Gulat siyang tumingin sa'kin. "How dare you!" "How dare you throw those words to me when you didn't even know the truth!" madiin na sambit ko. Walang ekspresyon ang mukha. "Eh, bakit? Totoo naman na malandi ka! Inagaw mo sa'kin si Theo!" I scoffed. "Wala akong inaagaw sa'yo! In fact, Theo was mine to be begin with. Kahit kelan hindi siya naging sa'yo dahil akin siya simula noon hanggang ngayon. Ako ang minahal niya noon at ako pa rin ang mahal niya hanggang ngayon. Kahit kelan hindi ka niya minahal." "Nakita mo kung paano sumagot ang babaeng 'yan!" galit na sambit ni Mrs. Ravonte. "napakawalang hiya!" "Kayo po ang walang hiya!" hindi ko mapigilan na sumagot. "if you didn't threatened me before, hindi ko iiwan si Theo. Sinabi ko sa kanya na buntis ako noon pero tinago niyo 'yon para ma

