BS#4 TP C13 KATYA POV Napansin kong matagal-tagal na na hindi pumunta rito si Sit Nico. Hindi ko naman maiwasan na magpasalamat dahil hindi na siya pumupunta rito. Hindi kasi ako makakaramdam ng takot kapag wala siya rito. Magdadalawang buwan na rin simula noong manganak ako, Kaya dalawang buwan na ang anak ko. Mabuti nalang at mabait iyong isang tauhan ni Sir Nico. Sinulat niya kasi at binigay sa akin ang pitsa noong pinanganak ko si Kevin. Nang marinig ko ang iyak ng anak ko, Ay tinigil ko muna ang paglilinis sa banyo. Gutom na siguro ito kaya nagising. Mabuti nalang din at kahit hindi pumupunta rito si Sir Nico, Ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang pagbibigay sa akin ng pagkain. Nang makalabas ako sa pinto ay natigilan ako ng makita kong may lalaking nakatayo sa harapan ni Kevin.

