Natagpuan ko sa kwarto naming mga babae si Chelseah na nakaupo sa kama niya habang may kausap sa telepono at ngiting-ngiti. "I said, I love you," she said, smiling. Nilibot ko ang paningin sa kwarto namin at napansin na wala si Lauren. Maybe she's with Trevis. Muli akong tumingin sa kaibigan ko na hindi man lang napansin ang presensya ko dahil sa kausap niya. At kahit hindi niya sabihin sa'kin, alam kong si Gus ang kausap niya She giggled. "Okay... don't miss me too much." Napataas ng kilay ko sa narinig at pumunta sa dalang bag. "Sus! Hindi mo pa aminin na miss mo na 'ko," napanguso siya pero may ngiti sa labi. "sige na. Ba-bye! Pasabi kay Jhewel, pagaling siya dahil may pasalubong ako sa kanya pag-uwi ko." She nodded her head bago pinatay ang tawag. Akala ko mapapansin na niya ak

