BS#4 TP C14 KATYA POV Mabilis akong napatayo ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto. Dali-dali ko ring binuhat ang anak ko nang makita kong si Sir Nico ang pumasok. “Why are you always carrying him?” Singhal niya sa akin kaya dahan-dahan kong binaba si Kevin at binigay sa kanya ang takip ng bote, Para hindi siya iiyak. “Are you afraid that i hurt him?” Ngisi niyang wika, Kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot. “Alam mo bang masasaktan ko talaga ‘yan kapag hindi ka sumunod sa mga gusto ko?” Nanginginig naman ang aking mga kamay habang tumayo. “S-susunod naman po ako…” Mahina kong wika sa kanya. “Good.” Ngisi niyang wikang muli, Habang tiningnan ko ang anak ko. “Lumapit ka sa ‘kin.” Kahit labis ang kaba na nararamdaman ko ay agad akong lumapit sa kanya. “Naliligo ka ba?” Asik

