Chapter 10

1299 Words
“Anong nangyayari?” tanong ni Mira kay Ms. Eldora nang makita niyang ine-empake nito ang kanyang mga damit at ilang toiletries. Apat na malalaking maleta ang nasa lapag, kaharap ng nakabukas na walk-in closet ni Zeon—closet niya.        Naging closet na niya iyon sa loob ng halos dalawang linggong hindi niya nakita kahit anino ng lalaking iyon. At dahil roon natutuwa siya sapagkat bukod sa solo niya ang malaking kwarto, hindi niya nakikita si Zeon Funtellion na nagpapasira ng araw niya.        “The young master called and ordered to pack your things, Young Lady,” sagot nito sa kanya at pumasok sa malaking walk-in closet kung saan naroroon din ang kanyang mga gamit.        A day after Zeon blackmailed her, she woke up and saw tons of paper bags in the room. Laman niyon ang mga branded clothes and shoes. Inayos ng mga maid ng mansion ang kanyang mga gamit sa loob ng walk-in closet ni Zeon. Ms. Eldora ordered to put Zeon’s clothes aside at mas pinadagdagan pa roon ng cabinets.        Ngayon, share na sila ng lalaki ng wallk-in closet.        “Why?” kunot-noong tanong niya at umupo sa malambot at malaaking kama habang nakatuon pa rin ang tingin kay Ms. Eldora na lumabas na ngayon mula sa loob closet.        “It is an order, Young Lady. Young master doesn’t give details,” bakas ang paggalang sa boses nito kahit na mas matanda ito sa kanya.        Mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip ng lalaking iyon at pinae-empake ang kanyang mga gamit? Papakawalan na ba siya nito?        But that’s impossible! Because as far as she remembered, pinagbantaan siya nito na sasaktan at papatayin ang mga taong mahal niya kapag nagtangka siyang tumakas.        “Kung pinaplano niyang isasama ako sa mga walang kwenta at masama niyang mga lakad at gawain, tell him not to bother dahil wala akong balak sumama. Mabulok siya!” Iyon lang ang naisip niyang posibleng dahilan kaya ipinae-empake ang kanyang mga damit.        Inilagay ni Ms. Eldora sa loob ng maleta ang mga damit na kinuha sa loob ng closet. “Hindi kita mapipilit na huwag isipin na masama ang binatang Funtellion. Ngunit sana kilalanin mo kung sino ang tunay na siya.”        Matigas ang ulong humalukipkip siya. “Hindi ko na kailangan na kilalanin pa siya. I know him. He is a heartless, devil and made from hell.”        Bumuntong-hininga si Ms. Eldora, tila iniintindi siya sa pagta-tantrums niya. Masyadong mahaba ang pasensya ng babaeng ito. Ilang beses na niya iyong napatunayan sa loob ng dalawang linggo. Kahit palagi niyang sinusungitan ito at ang mga maid ng mansion, nananatili pa rin itong kalmado. Even she throws the food for dinner last week dahil lang sa gusto niyang maiparating kay Zeon na hindi siya karapat-dapat na maging asawa nito dahil sa masama niyang ugali. She knows na nagre-report ang mga ito sa lalaking iyon.        Ngunit sa halip na magalit ang mayordoma, mahinahon lang nitong tinawag ang dalawang maid at inutusan na linisin ang ikinalat niya.        Minsan, nakokonsensya na siya sa ginagawa. Gusto niyang mag-sorry dito dahil masyado niya itong pinapahirapan gayong si Zeon Funtellion ang may kasalanan sa kanya at ito ang gusto niyang gantihan.        “I want to sleep. Leave me alone. Huwag mo ng ayusin ang mga iyan, I wouldn’t go with him anyway,” nagdadabog niyang wika at saka humiga sa malaking kama. Kinuha niya ang comforter at ibinalot niya iyon sa kanyang katawan bago niya tinalikuran ang matanda.        Ipinikit niya ang kanyang mga mata at napabuntong-hininga nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.        Sa loob ng halos dalawang linggo, nanatili siyang nakakulong sa kwartong iyon. Hindi niya tinangkang tumakas dahil bukod sa maraming bantay sa paligid ng mansion, natatakot din siyang may mangyaring masama kay Jamaica at kay Aunt Martha. Knowing that man, alam niyang tototohanin nito ang sinabi.        