“It looks like you’re not feeling well,kaya aalis na ako.”Lumapit sya sa akin at hinawakan ang balikat ko.”This is just a friendly reminder Elise,actually you can really help Hans, iiwanan mo sya. That’s all you can do for Hans.” Tugon nito bago tuluyang umalis.
Akala ko ay maayos na ang lahat, hindi ko alam kung pinaglalaruan ba kame ng tadhana o senyales ito na hindi talaga kame para sa isat isa ni Hans, umalis ako at pumunta sa luma naming bahay,matagal akong nawala kaya napabayaan na ito,dito ako lumaki at dito ko rin nakilala si Hans,mga bata palang kame ay sya na ang gusto ko, hanggang sa tumuntong kame sa college,pero namatay ang parents ko at ako nalang magisa ang naiwan.
Wala akong kahit isang kamag anak,sa tulong ng magulang ni Charles nakapunta ako sa Madrid at nabayaran ang utang sa bahay na iyon kaya nabawi ko rin kinalaunan. Pumasok ako sa loob at nakita kong nandon parin ang lahat ng gamit namin,walang pinagbago kahit lumipas ang ilang taon, nakita ko ang picture namin ni Hans sa may sala umupo ako at kinuha ko iyon,saka umiyak at niyakap ang litrato naming dalawa.
/N.
Samantala, nasa office naman si Hans at kausap ang mga stock holder nya kasama sila Andrew at Leo.
“What are we going to do,Mr. Zhuo?”sambit ni Mr. Lee isa sa managing director ng company,
”We will do our best para magawan ng paraan ang lahat ng ito,just trust me.”He said with a serious expression.
“How we can trust you, Mr.Zhuo hindi lang hundred of thousands ang pinaguusapan natin dito kundi billion cash, I don’t know but if you can't handle this as soon as possible,mabuti pang ipagbili mo nalang ang Zhuo company.”Sambit naman ng isang stock holder sabay alis,sinundan naman sya ng iba pa na umiiling iling dahil sa pagkadismaya. Naiwan sila Andrew at Leo na noon ay nagaalala rin sa mga nangyayare.
“Anon g gagawin natin ngayon?” Sambit ni Andrew. “Magsasara na ba tong company?” sabat naman ni Leo,na kanina pa palakad lakad dahil sa pagaalala.
“That won't happened, gagawa ako ng paraan.”sambit naman ni Hans na noon ay nakahawak na sa ulo nya at nagiisip ng dapat nyang gawin. Maya maya ay kumatok ang sekretarya nito at sinabing naroon si Mr. Xiang ang ama ni Cindy at gusto syang makausap.
Nagusap ang dalawa sa couch at lumabas naman sila Andrew at Leo, “Mr. Xiang,what are you doing here?” sambit nito.
“I heard what happened Hans,pano nangyare yon? Panong nawala ang funds ng ganun ganun nalang?”tanong nito habang nakatingin kay Hans.
“Iniimbestigahan na namin yan ngayon.”sagot nito,
”Hans, I have a proposal to you, I can give you the money that you needed,kahit magkano pa yan.”sambit nito,umangat ang ulo ni Hans at tumingin sa matanda,
“Whats the deal?”tanong nito,
“Just get married with my daughter Cindy.”sambit nito,ngumisi si Hans at tumayo sa kinauupuan.
“Are you kidding me Mr. Xiang?”aniya.
“Im not joking here,alam mong matagal ka ng gusto ng anak ko,and I’ll do anything for her,isa pa Im the only one who can help you.”dugtong nito. “Think about it,before I change my mind, if you don’t want to close the Zhuo Company you would better be get married.”tumayo ito at naglakad papunta sa pinto,muli nyang tiningnan si Hans na noon ay umupo sa couch at kinubli ang ulo sa palad nya.
Samantala, habang pabalik ng villa tumawag naman si Charles kay Elise. “Hello?”sagot nito.
“Nasan ka? Can we talk?”tanong ng binata.
“Ok,pupuntahan kita.”sagot naman nito,sabay baba ng phone,maya maya ay tinext ni Charles ang restaurant na pagkikitaan nilang dalawa. Naunang dumating si Charles,at maya maya lang ay dumating narin si Elise, nakangiti habang nakatingin sa Charles sa dalaga, matipid naman itong gumanti ng ngiti sa kanya.
“Kanina ka pa?” tugon nito habang papaupo sa tapat na upuan ni Charles.
