Prologue
"Ma, can you read me a story. Please?"
Inayos ni Eleonor ang kumot bago naupo sa tabi ng anak.
"What story do you want me to read, hmm?" Pinisil nito ang tungki ng ilong ng anak.
"I want Luna And The Alpha, Please?" She pled.
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa kwentong iyon?" She asked.
Mabilis na umiling ang paslit. "I still love hearing their story...please, ma?" Nag-make face pa ito.
Matamis na ngumiti si Eleonor. "Okay, as you wish," aniya na kinuha ang libro sa ibabaw ng bedside table, at nagsimulang magbasa.
"Once upon a time, there was an Alpha cursed by a witch-vampire who saw no love in his arrogant heart. Every night he forgets himself and becomes dangerous to everyone. The one way he could break the spell was to learn to love and be loved by the choosen Luna, but who could ever learn to love a beast?" pag-uumpisa ni Eleonor.
"Me," sagot ng paslit kasabay ng paghikab nito.
Matamis na ngumiti si Eleonor at nagpatuloy sa pagbabasa. "2 years later, a Hunter from Atheia village captured by the Alpha, and imprisoned for trying to kill him. The Hunter's daughter, a innocent woman who dreamed to live in a castle finds her father trapped in the underground cell and offer her place instead. The Alpha accepts it with a promise she'll stay by his side forever. But everything will change when Alpha learns the true identity of Luna. Alpha chose to push her away, instead of keeping her on his side..."
"Hmm, ma..." putol ng paslit sa ina.
"Yes, Dear?"
"Hindi po ba mamahalin ng Alpha ang Luna? Can you change the story? Make it a happy ending."
Mapait na ngumiti si Eleonor. "We can change our path. But we can never change our destiny, dear. Not everyone's love story end up in a happy ending."
Nalungkot ang paslit. "Pero bakit po sila Snow White, Cinderella, Belle, Jasmine, Aurora and Pocahontas, mayro'n silang happy ending?"
Dinama ni Eleonor ang pisngi ng kanyang anak. "When you grow up, you'll understand. For now, you should sleep."
"Ma..."
"Hmmm?"
"I hope, I met my Alpha some day."
Bahagyang lumukot ang mukha ni Eleonor. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng anak. Hindi niya gustong maranasan ng anak kung ano ang kaniyang naranasan noon.
"Good night, dear," aniya na kinintalan ng halik sa noo ang anak.
"Good night, ma. Good night, my Alpha," she murmured before she close her eyes.
Hinaplos ni Eleonor ang buhok ng anak. Pagod na nagbuga siya ng hangin at kasunod niyon ay lumiwanag ang kamay nito.
"Forget about the Lycan. You don't deserve someone like them...Dissipati peribunt." She erased her memories about Lycan.
Hindi makapapayag si Eleonor na matupad kung ano ang nasa propesiya. Not her daughter.
"Eleonor..." Bumaling ng tingin si Eleonor sa pintuan kung saan nakatayo si Fred.
"Mas makabubuti kung wala siyang alam tungkol sa mga Lycan." Eleonor uttered. Inayos niya ang kumot bago tumayo.
"Tungkol ba ito sa nakita mo sa hinaharap?" He asked.
Tumango si Eleonor. "Nasabi ko na sa'yo kung ano ang napagdaanan ko sa mga katulad nila at alam mo kung anong klase silang nilalang, kaya hindi ako makapapayag na mangyari iyon sa aking anak." Mapait na ngumiti si Eleonor.
"Malaki ang pagpapasalamat ko sa'yo, Fred. Dahil sa kabila ng pagkatao ko ay nagawa mo akong tanggapin at tulungan."
"Alam kong mabuti kang bampira, Eleonor. Biktima ka lang din at walang kasalanan kaya naiintindihan kita." Fred Tapped her shoulder. Alam nito kung ano ang totoong nangyari sa pagkatao ni Eleonor.
"Maraming salamat, Fred." Eleonor hugged him.
Natigilan si Eleonor nang may maramdamang may ibang presensya sa paligid.
"May nararamdaman ka ba?" Kunot-noong tanong ni Fred.
"Someone is nearby—" singhap na nanlaki ang mga mata ni Eleonor.
"I-I need to get out of here, Fred. Malalagay lang sa kapahamakan si Celestine kung hindi ako aalis dito." Kumuha ng bag si Eleonor at nagmamadaling inilagay ang lahat ng damit nito.
"Pero—"
"Hindi lang si Alaric ang naghahanap sa akin ngayon. Tiyak, pati ang Alpha ng Garrette ay pinaghahanap na ako dahil sa ginawa ko sa kanyang anak." Malungkot na sinulyapan ni Eleonor ang anak.
"Kaya mas makabubuti kung lalayo ako," sabi pa niya.
"Sigurado ka ba? Saan ka naman pupunta?" Hindi sang-ayong tanong ni Fred.
"Kahit saan basta malayo kay Celestine."
Pinigilan ni Fred sa braso si Eleonor. "Pero paano ang anak mo?"
"You can take care of her. You'll be a good father, I know you will." She smile bitterly.
"Makakalimutan niya ako, Fred," aniya na muling hinawakan sa ulo ang paslit.
"Don't do this to your daughter, Eleonor!" He tried to stop her but it's too late.
"Sabihin mo sa kanya na matagal na akong patay." She cried. "Mas makabubuti sa kanya na hindi niya malaman na isa akong bampira."
"Eleonor..."
Muling lumiwanag ang kamay ni Eleonor. "Hindi mapipigilan ang paglabas ng pagiging isa niyang pambira. Pero, susubukan kong mapigilan ito hanggang sa may magmahal sa kanya ng tapat...Amare autem intermissum quod sanguis." Matapos itong magbitaw ng spell ay kinintalan niya ng halik sa noo ang anak. "Mahal na mahal kita, anak. Hanggang sa muli," aniya kuway bumaling kay Fred. "Ikaw na ang bahala sa kanya."
"Eleonor, don't do this." Pigil ni Fred sa huling pagkakataon pero mukhang desindido na ito.
"Paalam, Fred." Malungkot siyang yumakap kay Fred bago tuluyang umalis.