Hindi siya lumalabas ng kwartong iyon. She never dared to roam around the mansion. Baka mawala na naman siya.        Kaya kahit sawang-sawa na siya sa kakapanood ng movies at kakabasa ng mga novels na nakita niya sa mistulang opisina ni Zeon sa loob ng kwartong iyon, ay pinagtitiisan na lang niya. Kinuha niya ang isang unan at niyakap. She wondered kung ano ang aksyon na ginagawa ng Arcanum syndicate upang mabawi siya.        She snorted on her own thought. Iyon ay kung hinahanap siya ng mga ito. Maybe, they thought she’s dead. Zeon is out there—alive and kicking dahil hindi niya iyon napatay. At alam ng mga ito—alam ni Samael na buhay niya ang kapalit sa pagtatangka niyang pagpatay sa pinuno ng mafia.        Kailangan niya na rin sigurong tanggapin na siya na lamang ang makakapagligtas sa sarili mula sa impyernong kinaroroonan niya.        Inalis niya ang comforter sa kanyang katawan at nakasimangot na ibinato ang unan sa kawalan. Sinulyapan niya ang mga maletang halos tapos na sa page-empake. Tumayo siya at sinipa ang dalawang maletang nakasara na ang zipper tanda na maayos na iyon.         Pikon na binuksan niya ang zipper ginulo ang kanyang mga damit na maayos na nakasalansan roon. Wala siyang paki-alam kung magsumbong si Ms. Eldora kay Zeon tungkol sa inaasal niya. Mabuti nga iyon para mapikon na ito sa kanya at pakawalan na siya.        Mas ikatutuwa niya iyon!        Nang magulo niya ang lahat ng damit ay muli siyang bumalik sa kama at nagtalukbong. She’s acting like a child, she knows. Pero wala siyang paki-alam.        Bukas na bukas din, magtatantrums ulit siya. She grins as the tought of getting into Zeon’s nerve crossed in her mind.          Napatayo si Mira mula sa pagkaka-upo sa harapan ng telibisyon nang bumukas ang pinto at pumasok ang apat na lalaking nakapang-pormal na kasuotan. They are the mafia guards—at least that what she heard from Ms. Eldora. Ito ang maituturing na kawal kung ihahambing ang Mafia Funtellion sa isang kaharian at ang mansion niya naa kinaroroonan niya ay ang palasyo.        And Zeon? He is a villain of the palace because definitely he is not a prince. A dark prince, maybe.        Nasa likod ng mga ito si Ms. Eldora na tumuloy sa walk-in closet at may kinuha sa loob niyon. The mafia guards walk towards him and slightly bows their heads.        “Master Funtellion ordered to fetch you, Young Lady,” magalang na wika ng isa.        “Hindi ako sasama sa inyo,” matigas niyang wika at humalukipkip pa. “And tell your leader na okay na okay ako dito kapag wala siya. I wish he should stay where ever the hell he’s is.”        Hindi initindi ng mga mafia guards ang mga sinabi niya. Bagkus ay sinenyasan ng mistulang lider ng mga ito ang mga kasama. Mukhang inaasahan na ng mga ito ang magiging sagot niyang iyon.        The man with shoulder-length hair hold her wrist. Ganon din ang ginawa ng isa pa.        “What are you doing?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong. “Bitawan niyo ako!” she snapped at them and tried to pull her hand from their grip.        “We are just following orders, Young Lady!” wika ng isang lalaki bago may itinabon sa kanyang ilong at bibig.        She tried to hold her breath para hindi niya malanghap ang gamot na nasa panyo na itinakip nito sa kanyang ilong at bibig. Pinasag niya ang kanyang katawan ngunit wala iyong nagawa. Malakas ang pagkakahawak ng dalawang lalaki sa magkabila niyang palapulsuhan. It was strong but not tight na para bang iniingatan siya ng mga itong huwag masaktan.        Nang halos hindi niya na makayanan ang pagpipigil ng hininga, she finally gave up.        Si Ms. Eldora na may bitbit na mga maleta ang huli niyang nakita bago siya nilamon ng kadiliman. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD