“Mira?” bulalas na bungad sa kanya ni Jamaica nang sagutin nito ang kanyang tawag. “Oh my God! Mira, ikaw ba talaga ‘yan? Nasaan ka? Bakit ang tagal mong nawala at hindi nagparamdam? Hinahanap ka na ni Aunt Martha, namin. Anong nangyari sa ‘yo?” Napabuntong-hininga siya at napasandal sa metal na hamba ng glass sliding door na binuksan niya ang isa. Mula sa kinaroroonan niya ay kitang-kita ang mga gusali ng siyudad. The buildings were not tall as the buildings in New York or in Dubai, but their structures were featuring the tradition and ancient building structure. “I’m okay, Jamaica. I just did something—” “Hindi naman ito tungkol doon sa hustisya na hinahanap mo para sa daddy mo, di ba?” putol nito sa kanya. “It is,” sagot niya. Iyon naman talaga ang puno’

