Hans.
Ang huli ko nalang na naalala nung nagising ako ay nasa taxi ako.
Pagkatapos non ay wala na,nagising nalang ako na nasa bahay nako ni Elise,sobrang sakit ng ulo ko,nakita ko syang nagluluto sa kusina hindi ko alam na magaling pala syang magluto.
Nagtataka man ay gusto ko ang nangyayare, ito ang unang beses na kumaen kame ng sabay ni Elise na walang tensyon sa pagitan naming dalawa, umupo ako sa sofa at sumandal dito.
“She said that I should stay here,kung ganon.. Hihintayin ko nalang syang makauwe.” bulong ko sa sarili habang nakangiti. Maya maya pa ay may narecieve akong text message galing sa kanya.
*May gamot dyan sa side table in my room,inumin mo. Para mawala ang hang over mo.* Elise
*Are you at work? What time will you go home? I’ll wait for you* Hans
I replied, I keep on smiling while looking at my phone and waiting for her reply.
*right after my work,just rest ok.* Elise
Abot hanggang tenga ang ngiti ko ng mga oras na iyon,should I pretend to be sick so she won’t expel me? Pumasok ako sa kwarto ni Elise, her room was just like her,it smells like her too.
Lumapit ako sa side table at binuksan ang drawer nito para kunin ang gamot,pagbukas ko,nakita ko ang music box na niregalo ko sa kanya noon,hanggang ngayon nasa kanya parin ito muka ng luma ang music box kaya hindi ko inaasahan na gagana pa ito pagbukas ko.
Muli kong naalala kung gaano kame kasaya ni Elise noon,kung gaano naming kamahal ang isat-isa. Kung hindi kame naghiwalay, siguro ay Masaya parin kame hanggang ngayon, ngayon alam ko na ang sagot, gagawin ko ang lahat bumalik lang sya sa akin. Binalik ko ang music box at kinuha ang gamot saka lumabas na ng kwarto.
A/N.
Samantala, nang dumating si Andrew sa office tinanong nito si Mr. Guo kung pumasok si Hans,
”Where’s Hans?” He asked with a baritone voice.
“He’s not yet here sir,may mga papers na nga pong nakapila dahil kailangan ng pirma nya.”sambit nito,habang nagaayos ng mga papel sa table.
Kumunot ang noo ni Andrew at nagtataka dahil ngayon lang nangyare na nalate si Hans sa office,kaya kinuha nya ang phone nya at tinawagan si ito. “
Where are you?”Bungad nito.
“Nandito ako sa bahay ni Elise.”Aniya.
“Elise?!!” Bulalas nito,”Are you out of your mind?bakit nandyan ka?anong ginagawa mo dyan?” Dugtong niya na may halong pagaalala sa boses. “I don’t know, mahabang storya,by the way hows the office?”
“Were good,may mga papers ka lang na kailangang pirmahan dito.”
“Ok,bukas ko nalang yan pipirmahan,ikaw na muna ang bahala dyan. Update me.” Sabay baba ng phone. Napailing nalang ang kaibigan,ng pabalik na sya sa office nya nagulat sya ng bumungad sa harap nya si Cindy,nanlaki ang mga mata nito na para bang nakakita ng multo.
“Andrew ,para kang nakakita ng multo,are you ok?”Natatawa nitong sambit.
“Ahm.. Cindy,anong..ginagawa mo dito? Utal at natataranta nitong tanong sa dalaga.
“Nandyan ba si Hans?galing ako sa bahay nya pero walang sumasagot.” Sambit nito.
“Ha? Ahm,si Hans??.. Ano wala sya dito eh.. ano kase,may meeting sya sa labas with new client.” Palusot nito,halos maligo sya sa butil butil na pawis dahil sa kaba at nerbyos na nararamdaman nya.
"Really? at kailan pa umattend ng meeting si Hans nang hindi ka kasama?" Mataray na sambit nito, she tilted her head and waiting for him to answer.
"Ok, wala na akong magagawa, nandun si Hans sa bahay ni Elise ngayon." He replied and bit his lip, napakamot pa sa ulo dahil sa pagaalala. Bumagsak ang balikat ni Cindy at napaangat pa ang labi.
"Sila na ba ulit?" Mahinang tanong nito. "No, ahm.. I mean, I don't know, mabuti pa si Hans nalang ang kausapin mo. I-i have to go." Aniya, saka nagmamadaling umalis, hinawi ni Cindy ang buhok saka napabuntong hininga.
Kinuha nya ang phone nya sa bag saka may tinawagan.
"Hello, nasaan kana?"
Elise.
Kahit nasa office ako,nasa bahay ang utak ko. Iniisip ko kasi kung ano na kayang ginagawa ni Hans, o baka umalis na sya sa bahay,maya maya pa ay tumawag sa akin si Charles.
“Hello?” Sagot ko.
“Kamusta dyan? Ok ka lang ba?” Tanong nito.
“Ok lang ako dito,don’t worry,kamusta ang meeting?” Sambit ko.
“Well,everythings go smoothly,after this,makakabalik na tayo ng Madrid.” Masiglang sambit nito,hindi ako agad nakasagot at bahagyang nalungkot dahil muli nanaman akong aalis.
“Hello? Elise? Nandyan ka pa ba?” Tanong nito.
“Ah,oo nagddrive kase ako,I’ll call you later ok?” Sambit ko.
“Ok,take care,bye.” Aniya, sabay baba ng phone.
Pagdating ko ng bahay,naabutan ko na nagluluto si Hans,
”Oh,you still here?” Bungad ko habang nilalapag sa sofa ang coat at bag ko.
“Sabi mo magstay lang ako dito,by the way.. Come here, I cook your favorite dish.” Nakangiti nitong sambit.
Lumapit ako sa lamesa at nakita ang mga niluto nito na halos mapuno na ang buong lamesa sa dami ng pagkain. “Inubos mo ba yung laman ng ref ko?” Pabiro kong sambit.
“Hindi ko kase alam kung anong gusto mong kainin,pero lahat ng niluto ko favorite mo.” Sambit nito habang papalapit sa lamesa. “Ok,pero im sure hindi ko to mauubos.”
Tahimik si Hans habang kumakaen,tila ba nakikiramdam sa akin.
“Thank you.”
“Im sorry.”
Sabay naming nasambit,at nagtawanan sa isat isa.. “Teka, bakit sorry?” Tanong ko. Bahagyang sumeryoso ang muka nya.
“Dahil hindi kita pinigilang umalis,siguro kung pinigilan kita noon,baka hindi ganito ang nangyare.” Sambit nito.
“Hans,matagal ng nangyare yon, isa pa wala ng dahilan pa para balikan pa ang mga nangyare na.” Tugon ko.
Noon ay tumitig sya sa akin,ngayon ko nalang muling makitang tumitig sa akin ng ganon si Hans,matagal narin simula ng magusap kame ng ganon kaseryoso. Hindi ko alam kung anong dapat kong itugon na reaksyon kaya tumayo ako at tumalikod sa kanya. I gasped.
“Ganun lang ba kadali sayo ang lahat? Hindi mo ba sineryoso ang relasyon natin noon kaya ganon mo nalang ako kadaling iwan?”Aniya. Napaawang ang labi ko sa narinig ko. Sandali ko pang kinalma ang sarili bago humarap sa kanya at tumugon.
“Hans,tama na.. pagod ako, mabuti pa umuwi kana.” Sa dami ng gusto kong sabihin,yun lang ang lumabas sa bibig ko,gusto ko man magpaliwanag,pero.. para saan pa? para ano?
“Palagi mo nalang akong tinatalikuran,nung namatay si mama,ilang beses akong nakiusap na kausapin mo ako,pero hindi ka nakinig sa akin hindi ka nagreply sa mga message ko.”Sambit nito,
Kumunot ang noo ko at nagtataka sa mga sinasabi nito dahil simula ng makarating ako sa Madrid ay wala na kameng naging komunikasyon,naghintay ako ng mga tawag at message nya pero ni isa wala akong natatanggap.
“Anong ibig mong sabihin? Kelan namatay si Tita? Hindi ko alam.” Sunod sunod kong pahayag,naguguluhan na ako sa mga nagyayari,ang alam ko lang ay nung umalis ako,hindi nya na rin ako kinausap pa.
7 years ago.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Elise. Layuan mo na ang anak ko, layuan mo na si Hans." Sambit nito, natulala ako sa sinabi ni Tita Ysabelle sa akin, pilit kong iniintindi ang mga sinasabi nito.
"A-ano po bang problema tita? M-may mali po ba akong nagawa?" Utal kong sambit, ramdam ko na ang panunubig ng mata ko ng mga oras na iyon. "Alam mo Elise, gusto kita, actually napakabait mong bata, ikaw ang ideal daugther-in-law na gusto ko para kay Hans. Pero.. alalahanin nating pareho ang pangarap ni Hans, he just established his own company, at marami pa syang hirap na pagdadaanan, at ayokong mangyari yon, i want him to find someone else na makakatulong sa kanya sa business." Tugon nito.
"P-pero tita, pwede naman kaming magtulungan ni Hans." Nakakunot noo kong sambit.
"How? Do you have money? do you have connections para makatulong sa business ni Hans?" Parehong bumagsak ang balikat ko at binaba ang tingin, agad na lumandas sa pisngi ko ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.
"Pero tita, hindi ko po kayang iwan si Hans."
"Elise, ito nalang ang natitirang paraan para matulungan mo si Hans, kung talagang mahal mo siya, gagawin mo ang lahat para sa ikakabuti nya."
Agad na lumandas sa pisngi ko ang mga luha nang muli kong maalala ang tagpong iyon, Napatingin ako kay Hans saka tinakpan pa ng palad ang bibig ko.
”Ilang beses kitang sinubukang kontakin,pero hindi ka sumagot kahit isa sa mga message ko.” Patuloy nito.”Sinubukan din kitang sundan sa Madrid pero nakita kitang kasama si Charles,Masaya kayo,kaya simula non,pinilit kong kalimutan ka.”Aniya, nakita ko ang lungkot sa mga mata nya, hindi ko alam, ‘di ko alam ang mga paghihirap nya pagkatapos ko syang iwan.
Lumapit ako kay Hans at tumayo ito saka hinawakan ang kamay ko. “Pero hindi na mahalaga yon,alam kong mahal mo parin ako,nakita ko yung music box sa kwarto mo,hanggang ngayon tinatago mo parin yon.”
“Im sorry..h-hindi ko alam ang mga nangyare,hindi ko alam na namatay si tita pagalis ko,hindi ko alam na nasaktan kita ng sobra sobra.” Sambit ko habang umiiyak,hindi ko na napigilan ang emosyon ko at tuluyan ng naluha,hindi ko alam ang mga pinagdaanan ni Hans nung umalis ako,tama sya selfish ako,inisip ko lang ang sarili ko,ako lang ang nagdesisyon para sa aming dalawa,hindi ko inisip ang nararamdaman nya.