Nagawa niyang ngumiti nang humarap siya sa mga bisita matapos niyang humiwalay sa labi ni Zeon kahit pa nanginginig ang kanyang sistema dulot ng halik na iyon. Napahawak siya sa matipunong braso ng kanyang asawa nang pumulupot iyon sa kanyang baywang at humarap din sa mga bisita. Kanyang asawa, that was simply so good in her ears. Nagpalakpakan pa rin ang mga bisitang bilang niya lamang sa kanyang mga daliri. She recognized Jenza and Cale Ivanovich as one of the visitors. At katulad ng dati, wala pa rin siyang nababanaag na emosyon sa mukha ng lalaking Ivanovich. Mukhang mahal din ang ngiti nito katulad ng lalaking nasa tabi niya. Dumako ang tingin niya sa kaliwang bahagi ng mga nakahilerang upuan. Binigyan niya ng ngiti si Jamaica na naluluha habang nakatingin sa