Chapter 1
Mira,
Hey, sweet peanut. If you happen to read this, I might have died a long time ago. I just want you to know that Daddy loves you so much that I’ll do everything to keep you away from harm. You are so beautiful, my daughter. Please be safe for Daddy, and be kind always. Someday, you will understand why we can’t live like a normal family.
Love,
Daddy
Walang lakas ang kamay ni Mira nang punasan niya ang luha na naglandas sa kanyang pisngi matapos basahin ang huling sulat ng kanyang ama para sa kanya. Walong taon na ang nakararaan mula nang mamatay ang kanyang ama ngunit hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa kanya na nawala ito na hindi niya man lang naka-usap nang huling sandali.
Today is her birthday. Ngunit sa halip na nagdidiwang siya ay narito siya sa puntod ng kanyang ama at ina-alala ang mga huling sandali na magkasama sila. Death anniversary din kasi nito ngayong araw kaya hindi niya magawang magdiwang.
At sa bawat kaarawan niya, isa lamang ang kanyang hiling: ang makakuha ng hustisya ang kanyang daddy. Namatay kasi ito dahil binaril ito sa mismong harap niya. Tandang-tanda niya pa, kumakaway ang kanyang Daddy habang naglalakad ito paalis nang bigla na lamang itong natumba—duguan at butas ang gitna ng noo. Walang nagawa ang paghahanap nila ng hustisya dahil nagmistulang bulag ang batas nang sabihin niyang may pumatay sa daddy niya.
The authority claimed that it was an accident dahil may shootout daw malapit sa lugar na kinatatayuan nila. Aksidenteng natamaan ang kanyang ama ng ligaw na bala galing sa isang pulis.
Ngunit alam niya, hindi iyon aksidente. It was an assassination! Pinatay ang daddy niya.
“…And I’d give up forever to touch you, ‘cause I know that you feel me, somehow.
You’re the closest to heaven that I’ll ever be, And I don’t want to go home right now—”
Napatigil siya sa pag-alala ng nakaraan nang tumunog ang kanyang ringtone—Iris by Goo Goo Doll—ng kanyang cellphone.
Dinukot niya ang cellphone mula sa kanyang shoulder bag at sinagot ang tawag ng kanyang matalik na kaibigan.
“Jamaica,” sagot niya.
“Best friend!” tili nito mula sa kabilang linya at suminok kapagkuwan. “Best friend, help!”
“Anong nangyari sa’yo at bakit parang umiiyak ka?” tanong niya at tuluyan ng natigil sa pag-iyak.
“First of all, happy birthday! Pero kasi, puputulan na ako ng paa,” atungal muli nito dahilan para mapatayo siya mula sa pagkakasalampak sa carpet.
“Ano? Bakit? Ano’ng nangyari? Nasaan ka?” sunod-sunod niyang tanong at halos takbuhin na ang kanyang kotse na nakaparada sa hindi kalayuan.
“Basta, huhu. Nadisgrasya kasi ako tapos…tapos…”
“Okay, stop! Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan ka,” aniya dito dahil hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil muli itong umatungal na parang kinakatay na baka.
“Sa Funtellion’s Doctors Hospital. Bilis na!”
“Wait for me there,” taranta niyang sagot at pinasibad ang kanyang kotse palabas sa private cemetery na iyon.
Medyo natagalan pa siya sa daan dahil sa traffic kaya naman ay hindi na niya nai-park nang maayos ang kanyang kotse at tinakbo ang entrance ng hospital.
“Nurse, nasaan ang pasyenteng dinala rito na puputulan ng paa?” sa pagkataranta niya ay hindi na niya naisip ang kanyang tanong.
Kumunot ang noo ng ng nurse na napagtanungan niya. “Miss, maraming dinalang pasyente rito. Paano ko maiisa-isa ang lahat at mahanap ang tinutukoy mo.”
Napatapik siya sa noo at gustong batukan ang sarili nang marealize niya ang kanyang tanong. “May pasyente ba kayo na Jamaica Mojeco ang pangalan?”
Sandaling may tiningnan ang nurse sa computer na nasa harap nito bago siya sinagot. “Meron. Ni-admit lang siya kani-kanina lang. She’s in the twenty seventh floor, room number 1365.”
“Salamat.” Wala siyang sinayang na oras, agad niyang tinakbo ang elevator at sumakay roon. Pinindot niya twenty seventh floor gaya ng sabi ng nurse.
Pagkarating niya sa palapag na iyon ay agad niyang hinanap ang numerong binanggit ng nurse. Nakita niya iyon sa pinakadulo ng palapag at walang katok-katok na binuksan niya iyon.
Napamaang pa siya nang makitang walang Jamaica na nakaratay sa higaan. Walang bakas na may humiga roon kaya mas lalong napakunot ang kanyang noo.
Bakit ba hindi ko naisip na baka gino-good time na naman ako ng babaeng iyon? Lagot talaga siya sa akin.
Aalis na sana siya sa loob ng kwarto nang may marinig siyang ingay. Nabitin sa ere ang kanyang kamay na dudukot sa kanyang cellphone dahil sa lagaslas ng tubig na naririnig niya mula sa banyo.
‘Hindi kaya nagbanyo ang bruhang iyon at dahil hindi maayos ang paa ay nadulas sa banyo, na-untog at hindi na nakabangon pa?’ Nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa naisip.
Humakbang ang kanyang mga paa patungo sa pinanggalingan ng ingay. Idinikit niya ang kanyang tainga sa pinto upang pakinggan kung may tao nga ba roon. Nang wala siyang marinig ay pinihit niya ang seradura at walang kaabog-abog na binuksan ang pinto.
Unang tumambad sa kanyang paningin ang maputi at ma-muscle na likod. At bumuka ang kanyang mga labi nang naglakbay ang kanyang mga mata pababa sa matambok nitong puwet na dinadaluyan pababa ng tubig na galing sa shower.
Humarap ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Sa ilang sandali ay tila nakalimutan niyang huminga nang matitigan niya ang kulay luntian nitong mga mata. And the weird thing is, her heart is in freaking riot.
“What the—” magaspang na ani nito na ikinabalik niya ng diwa sa kasalukuyan.
At saka pa lamang niya nahanap ang boses at naalalang sumigaw. “Ahh! Manyak, bastos, pervert!” Muli siyang tumili.
“Stop shouting!” Malamig, mapanganib at walang mababakas na emosyon ang boses ng lalaki.
Ngunit masyado siyang nasa ‘shock and panicking stage’ para makinig dito. Inalis niya ang kanyang shoulder bag sa pagkakasabit sa kanyang balikat at hinampas dito.
“Hey, stop!” Sinalo nito ang kanyang shoulder bag at inagaw iyon sa kanya bago itinapon kung saan.
“Hoy!” at muli, saka pa lamang niya naalala na dapat pala ay tumalikod na siya kanina pa.
“If you’re here to help me giving off some steam then you are very welcome to join me in this d*mn f*cking shower.”
Namula siya nang maintindihan ang sinasabi nito. “Ang manyak mo,” bulalas niya at hindi napigilan na humarap dito. Ngunit nang maalalang hubad nga pala ito ay mabilis niyang tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga palad.
“Ano’ng ginagawa mo dito, huh? Nasaan si Jamaica? Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Sagutin mo ako, Manyak ka!”
“I’m not a pervert,” singhal nito na nasilip niya sa pagitan ng kanyang mga daliri na kinuha nito ang tuwalya na at tinakpan ang dapat takpan. “Besides, you are the one who entered here. Hindi ko na kasalanan kung may nakita ka. Or baka naman naman, you are the one who’s pervert here. Sinadya mong pumasok para silipan ako.
Nang makitang may tuwalya na itong suot ay inalis niya ang pagkakatakip ng kanyang palad sa mata at binigyan ito ng matalim na tingin.
“Ang yabang mo! Room ito ng kaibigan ko, this is room number 1365, twenty-seventh floor,” asik niya.
Ngumisi ito at humakbang palapit sa kanya na ikinalunok niya. Hindi siya makahinga dahil sa nakabuyangyang na eight pack abs nito sa harapan niya. Pakiramdam niya ay mamumutok na ang kanyang pisngi sa sobrang pag-iinit niyon.
“Yeah, this is room 1365 twenty-seventh floor. Pero dahil nakita mong ako ang naka-admit dito, at wala nang iba. You should be mistaken, Miss.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Baka nga nagkamali siya, nagkamali ‘yong nurse na napagtanungan niya. Obvious naman na wala sa kuwartong iyon ang kaibigan niya.
‘Nakakahiya ka, Mirethea!’ pagalit niya sa sarili at mas lalong nag-init ang mukha sa pagkapahiya.
Ngunit ‘nunkang’ aminin niya na nagkamali siya sa lalaking ito. Kaya upang maitago ang pagkapahiya ay binigyan niya ito ng matinding irap.
“Ang pangit mo!” sigaw niya rito sabay talikod.
Well, that was a big lie. Maikukumpara sa mga God of Olympus ang kaguwapuhan ng lalaki. Mistula itong diyos na bumaba sa lupa upang makisalamuha sa mga mortal. From his messy black hair, makakapal na kilay, matangos na ilong, maninipis na labi, siguradong kahit sino ay mapapa-second look dito. At ang mas umagaw ng pansin niya ay ang mga mata nitong kulay green. Emerald green! Ang mata nitong tagusan kung tumitig.
‘Sh*t’ mura niya sa isipan nang maalala kung paano nagrigodon ang kanyang puso nang unang beses na nagtama ang mga mata nila. Parang may pamilyar na pakiramdam siyang naramdaman dahil do’n.
“Aray!” daing niya nang biglang bumukas ang pinto at natamaan siya. Ngunit ang mas ikinagulat pa niya ay ang pagtutok ng baril sa kanya ng lalaking pumasok.
Everything happens like a blur. May bumato sa kamay ng lalaki dahilan upang mabitawan nito ang baril. Then, someone grabbed her arm and pulled her behind the hospital bed. Itinayo nito ang kama at sakto naman na nakayuko siya nang pinagbabaril sila ng mga bagong dating.
“F*ckers!” mura ng lalaking katabi niya bago ikinasa ang baril na hawak hawak na nito. And she has no idea kung saan nito nakuha iyon. “Stay here and don’t do anything st*pid,” anito sa kanya bago tumayo at nakipagpalitan ng putok sa mga kalaban habang nakatowel lang.
Namutla siya, hindi niya alam kung ano ang ire-react sa nangyayari. Ngunit sa huli ay nahanap niya ang kanyang boses at pumaalinlangan ang tili niya sa buong kwarto.
But her scream doesn’t stop the fight. Mabilis na tumakbo ang lalaki patungo sa mga kalaban at hindi niya alam kung paano nito naiwasan ang mga bala na para bang may super powers ito. At sa isang kisap mata, nakita niya kung paano naagaw ng lalaki ang baril ng mga kalaban at literal na binalian ang mga ito.
Napaawang pa ang kanyang labi at nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niyang hinawakan ng lalaki ang magkabilang bahagi ng ulo ng kalaban bago walang kasere-seremonyang binali ang leeg nito. Napalunok siya, umikot ang kanyang paligid, pakiramdam niya ay nanlalambot ang kanyang katawan hanggang sa tuluyan nandilim ang kanyang paningin.
“ITO na nga ba ang sinasabi ko. Dahil sa sobrang katigasan ng ulo mo, napahamak pa pati ang kaibigan mo.”
Naalimpungatan si Mira dahil sa boses na iyon. She felt her head throbbing, ngunit nagawa niyang imulat ang mga mata at pagmasdan ang paligid. Unang bumungad sa kanya ang puting kisame at liwanag na nagmumula sa ilaw.
Napasinghot siya at nalukot ang kanyang ilong nang matanto niyang nasa hospital siya. Nakita niya si Jamaica na nakahiga sa kama habang nakataas ang mga paa nitong may cast. Nasa tabi naman nito ang nakakatandang kapatid nitong lalaki na si Zach at pinapagalitan ito.
“Hindi ko naman kasi alam na mamamali siya ng kuwarto at madadamay siya sa gulong ‘yon,” narinig niyang katwiran ni Jamaica.
Gulo? Anong gulo? Ang huli niyang natatandaan ay tumawag sa kanya ang kanyang kaibigan dahil puputulan na raw ito ng paa kaya nagmadali siya tapos nagkamali siya ng pasok ng kwarto dahil nagkamali ang nurse. Then may lalaki siyang nakita tapos—oh my God!
Napabalikwas siya ng bangon dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawa. “Ano’ng nangyari?” tanong niya.
Lumapit sa couch na kinauupuan niya si Zach at hinaplos ang buhok niya. “Ayos ka na ba? Nagkamali ka ng kuwartong pinasukan at nagkaroon ng barilan doon. Nadamay ka at nahimatay. Mabuti na lang at hindi ka tinamaan ng bala.”
“Pero, Kuya. May mga lalaking patay do’n, tapos…”
“They were taken care by the authority,” putol nito sa kanya. “Anyway, kukunan ka rin nila ng statement tungkol sa nangyari, but for now magpahinga ka na lang muna. Tingnan mo, pareho na kayo ni Maica na nakaratay. Ang tigas kasi ng ulo!”
Sukat sa sinabi ni Kuya Zach, sumimangot ang kaibigan. “Malay ko ba naman na may susulpot pala na aso sa daan. Mabuti nga iniwasan ko, eh. Dedo na sana ang aso kung hindi ko ginawa ‘yon.”
“That’s not the point, Maica.” Si Zach at humalukipkip pa. “Kung makapagpatakbo ka kasi ng motor akala mo naman pusa ka. You’re not a cat and you don’t have nine lives.”
Ngunit sa halip na makinig sa sinasabi ng kapatid ay binelatan lang ito ng kaibigan bago tumingin sa kanya. “Besty, huhu!” itinaas nito ang kamay na para bang naghahanap ng yakap at aruga. “Puputulan na ako ng paa.”
“You will not!” magaspang na ani Zach. “Stop being exaggerated.”
“Ang killjoy mo.”
Tumayo siya at nilapitan si Jamaica at para naman itong baby na kumapit sa kanya.
“Hindi ka mapuputulan ng paa,” pang-aalo niya rito. Maluha-luha naman itong tumango at mas niyakap pa siya.
Nang makita niyang nagda-drama na ito, inabot niya ang naka-cast nitong paa at tinampal iyon.
“Aray! Walanghiya ka!” pasigaw na reklamo nito sa kanya at binigyan siya ng hampas sa braso na ikinatawa lang niya.