Episode 9: Should I walk away? Again?

1098 Words
Kinuha nya ang baso na hawak ko at tinabi iyon, binuhat nya ako papasok sa loob ng silid at hiniga sa kama,sandali nya akong tinitigan sa mata,halos matunaw ako sa pagkakatitig nya,ang bilis ng t***k ng puso ko at unti unting dumadaloy ang init sa buo kong katawan,  “Promise me,that won't leave me again.” Halos pabulong nitong sambit.  Tumango ako bilang pag sangayon sa kanya, muli nya akong hinalikan ngunit hindi katulad ng una, agresibo at malalim na halik ang binigay nya,sumabay ako sa bawat halik na binabato nya sa akin,ang kanyang mga kamay ay humahaplos sa buo kong katawan dahilan para maglikha ako ng ungol, nang magsawa sya ay binaba nya ang kanyang halik sa aking leeg habang unti unti nyang tinatanggal ang aking dress,hinubad nya ang kanyang pantaas at sunod na tinanggal ang hook ng aking bra habang hinahalikan ang aking dibdib,hindi ko na napigilan pa ang ungol na lumabas sa aking bibig dahil sa sensasyon na nararamdaman ko sa bawat paghaplos at paghalik nya sa aking katawan,sumunod ako sa bawat sabihin nya at dahil ito ang unang beses na gagawin ko ang bagay na ito,hindi ko maiwasang mahiya,ngunit nadadala ako sa bawat halik nya at kusang kumikilos ang katawan ko sa bawat pagtaas baba ng kanyang katawan. Ang gabing iyon ang isa sa pinakamasayang sandali ng aking buhay, nagising ako na masakit ang aking katawan,umupo ako sa kama at napansin na wala si Hans sa tabi ko,  kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may text message sya sakin. May urgent meeting sya sa office kaya kailangan nyang umalis,paglabas ko ng kwarto ay dumeretso ako sa kusina,sinalubong naman ako ng kasambahay nya na si Ms. Lidya.  “Ms. Elise gising na po pala kayo,hinanda ko na ang breakfast nyo.” Umupo ako sa dining at nginitian lang ito.  “Bilin ni Sr Hans wag daw kayong umalis dito,babalik din sya kaagad.” Dugtong nito.  “Talaga? Thank you.”tugon ko, pagkatapos kong kumaen ay nagikot ikot ako sa buong bahay,naalala ko si Charles kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya,pero hindi ito sumasagot,siguro ay busy sya sa office kaya hindi sya sumasagot sa tawag ko. Maya maya ay tumawag si Hans sa akin,ngumiti ako bago sinagot ang phone. “How are you?”bungad nito. “Im fine,anong oras ka uuwe?”tanong ko. “After my meeting uuwe nako”sambit nito.  “Ok,ingat sa pagdadrive.”sabay baba ng phone,nagpasya akong magluto ng pagkaen para sa paguwe ni Hans meron syang kakainin.  Habang nagluluto,biglang may nagdoor bell,sinabihan ko ang kasambahay na ako na ang magbubukas ng pinto at ipagpatuloy na lamang ang ginagawa,excited akong buksan ang pinto dahil ineexpect kong si Hans na iyon,pero nawala ang ngiti at saya sa muka ko ng Makita ko kung sino ang nasa labas,si Cindy.. hindi ko inaasahan na pupunta sya dito,alam na nya kaya na nagbalikan na kame ni Hans?? Pano nyang nalaman na nandito rin ako?gulong gulo man ang isip ko ay nginitian ko sya at pinapasok sa loob.  “This is a nice house,ngayon ko lang nalaman na may ganito palang property si Hans.” Sambit nito habang papalapit sa sofa,umupo sya at tumingin sa akin. ”Ahm, wala dito si Hans.”sambit ko. “Ikaw talaga ang pakay ko at hindi si Hans.”sambit nito habang nakangiti.  Dinalhan kame ng maiinom ni ms lidya at umupo nako sa sofa. ”Anong kailangan mo sa akin?”sambit ko na may seryosong expression sa muka. “I saw Hans misery, nandon ako nung iniwan mo sya,nung halos gumuho ang mundo nya ng dahil sayo.”Sambit nito na may seryosong expression,alam ko kung ano ang gusto nyang iparating sa akin. Gusto nyang ipamuka kung gaano ko nasaktan si Hans noon na pinagsisisihan ko hanggang ngayon.  “Cindy,hindi mo na kailangan sabihin pa sa akin ang mga yan,nagusap na kame ni Hans tungkol sa bagay na yan.”sambit ko. “Gaano ka kasigurado na seryoso sayo si Hans? Hindi mo ba naiisip na baka ginagantihan ka lang nya dahil sa ginawa mo sa kanya?”Mariin nitong sambit na may pagtaas pa ng kilay,napaawang ang labi ko sa tinuran nya,at napahawak ng mahigpit sa couch na inuupuan ko. Tumayo sya at nilibot ang paningin sa buong sala,  “Anong ibig mong sabihin? Mahal ako ni Hans kaya sya bumalik sa 'kin.” Halos garalgal kong tugon. Nang mga oras na iyon ay hindi nako mapalagay at sobrang kinakabahan,ang bilis ng t***k ng puso ko, talaga bang gumaganti lang si Hans sa kin? Lahat bang pinakita nya ay hindi totoo? Alam kong hindi dapat ako naniniwala kay Cindy dahil alam kong gusto nya si Hans at ayaw nyang magkaayos kame. “Think about it Elise,after what you did 7 years ago? Basta ka nalang pinatawad ni Hans?”Muli nitong sambit habang nakahawak sa sandalan ng sofa. “Mahal ako ni Hans,mahal naming ang isa't isa at pinatawad nya nako sa pagiwan ko sa kanya noon.”Giit ko sa kanya,noon ay tumataas na ang boses ko at hindi na mapalagay ang isip ko.  “Talaga? Alam mo bang may malaking problema ngayon ang company ni Hans? He has a case of embezzlement,lahat ng board of director at investors ay sya ang pinaghihinalaan,at ngayon kailangan nya ng malaking pera para masettle ang nawawalang funds.”sambit nito. “Ano?”Tuluyan ng naguluhan ang isip ko,wala akong alam sa business ni Hans,at hindi ko rin alam na may malaki syang problema,kaya ba sya naglasing nong pumunta sya sa bahay ko? “Hindi mo alam? Akala ko ba seryoso ang relasyon nyong dalawa?”sambit nito. “Marami kapang hindi nalalaman,Elise.. higit sa lahat,hindi mo sya matutulugan kapag may problema sya,anong magagawa mo para sa kanya?” Biglang nagbalik ang alaala ko nung panahong kinausap ako ng mama ni Hans na hinawalayan na ito,ganito rin ang mga sinabi nya sa akin at dahilan para layuan ko sya.  “Hindi,pero alam kong makakayanan ni Hans yon,nandito lang ako sa tabi nya kapag kailangan nya ako.”tugon ko.  “Pero, wala ka paring ibang magagawa kundi maghintay sa kanya dito sa malaking bahay..wala kang magagawang tulong kundi ang pasayahin lang sya sa kama.”sambit nito.  Noon ay kumunot na ang noo ko at tumayo sa kinauupuan ko,hindi ko na nagustuhan ang sinabi nyang iyon. “Sumosobra kana!” Pasigaw kong tugon.. hindi ko na nagugustuhan pa ang mga lumalabas sa bibig ni Cindy. “My father is willing to help Hans right away,para nya nang anak si Hans,at hindi sya papayag na maagrabyado ang son in law nya.”sambit nito na nakangiti pa habang nakatingin sa akin. “What do you mean?”Tugon ko,  “In one condition,kailangan nyang maging kapamilya ang Xiang Family, you know, the rules of businessman.. lahat ng bagay may kapalit,Elise.”sambit nito. “Hindi magpapakasal sayo si Hans,ako ang mahal nya ako ang pakakasalan nya.”giit ko dito.  “Really? Hmm.. we’ll see,Elise.. tingnan natin kung sino ang pipiliin ni Hans, ikaw? O ang Company nya na buong buhay nyang pinaghirapang maitayo.”Dugtong pa nito.  Napaupo ako sa sofa at halos manghina sa mga naririnig ko,natulala nalang ako at nakatingin sa sahig. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD