Nahihilong tulala ako habang hawak ni Theo ang bewang ko at inalalayan palabas ng club. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na nakita niya kami ni Castro sa ganoong posisyon. Napahinto ako sa paglalakad nang maalala ang kaibigan na sumasayaw kanina sa dance floor. Lasing na rin ang isang 'yon. "T-Tres, si Chelseah..." "Gus' here," aniya. "siya na ang bahala kay Chelseah." "Oh!" that was all I can say before I feel dizzy again. Humigpit ang hawak niya sa'kin. "Are you okay?" He asked, worriedly. "want me to carry you?" Pagod na umiling ako. "H-hindi na." "Let's get out of here." Wala na akong magawa nang makalabas na kami ng club at diretsong sumakay sa isang kotse. I am drunk but I'm sure that this is not his wrangler. "Arnold, sa penthouse ko," ma-awtoridad na sambit niya. Umi

