Mariana(Maria)'s Pov Nakasalubong ko si Krause. Nakaramdam ako ng takot.. "Bakit umiiyak ka?" "W-wala." Sagot ko. Paalis na sana ako nang hawakan niya ako sa magkabilaang balikat ko. "Anong wala? Umiiyak ka para sa wala?" Tanong nito at napatingin siya sa dereksyon nila Jillean. Makikita niya rin ang babaeng kamukha ko.. "Siya ba? Siya ba ang nagpaiyak sayo?!" Galit na tanong nito. Napalingon din ako kay Jillean na hanggang ngayon ay nananatili paring nakatayo sa labas ng kotse nito. "Hindi siya.." nanginginig na sagot ko. "Anong hindi? Matagal na rin akong napipikon sa kanya!" Balak nyang sugurin si Jillean. Lalong gugulo kapag hinayaan ko iyon. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Tama na Krause. Walang kasalanan si Jillean. Masama lang ang pakiramdam ko kaya ako umiiyak