“No,kadarating ko lang."
"kamusta kana?ilang araw kang hindi nagparamdam sa ken ah,nagalala ako.”sambit nito. Ngumiti naman si Charles bago sumagot.
“You rejected me,so its natural for me to ignore you.”pabiro nitong tugon sabay tawa,napangiti naman si Elise ngunit napalitan din ng lungkot ang mga mata. “I was just joking, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?”tanong nito, kilalang kilala ito ni Charles, alam nya ang kahulugan ng mga reaksyon nito,
“Can you tell?”sambit nito.
“Nag away na agad kayo? Hmm,mukang kailangan kong icancel ang flight ko ah.”Tugon nito,napatingin ang dalaga dito at kumunot ang noo. “What are you talking about? Aalis kana?” sambit nito habang nakatingin kay Charles.
“Itutuloy ko yung pagbalik sa Madrid, pero dahil mukang may problema ka, kaya parang nagdadalawang isip ako na tumuloy.” Seryosong tugon nito.
“Ano kaba,wag ka ngang magbiro ng ganyan, hindi kame nagaway ni Hans.”aniya.
“I heard what happened to his Company, how is he?"
"I don't know what to do Charles, gusto ko syang tulungan gusto kong maramdaman nya na may pakinabang ako sa kanya, na may maitutulong ako sa business nya.. Pero wala akong kakayahan para gawin yon." nalulungkot at halos mamuo ang luha sa gilid ng mga mata nito.
"Elise, alam kong mahal ka ni Hans, and being with him in this situation is enough already. You should know that,ok?" sambit nito,
"Pero pano yung kumpanya nya? alam kong importante sa kanya yon,buong buhay nyang pinagsikapang maitaguyod yon.. Pano kung.. Pano kung.. sya naman ang bumitaw sa 'kin at marealize nyang hindi nya ako kailangan? pano kung pumayag sya sa alok ni Cindy?" sunod sunod nitong pahayag,
kumunot ang noo ni Charles at nagbago ang itsura ng muka,lalong umigting ang pagaalala nito dito.
"What do you mean?"
"Handang maglabas ng pera ang papa ni Cindy para matulungan si Hans,pero kailangan syang pakasalan nito." mahinang sambit nito. "What? Irene, I'm sure hindi papatulan ni Hans ang offer na yan. Don't overthinking, just relax at magusap kayo,kausapin mo sya, ok?" tumango ang dalaga ngunit nandon parin ang lungkot sa mga mata nito.
Elise.
Bumalik ako sa villa na wala sa sarili, iniisip ko parin ang mga pwede kong gawin para matulungan si Hans, kung ibenta ko kaya ang Velle? pero kahit ibenta ko ang gallery hindi naman iyon sasapat, hindi naman gaanong kalakihan ang gallery ko, i was stunned nang may sumalubong at biglang yumakap sa akin, hindi ko sya napansin na papalapit sa akin dahil sa lalim ng iniisip ko. "Where did you go? Pinagalala mo 'ko akala ko iniwan mo nanaman ako, akala ko umalis ka nanaman." habang nakayakap sa akin, i bit my lip, nangingilid ang luha sa mga mata ko.
Hinarap nya ko sa kanya habang hawak ang dalawang balikat ko, punong puno ng pagaalala ang mga mata nya, kita ko rin ang pagod at lungkot sa mga ito, "I love you." sambit ko habang nakadampi ang palad ko sa pisngi nya.
"I love you too Elise, wag ka ng aalis ng hindi nagsasabi sa akin,ok?" tumango lang ako at muli ko syang niyakap.
Nakayakap sa 'kin si Hans habang nakahiga kame sa kama,"I have a business trip tomorrow." umangat ang ulo nito at umayos ng higa saka hinawakan ang kamay ko. "And you will come with me,right?" dugtong nito, sandali akong natahimik at di kaagad nakasagot,"Ahm, I can't.. may importante akong gagawin sa gallery, hindi kita masasamahan." lumungkot ang muka nito ng marinig ang sinabi ko, hinawakan ko ang pisngi nya at pilit na ngumiti.
"I'll wait for you, i'm going to miss you kaya bumalik ka kaagad,ok?" NIyakap ko sya at napapikit, hindi ako pwedeng sumama dahil kailangan ko munang ibenta ang gallery para ibigay sa kanya ang pera, i want to do something for him, and i will do anything whatever it takes, dahil mahal na mahal ko si Hans.