BS#4 TP C12 KATYA POV Tiniis ko ang sakit ng aking t’yan at dahan-dahan na maglakad papunta sa pinto. Kailangan kong humingi ng tulong, Dahil hindi ko na talaga matiis pa ang sakit. “M-may tao ba d’yan?!” Sigaw ko habang kinalampag ang pinto. “Kuya! Naririnig n’yo ba ako?! Buksan n’yo po ‘tong pinto pakiusap!!” Iyak kong sigaw habang patuloy na kinalampag ang pinto. “Parang-awa n’yo na! Buksan n’yo ang pinto!!” Muling sigaw ko habang hinawakan ko ang aking t’yan. “Anak… Kumapit ka lang kay mama…. Pakiusap… ‘Wag mo akong iwan…” Iyak kong wika habang hinahaplos ang aking t’yan. Napatayo ako ng bigla nalang bumukas ang pinto. “Anong nangyari sa ‘yo?” Tanong niya sa akin. “Kuya… Masakit po ang t’yan ko… Pakiusap tulungan mo po ako…” “Kung sa tingin mo maloloko mo ako nagkakamali ka

