Maria's Pov Makalipas ang isang buwan na pagpapahinga at pagpapagaling, pinayagan na akong lumabas ng doctor sa hospital. "Sakin ka muna tumira. Ayokong maulit 'to sayo." "Ayokong makaabala sayo, Krause. Doon na lang ako kay mama." "Kahit kailan hindi ka naging abala sakin. Kung tutuusin, ako pa ang dapat sisihin na nangyari 'to sayo. Nadadamay ka na sa alitan ng angkan namin. Kaya sana pumayag ka na. Sakin ka na tumira.." "Salamat sa pag-aalala. Payag na ako..." Lahat nang pagmamahal na pinapakita mo sakin, alam kong para sa kambal ko iyon.. Hwag mo sanang isipin na pinaglalaruan ko ang damdamin mo. Kung alam mo lang, gustong-gusto ko na minamahal mo ako nang ganito.. Sana nga sakin ka na lang habambuhay.. "Ang magiging kwarto mo ay yung dating kwarto mo sa mansion ko.." sabi n

