Ang kamao ni Mirethea ang sumalubong sa mukha ni Meila nang sandaling nakapasok siya sa loob ng underground basement kung saan siya dinala ni Abacus at Delta. Hindi pa siya nakuntento at muli niyang malakas na pinadapo ang kanyang nakakuyom na kamao sa ilong ng babae. Meila’s nose bleed. Nakakamatay na tingin ang ibinigay nito sa kanya bago galit na galit na sinugod siya. Subalit dahil nakatali ang mga kamay at paa nito ay hindi nito nagawang hawakan man lang ang dulo ng daliri niya. “B*tch!” sigaw nito sa kanya, halos mapatid ang ugat sa leeg. “Kasalanan mo itong lahat. Kung hindi ka umeksena sa amin ni Zeon, masaya na sana kami.” She slapped her, hard, that made her face turn in the opposite direction. “Ilusyunada!” Muli niyang sinampal ang kabila nitong mukha at isa pa sa kabila.

