Habang gumagawa ng report para sa reporting bukas, naramdaman ko na naman ako ng pagkahilo. Hinilot ko ang sintido at tumigil saglit sa ginagawa. I closed my eyes as I started massaging my head nang maramdaman kong magsusuka na naman ako. Mabilis akong tumayo mula sa study table ko at tinungo ang banyo ng kwarto. Nanghihina ako habang sumusuka sa bowl ng toilet. I quickly stand up and fix myself bago tumingin sa salamin. Para akong zombie dahil mugto ang mata at may eye bags pa. Isang buwan simula ng umalis ako at walang araw na hindi ako umiyak. Laging mugto ang mga mata sa kaka-iyak, nahihilo, nagsusuka at malalim ang iniisip. I've been stressed out. Sa sobrang dami ba namang pangyayari sa buhay ko, ma-i-stress ka talaga. "Okay ka lang?" tanong ni Trevis nang makalabas ako mula sa ba

