Malakas na hinampas niya sa balikat si Rod nang makalabas sila sa loob sa truck na sinasakyan. Nakita niyang ngumiwi ito kaya binalingan niya rin si Paul at tumalon para abutin ang buhok nito. Iritadong hinila niya iyon. Hinayaan lamang siya na saktan niya ito at kumamot-kamot sa batok, hindi siya pinatulan. She strecthhed her body at tumalon siya dahil pakiramdam niya ay nayupi siya kanina. Ikaw ba naman pagitnaan ng dalawang lalaking kasama niya ngayon, tingnan lang natin kung hindi ka halos mayupi. Mabuti sana kung kasing-katawan lamang ni Pual, magkakasya pa sila. Pero dahil kasama nila si Rod na doble ang laki kay Paul, hindi na siya magtataka kung nayupi siya sa kinauupuan kanina. “Young Lady, where should we put this?” tanong ni Rod matapos kunin ang ilang kahon mul