"No!" pumailanlangan ang cute na cute na boses ni Giovanni sa buong mansyon nina Cale. Sinundan iyon nang naaaliw na halakhak ni Zech Leon pati na rin ang makulit na hagikhik ng kanyang anak. Agad siyang napatayo at sabay pa silang napatingin ni Jenza, na kausap niya, sa pinto ng kusina para usisain kung ano ang nangyayari. Tumatakbong lumabas ng pintuan ng kusina si Zech Leon habang karga-karga nito si Nikolai. Kasunod niyon ay ang mag-ama ni Jenza na parehong namumuti sa harina ang buong mukha. Nakangisi si Cale habang ang buhat-buhat naman nitong anak ay mukhang nalugi. Napatayo na rin si Jenza na nasa harap niya at pumamaywang. "Cale!" Jenza shouted when Zech Leon and Cale run around the living. Tawa ng tawa si Nikolai habang si Giovanni naman ay panay ang likot sa bisig ng ama

