Episode 6: Untamed Love

806 Words
“Hans,all this time si Cindy ang nandyan para sayo, matagal na syang naghihintay,bakit hindi mo parin magawang kalimutan si Elise? May boyfriend na sya,ibig sabihin matagal ka na nyang kinalimutan.” Sambit nito bago ininom ang rhum na nasa baso nya. Ako nalang ba ang hindi pa nakakawala sa nakaraan? Kinalimutan mo naba tlga ako,Elise? Tumayo ako ngunit biglang umikot ang paningin ko at muntikan ng matumba,inalalayan naman ako ni Andrew. ”Ok ka lang ba? Mukang lasing kana,halika ihahatid na kita.” Sambit nito habang hawak ako sa braso. “No,im ok, umuwi ka na. I think I need to find the answer now,”   Alam kong marami na akong nainom at medyo nahihilo na pero kailangan kong makausap si Elise para matapos na ang lahat ng ito.  Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng bar,pilit man akong pigilan ni Andrew pero wala rin syang nagawa,kahit hilo na ay nagawa ko pang pumara ng taxi. Ilang oras lang ay nakarating na ako sa bahay ni Elise, lumabas ako ng taxi at lumapit sa gate, ilang beses kong pinindot ang doorbell nang hindi pa sya lumabas ay kinatok ko na ang pinto at halos masira ko na ito dahil sa lakas ng paghampas ko dito.  Maya maya pa ay bumukas ang pinto at tumambad sa harap ko ang isang maamong muka. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at agad ko syang niyakap.   Elise. 2am na ng madaling araw ngunit di parin ako madalaw ng antok,nagpaalam sa akin si Charles na ilang araw syang mawawala,dahil may business trip sila ng client nya sa Macau, nagdesisyon akong pumunta sa office room at magpaint nalang,papunta na sana ako doon ng marinig kong may nagdoor bell sa labas, nagtataka ako at kinakabahan dahil sino naman ang bibisita sa akin ng ganitong oras?  Para makasiguro na hindi ito masamang tao,o magnanakaw, tiningnan ko ang screen ng security cam ko at nakita ko si Hans na tila ba lasing na lasing at halos sirain ang gate ng bahay ko.  Dahil hindi ko inaasahan na makikita ko sya sa tapat ng bahay ko ng ganitong oras ay,nawaglit sa isipan kong pagbuksan sya ng pinto.  Pumunta ako sa gate at ng buksan ko iyon ay niyakap nya ako ng napakahigpit, napangawang pa ang bibig ko nang maamoy ko ang alak sa katawan nya marahil ay marami itong nainom.  “Hans,anong ginagawa mo dito?”  Sambit ko pa,habang sya ay nakayakap parin sa akin. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya dahil sa kalasingan, inalalayan ko na lamang sya papasok sa loob ng bahay at inihiga sa sofa.  Ngayon ko lang sya nakitang ganon kalasing at halos hindi makausap, umupo ako sa sahig at nagaalalang nakatitig sa kanya.  “Ano bang gumugulo sa isip mo? Kung mahal mo ako,diba dapat pigilan mo ang pagalis ko?bakit mo kailangan gawin to sa sarili mo?” Pabulong kong sambit habang hinahawi ang buhok nito. Kumuha ako ng towel,at maligamgam na tubig saka ipinunas sa muka nya at braso,pagkatapos ay iniwan ko na sya sa sofa at pumasok nako sa kwarto para magpahinga. Wala akong ibang hiling kundi ang makasama sya,ang alagaan sya sa mga panahong kailangan nya ako,ang Makita syang Masaya habang nasa tabi ko.  Pero, tingin ko,hindi yon ang nasa isip nya, alam kong hindi na ako kasama sa mga plano nya at hindi na ako ang gusto nyang makasama. Kinabukasan ay maaga akong gumising,sakto at hindi pa sya nagigising may oras pako para magluto ng makakain nya kapag  nagising na sya.  Hindi ko maiwasang ngumiti kapag napapatingin ako sa kanya na noon ay mahimbing na natutulog sa sofa, hindi parin sya nagbabago,parang mantika parin sya kung matulog. Naghain ako ng soup at iba pang side dishes na magandang kainin kapag may hangover,habang ginagawa ko iyon ay nagising naman sya,umupo sya at hinawakan ang kanyang ulo,siguro ay masakit ito dahil sa dami ng nainom nyang alak. “Gising kana?” tanong ko,habang nakatingin sa kanya. “Elise? Anong.. ginagawa ko dito?” Tugon nito na noon ay iniinda ang sakit ng ulo. “Ako ang dapat na magtanong sayo nyan,but you should eat first,lalamig na yung soup.”  Sabay talikod at kinuha ang iba pang pagkaen sa lutuan.  Lumapit naman sya sa lamesa saka umupo.  Maya maya pa ay sumunod narin ako at umupo sa katapat nyang upuan. Habang kumakaen at napapansin ko syang palihim na sumusulyap sa akin,alam kong marami syang gustong sabihin at gustong itanong sa akin.  “Ahm,Im sorry for the inconvenience,hindi ko rin alam kung bakit ako nagpunta dito kagabi sa sobrang kalasingan.” Sambit nito with a calm voice. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, ”Hindi lang yon ang ginawa mo kagabi.”tugon ko.  Nakita ko ang pagtataka sa muka nya, ”Hindi mo ba naaalala?” Dugtong ko. Noon ay kumunot ang noo nya at nagisip. “Nevermind,hindi naman importante yon,malalate nako sa office,kailangan ko ng umalis,just stay here. I think you need to rest.” kinuha ko ang bag at coat ko na nasa sofa at saka lumabas na ng bahay,nakatingin lang sya sa akin habang papalabas ako,hindi ko mapigilang ngumiti at matawa sa mga reaksyon nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD