Episode 12: Lost

661 Words
Everyone looks happy, lahat ng mga business partners ng Zhuo at Xiang family ay nandon sa simbahan. Kasama ang ilang kaibigan, Hans looks handsome on his white tuxedo, he was patiently waiting for his lovely bride that was walking down the aisle, Cindy keeps on smiling at napakaganda sa suot nitong bridal dress made by a Japanese designer, it was made from fine silk and satin, it features precious gemstones with intricate hand stitched zari embroidery. She looks stunning.  Madrid. Habang nagpapainting si Elise sa garden nilapitan sya ni Charles. "I have to go now, are you sure na ok lang dito?" tanong nito,bago umalis at pumasok sa office, ngumiti lang si Elise at saka tumango at muling tinuon ang pansin sa painting.  "I will sort some documents in the office,babalik din ako kaagad, tawagan mo ako, kapag may kailangan ka." saka umalis na.  Tumigil si Elise sa pagpapainting nang maramdamang nakaalis na si Charles, ilang buwan na syang nasa Madrid, she visit her doctor regularly para mamonitor ang mental heath nito. She's like a glass now, na pwedeng mabasag.  Maya maya pa ay biglang nagvibrate  ang phone nya, kumunot ang noo nya,may nagsend sa kanya ng mga wedding photo ni Hans at Cindy, muli nitong naramdaman ang sakit na iniinda at lalo pang lumala,bumaba taas ang dibdib nito at napatakip ng bibig, agad na rumagasa ang luha sa mga mata nya ng makita ang mga iyon. Para siyang baliw habang naglalakad sa kalsada habang hawak ang bote ng alak, nakatingin sa kawalan at hindi malaman kung saan tutungo. She's crying miserably,  habang si Charles naman ay nagaalala at kinakabahan habang hinahanap sya nang madatnan nyang wala ito sa bahay, nakita rin nya ang phone nito na naiwan sa garden, nakita nya ang mga pictures na sinend kay Elise, don ay nanlamig ang buo nyang katawan at matinding kaba ang naramdaman, agad syang naghanap sa buong lugar kung saan sila nakatira ngunit wala syang Elise na nakita. Binalikan nya ang kotse nya at pumunta kung saan posibleng pumunta si Elise. Hanggang sa mapansin nya ang kumpol ng mga tao sa dulo ng kalsada, may mangilan ngilan ding pulis at isang ambulansya, lumabas sya ng sasakyan at  para bang hinahatak sya nito na lumapit doon at makiusyoso. Hinawi nya ang mga tao na nanunuod at nakaharang sa dinadaanan nya, tulala at halos hindi sya makapaniwala nang makita nya si Elise na nakahiga sa stretcher duguan at walang malay, nagkalat pa sa simento ang basag basag na bote ng alak at sa tabi non ay ang isang kotse na sira ang harapan.  "Elise! Elise!" Sigaw nito habang nagmamadaling lumapit sa nakahigang si Elise. "Elise! gumising ka! Elise!," halos mapaos na sya kakasigaw sa pangalan nito,agad syang pumasok sa ambulansya ng ipasok ng mga first aide personnel si Elise. Hawak hawak nya ang kamay nito habang nagmamadali ang mga nurse na dalhin sya sa ICU, bumitaw lang ito nang nakapasok na sa loob at pagbawalan syang pumasok. Bakas sa muka nya ang pagaalala at halos suntukin nya ang pader sa galit, sinisisi nya ang sarili kung bakit iniwan nya si Elise, kung hindi sana sya umalis ay naiwasan ang pangyayaring ito.  Dumating ang doctor ni Elise na si Doctor Acker at pinapakalma si Charles.  3 Years later.. Beijing. "Hans?!" Bulalas nito habang nakatingin kay Hans na noon ay halos hindi na makalakad dahil sa kalasingan,habang inaakay ni Andrew. "What happened? bakit lasing na lasing nanaman sya?" dugtong nito. "Hindi ko sya mapigilan, di sya nakikinig sa akin." Habang akay akay nito si Hans sa pahiga sa kama.  "Thank you  Andrew, ako na bahala sa kanya, magingat ka pauwe." sambit nito, habang nagaalalang nakatingin sa walang malay na si Hans.  "Sige, aalis na ko. Ikaw nang bahala." tugon nito bago tumalikod at umalis na.  "Ano bang gagawin ko sayo? Ano pa bang pwede kong gawin para kalimutan mo ang babaeng 'yon?" pabulong nitong sambit habang nakadampi ang palad nito sa pisngi nya.  "Elise..Elise.." napaawang ang labi nya nang marinig nito ang sinambit ni Hans, tumayo siya at lumabas ng kwarto. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD