened?" Rinig nyang saad ng isang lalaki. Pamilyar sa kanya ang amoy nito
Naramdaman nya nalang ang pag angat nya sa lupa. At ang mga bisig nito na nakayakap sa kanya ' thank you'
NABALITAAN nya na may pinagkaguluhan ang mga estudyante sa HU. Hindi nya gustong pumunta pero nay gustong humatak sa kanyang paa na pumunta roon para tignan nya kung ano ang nakasulat sa tarpaulin na nakalagay sa bulletin board
Tahimik lang syang naglalakad habang ang mga kasama ay maingay na nag uusap. Pinag uusapan nila yung babaeng nakita nila. Pinag uusapan nila kung paano nito nagawa ang patakbohin ng ganoon kabilis ang sasakyan nito
Minsan ay tinutukso nila si rocky sa babae at nalaman din nila na ang babae na yun ay si Jessica ang isa pa nilang kapatid na hindi nila nalaman kung saan lumaki
Habang naglalakad palapit sa mga nagkukumpulan ay may nakita syang pamilyar na likod. Liniit nya ang kanyang mga mata para siguraduhin na hindi sya nagkakamali
Humarap ito at naglakad na namumutla. Parang nanginginig ang katawan. Bumilis ang t***k ng puso nya ng makita ang namumutla nitong muka
Mabilis syang naglakad palapit dito ng makitang matutumba na ito. At tama ang kanyang dating dahil bigla itong natumba kaya mabilis nya itong sinalo
Nakita nya ang mga kasama nito na nag alalang lumapit. Kilala nya ang tatlong babae dahil minsan nya na itong nakita sa arena. Hindi nya masasabi na myembro ito ng isang gropo dahil nasa arena ito dahil minsan ay may taga HU na nagpupunta sa arena para manood ng laban
Tumingin sya sa mga ito na may pag alala sa babae na nasa kanyang bisig " what happened?" Tanong nya pero umiiling iling lang ang mga ito
Binuhat nya ito into bridal at nag lakad para dalhin ito sa clinic. Habang nasa kanyang bisig ang babae ay hindi nya maiwasan ang hindi ito tignan
Habang nakatingin sya dito ay bumilis ang t***k ng kanyang puso. Alam nya ang ibig sabihin ng pagtibok nito pero hindi nya ito pangungunahan dahil hindi pa sya sigurado
Ayaw nyang maulit ang nangyari noon. Dilikado ang kanyang posisyon kung susundin nya ang puso baka matulad ito sa kanyang minahal
Nang dahil sa kanyang posisyon nawala ito sa kanya at hindi nya hahayaan na may mawala nanaman ng dahil sa kanya. Tama na ang nawala ang babaeng minahal nya ayaw na nyang ulitin ang nangyari
Nang makarating sa clinic ay nilagay nya ito sa bed at mabilis na tinawag ang nurse na naka assign sa HU clinic. Mabilis namang naglakad ang nurse na lalaki
Hindi nya maintindihan ang sarili ng maalalang hahawakan nito ang dalaga. Umiiling sya at tumingin sa nurse na nagbabanta ang tingin
" Take care of her" saad nya. Tumingin muna sya sa dalaga bago umalis
' stop there, she is not her, she will never be.... she is already died and you kill her'
CZARINA SALEM