Episode 8: Here to Heart

1073 Words
“Im sorry,im sorry..” Yun nalang ang mga sumunod na lumabas sa bibig ko,wala na akong ibang masabi pa,niyakap ako ni Hans at don nako humagulgol ng iyak. “Elise,” kumawala sya sa pagkakayakap sa akin at kinupkop ng palad nya ang muka ko. “That’s all in the past, we can start over, I love you.”ngumiti ako sa kanya bago sumagot, “I love you too.” At niyakap syang muli.   A/N. "What?!" Bulalas ni Charles habang kausap si Cindy sa isang restaurant. "Kasama ni Hans si Elise sa bahay niya." Seryosong sambit nito. "I think we need to proceed to our plan, Charles. We need to do something before it's too late." Dugtong nito.  "Hindi tama 'tong gagawin natin Cindy, paano kung malaman ni Hans ang lahat?"  "He'll never know, unless sasabihin natin, i have my ways Charles Zhang. Just help me and everything will be fine, makukuha ko si Hans at sayo si Elise." Nakangiti nitong sambit. Sumandal si Charles sa upuan ska binaling ang tingin sa labas at sandali pang nagisip. "Just make sure na hindi masasaktan si Elise." Aniya, ngumiti pa ng bahagya ang dalaga saka inangat ang isang baso ng wine bago sumagot. "Just trust me." Elise. Lumipat ako sa bahay ni Hans, I decided to go back to Hans at kausapin si Charles tungkol sa relasyon namin. Alam kong masasaktan ko si Charles sa gagawin ko,pero.. 7 years is enough for us,pinuntahan ako ni Charles paggaling nya ng Macau at nagusap kame sa isang restaurant. “Im sorry.” Sambit ko. “You know that I did everything to protect you.”Seryoso nitong tugon habang nakatingin sa akin. “I know, at nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo para sa akin,Charles, ikaw ang isa sa pinakaimportanteng tao para sa akin.”Sambit ko. “Pero,kahit na anong gawin ko,hindi mo parin ako magawang mahalin,Elise..”hinawakan nya ang kamay ko na noon ay nakapatong sa lamesa.  “All I want is,you to be happy, I did everything I can para mapasaya ka,you know how much I loved you..” “Charles..” nakita ko ang lungkot sa mga mata nito, may kung anong humaplos sa puso ko, napakabuting tao ni Charles, deserve nya ang maging Masaya at makahanap ng taong magmamahal sa kanya ng totoo, taong kayang suklian o higitan pa ang pagmamahal na kaya nyang ibigay. “And I also know that you will never love me,dahil alam kong sya ang laman ng puso mo,”Sambit nito,nangingilid na ang luha sa mga mata ko,ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Charles sa mga oras na iyon,pero wala akong magawa.  “I know this time will come,at hinanda ko na ang sarili ko para sa oras na to,Elise.. I want you to be happy, I want you to be brave enough na ipaglaban yung nararamdaman mo kay Hans, Elise.. pinapalaya na kita.”aniya, at ngumiti ng bahagya kasabay niyon ay hinalikan nya ang kamay ko. “Pero,sa oras na malaman kong sinaktan ka ni Hans,gagawin ko ang lahat para mabawi kita sa kanya,understood?” sambit nito,napangiti ako at tumango sa kanya,bilang pagsang ayon. “By the way,I have an appointment,I need to go,call me if you need anything ok?”sambit nito. “Ok,thank you Charles.”tugon ko habang nakangiti. “You deserve to be happy.”muli nitong sambit bago tuluyang umalis. Bago ako umalis ng restaurant tumawag sa akin si Hans. ”Nasan ka?” Sambit nito.  “Nandito pako sa restaurant malapit sa office.” “Susunduin kita,wait me there ok?” “Ok.” Sambit ko. Im worried about Charles,alam kong nasaktan ko sya ng sobra dahil sa ginawa ko,hindi ko alam pero I felt uneasy, he’s my only friend,ayokong mawala sya sakin. Nakatayo ako sa labas ng restaurant,nang may sasakyan na huminto sa harap ko,lumabas si Hans galing dito at niyakap ako,nakangiti naman ako habang nakatingin sa kanya,sobrang saya ang nararamdaman ko kapag magkasama kame,matagal ko ng hinintay ang mga sandaling iyon,at ngayon na nangyayari na ay hindi parin ako makapaniwala. Pinagbuksan nya ako ng pinto at sumakay na sa sasakyan. “San ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang nasa byahe. “You’ll see.” Then smirked, my heart beats fast at naginit ang pisngi ko, his smile is enough to make my heart fluttered. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon,walang pagsidlan ang saya na nasa puso ko. Bumaba ako ng sasakyan ng makarating kame sa isang villa, malawak ang labas nito,may malaking gate at may fountain sa gitna ng entrada. Namangha ako sa ganda ng bahay,sumalubong sa amin ang isang kasambahay.  “Sir Hans,nandito na po pala kayo.” Bati nito sa amin,  “Nakaready nab a ang lahat?” tanong nito sa kasambahay,  “Yes po.” Nginitian ko sya at gumanti naman ito ng ngiti sa akin, pumasok kame sa loob at inikot ko ang aking paningin sa mga desenyo at furnitures ng bahay,sobrang ganda.  “Is this yours?” tanong ko kay Hans na noon pala ay nakatitig sa akin.  Hinawakan nya ang dalawa kong kamay bago sumagot,  “This is our home” Sambit nito,napangiti ako at hindi na nakasagot,halos mangamatis nanaman ang pisngi ko dahil sa narinig ko. Pumunta kame sa masters bedroom na may access sa pool area,punong puno ng petals ang bawal madaanan naming sa silid at sa may gilid ng pool ay may nakaset up na table ang romantic ng vibe ng lugar,may candle light sa buong paligid at sweet music, inalalayan nya ako para makaupo at saka naupo narin sya sa harap ko.  “Do you like it?” Tanong nito.  Tumango ako at di maalis ang ngiti sa mga labi ko. “Ang ganda,sobrang saya ko Hans, thank you.” Sambit ko habang nakatingin sa kanya.  “Noon pa man,inimagine ko na ang gabing to.”Tugon nya,saka hinawakan ang kamay ko. “I love you,Elise.”sambit nito, halos mangiyak ngiyak ako sa sinabi nyang iyon. Kumaen kame at uminom ng wine habang nagkekwentuhan ng gabing iyon, nakaupo kame sa gilid ng pool while holding each others hands. ”Did you know that self portrait is all about you?” sambit ko at tumingin sa kanya.  “Kaya pala ganon nalang kaimportante sayo ang painting na yon.” Tugon nito.  “Hans, Im sorry for leaving you,that day, pinuntahan ako ni tita at sinabi sa akin na mas magiging maganda ang future nating dalawa kung makikipaghiwalay ako sayo,hindi ako pumayag nung una,pero.. naisip kong tama ang mama mo,magiging pabigat lang ako sayo,isa pa.. wala akong kayang ibigay sayo nung mga panahon na yon,kaya mas pinili ko nalang na umalis.”  Sambit ko habang nakatingin sa kanya. Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan,sa wakas nasabi ko na sa kanya ang mga nangyare,magaan na ang pakiramdam ko na nasabi ko ang lahat ng iyon sa kanya. Pinunasan nya ang luha ko gamit ang kanyang kamay saka ako hinalikan ng marahan at may pagiingat,di nagtagal ay sumasabay narin ang mga labi ko sa bawat paggalaw nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD