Chapter 02

3737 Words
Mariana's Pov Sa buong byahe, magdamag akong umiiyak habang nakatingin sa labas ng bintana. Si Jillean.. sobrang nasaktan ko siya. Mas pinili ko ang devil Krause na 'to kumpara sa boyfriend ko. Napalingon ako kay krause na abalang nagmamaneho. Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya kanina.. Halos muntik na siyang makapatay.. Ganito ba talaga ang Boss ng mga mafia? Walang awa? "Krause.." sambit ko sa pangalan niya pero parang ayaw niyang makinig.. "Ano ba ang kasalanan ko saiyo? Bakit kailangan mong panghimasukan ang buhay ko? Please.. hayaan mo na ako. Simpleng babae lang ako para pag-aksayahan mo ng panahon..." Hininto niya ang pagda-drive at tumingin sakin. "Hindi ka simpleng babae para sakin.." " Pero sa mga mata mo, wala akong kwenta.." "Basura lang ang walang kwenta. Pero ikaw...., Higit pa sa kayamanan ang pagtingin ko saiyo.." Pagtingin...? Kaya ba siya ganito dahil may pagtingin siya sakin.. Ang puso ko, bigla na lang bumilis ang pagtibok... Hindi.. mali lang ako ng akala. Libangan lang ako para sa kanya. Nagawa niya parin saktan si Jillean.. "Hindi.. kung higit pa kayamanan ang tingin mo sakin, hindi mo sasaktan ang mga mahal ko. Hindi mo sana sinaktan si Jillean.." "Mas may karapatan ako kumpara kay Jillean.." "Hindi.. estranghero ka lang sa buhay ko.." pagdidiin ko sa kanya. Napangiti na lang siya.. "Nandito na tayo sa bahay niyo. Pwede ka nang bumaba.." Sa bahay niya ako hinatid? Akala ko dadalhin niya ako sa kung saan.. Nakita ko si mama sa labas ng pinto na tila may hinihintay. Bababa na ako. Binuksan ko ang pinto ng kotse pero pinigilan ako ni Krause at hinalikan ako. Pakiramdam ko huminto ang oras nang mga sandaling iyon. Pagkatapos ay may binulong siya sakin na nakakapagtaka.. Nang makababa ako, pinaandar na niya ang kotse niya at tuluyan na itong nawala sa paningin ko.. Anong ibig niyang sabihin kanina..? Na darating ang araw na malalaman ko kung sino siya sa buhay ko...? Nagkakilala na ba kami noon? -------------- Mariana's Pov Pagkapasok ko sa gate, sinalubong na agad ako ni mama. "Anak, anong oras na bakit ngayon ka lang nakauwi?" "Gumawa po ako ng project sa bahay ni Sabrina." Nagsisinungaling ko. " Gano'n ba? Sige, nagbihis ka na tapos bumaba ka para makakain." "Opo, Mama.." Pumasok kami sa bahay. Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay. Pagkababa ko, nakahanda na ang pagkain sa Mesa. Nakaupo na rin sila mama at Lola. Ako na lang ang hinihintay nila. Nagdasal kami bago kumain. Pagkatapos ay kumain na rin kami. Yung sinabi ni Krause kanina, totoo kayang may parte siya sa buhay ko? Napatingin ako kay mama. Wala namang mawawala kung magtatanong ako sa kanila.. "Mama, may itatanong po sana ako.." "Ano iyon?" "May naaalala po ba kayong isang lalake na naging kaibigan o naging bahagi ng buhay ko?" "Baka si Jillean iyan, apo?" "Hindi po.." "Lalake na naging bahagi ng buhay mo maliban kay Jillean? May nakilala ka ba?" Tanong ni Mama. "Opo.. Krause po ang pangalan niya.. masama po ugali niya at masama po siya sakin. Feeling niya pagmamay-ari niya ako e.." "Nagkita na pala kayo,anak?" Kinabahan ako sa sinabi ni mama. Bakit gano'n ang tanong niya? Kilala niya kaya si Krause? "Bakit Mama? Kilala mo ba siya?" Tanong ko habang ang puso ko ay parang sasabog na. "Oo, anak. Siya ang boyfriend mo noon.. dalawang taon din siyang nawala.." Pakiramdam ko napagkaisahan ako sa mga oras na ito. Ang lalakeng halos isipin ko na gustong sirain ang buhay ko ay bahagi pala ng buhay ko. Bakit? Bakit wala akong maalala? Bakit diko siya maalala? Ibig sabihin, totoo ang sinabi niyang 'mas may karapatan siya kumpara kay Jillean?' Pakiramdam ko, para akong nananaginip.. "Paano naman po nangyari 'yon? Kamakailan ko lang siya nakilala.." "Siya na lang ang tanungin mo, anak.."-mama. "Tama ang mama mo. Si Krause din ang tumulong para makalabas ng hospital ang mama mo. Mabait siya, apo.." "Bakit diko siya maalala, mama.? Ang taong iyon ay boss ng mafia!!!" Hinawakan ni mama ang balikat ko. Diko namalayan na lumuluha na pala ako. "Ang papa mo ay taga mafia rin, anak. dahil sa alitan ng mga mafia sa kabilang panig, parehas kayong nalagay sa panganib noon. Ikaw lang ang pinaka nasaktan at nawala ang alaala.." Nagka-amnesia ako? Natawa na lang ako dahil pwede palang mangyari 'yon? Sa tingin ko, si Krause na ang makakasagot sa iba ko pang katanungan.. Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone na ibinigay sakin ni Krause. Number niya lang at number ko ang naka-save dito. *Dial* *Ring* *Answer* "Bakit napatawag ka?" Tanong ni Krause sa kabilang linya. "Krause, mag-usap tayo.." "Kung tungkol iyan sa boyfriend mo, wala akong panahon makinig." "Hindi 'to tungkol kay Jillean. Tungkol 'to sa ating dalawa.. mag-usap tayo bukas sa school." "Pasensiya na. Hindi ako papasok. Marami akong gagawin. Kung gusto mo, ikaw ang pumunta sa bahay ko." Nakakainis.. Naging boyfriend ko ba talaga ang lalakeng 'to? Hindi gentleman. Hmptss!!! "S-sige.. bye.." Agad niyang ni-OFF ang phone niya.? Wala man lang Good bye too? Hay naku, asa pa ako.. Hindi naman niya alam ang salitang sweet. Ang alam niya lang ay maging Wild. Kung totoo ngang boyfriend ko siya noon, posible kayang ... Magkagusto ulit ako sa tulad niya??? Paano naman si Jillean kapag nangyari iyon? ............. Krause's Pov Papunta na ako sa kwarto ko nang makasalubong ko si kuya zekiel. Siya ang panganay samin. "Ginulo mo nanaman ba ang babaeng iyon? Bakit di mo na lang siya hayaan?" Si Mariana ang tinutukoy niya.. "Ayoko.. kinukuha ko lang ang akin.." "Talo ka na, Krause. Hindi ka na niya maalala." "Wala akong pakialam kung hindi niya ako maalala. Hinding-hindi ko siya ibibigay kay Jillean!!!" Si Jillean ang mortal kong karibal at kaaway sa buhay ni Mariana. Anak siya nang boss ng mafia, Na kalaban ng pamilya namin. ------------ Mariana's Pov Kinaumagahan, agad kong inayos ang sarili bago pumasok sa school. Pagkababa ko, nakahanda na ang agahan namin. Kung titingnan mo sila mama at Lola, parang wala lang ang nangyari kagabi. Na may amnesia pala ako at may devil na lalake pala na naging boyfriend ko noon.. Haysss.. Parang panaginip talaga.. "Good morning Mama at Lola." Pagbati ko sa kanila. "Kain na, anak." "Opo.." "Nakatulog ka ba nang mabuti, apo?" "Hindi po.. marami po kasing tanong ang gumugulo sa isip ko ngayon e.. lalo na po yung tungkol samin ni Krause.. " "Anak, di mo kailangang pwersahin ang sarili mo para maalala ang lahat.." "Pero mama, may isang tao ang hindi ko maalala. Bumabalik siya sa buhay ko. Higit sa lahat, naging boyfriend ko siya noon.. kaya dapat ko nang maalala ang lahat.. " Dapat bumalik ang alaala ko. Gagawin ko ito hindi lang para sakin, gagawin ko ito para sa taong mahal ko. Matagal ko siyang pinaghintay.. Kung papipiliin ako, si Jillean ang gusto kong makasama.. Pagkatapos kong kumain, pumasok na ako sa school. Nakarating ako Bago mag-bell. Iginala ko ang paningin ko, Totoo ngang hindi siya pumasok. "Mariana.." "Jillean..?" Halos magkasunod lang kami sa pagpasok. Agad niya akong niyakap. "Mabuti at Ayos ka lang. May ginawa ba ang taong iyon sayo?" Ramdam ko ang pag-aalala niya. Gumanti ako ng pagyakap sa kanya. Mas panatag ako sa kanya. "Okay lang ako. Hinatid niya din ako sa bahay kaya wala siyang ginawang masama.." "Mabuti naman." Hinawakan ko ang kamay niya at naupo kami. "May sasabihin sana ako saiyo." "Ano 'yon?" "Maniniwala ka kaya kapag sinabi ko sayo na nagka-amnesia ako?" Nanatili siyang tahimik kaya tinuloy ko ang sinasabi ko. "At yung classmate natin na si Krause, naging boyfriend ko noon.." "May nararamdaman ka pa ba para sa taong iyon..?" "Sempre wala. Pero naging boyfriend ko siya noon.." "Boyfriend mo lang siya noon. Ako na ang boyfriend mo ngayon.. Ang mahalaga ngayon ay kung sino ang mahal mo.." Tama siya.. Ang nakaraan ay nakaraan na. Ang mahalaga ngayon ay ang ngayon.. Si Jillean ang mahal ko.. At kahit konti, wala akong maalala o maramdaman na minahal ko nga noon ang Krause na iyon.. "Jillean, ikaw lang ang mahal ko.." "Ako din. Mahal din kita, Mariana.." Muli ko siyang niyakap. Tama, tatapusin ko ang nakaraan namin ni Krause.. ......... Kinahapunan, hindi na ako sumabay kay Jillean. Nagpaalam ako na dadaan ako sa bahay ni Sabrina. Ayokong mag-alala pa siya kaya nagsinungaling ako. Pupuntahan ko si Krause para kausapin. Pagdating sa gate ng mansion nila, pinapasok ako ng mga tao niya. "Sumunod po kayo sakin, Ma'am. Nasa kwarto po si Boss." sabi ng maid niya. Kwarto? Doon niya ako papapuntahin? Nanliit ako sa laki at lawak ng bahay niya. May isang pinto ng kwarto kaming nadaanan. Parang pamilyar.. "Kaninong kwarto 'to?" Tanong ko sa maid. "Sa girlfriend po ni Boss.." "T-talaga?" Posible kayang naging kwarto ko to? Kung bubuksan ko to, may maalala kaya ako? Pinihit ko ang doorknobs pero naka-locked ito. "Nandon po kay boss ang susi niyan, Ma'am." "Ah okay.." Muli naming pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinto ng kwarto ni Krause. "KUNG INAAKALA MONG NANALO KA NA, NAGKAKAMALI KA!!! " dinig hanggang dito ang sigaw niya pati ang pagkabasag ng isang bagay . Siguradong binato nanaman niya ang cellphone niya. Haysss. Nakakapanghinayang 'yon -__- "Boss, may bisita po kayo.."-maid. ............ Krause's Pov Kaasar, ang lakas ng loob niyang tumawag. Bwisit!!! "Boss, may bisita po kayo."-maid. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Mariana. "Mag-usap tayo. May gusto lang akong sabihin sayo." Pinatuloy ko siya sa loob at isinara kong muli ang pinto. "Anong gusto mong sabihin?" "Tungkol satin.." "Satin..?" "Oo. Nalaman ko kay mama ang ibang detalye. Nalaman kong naging boyfriend kita noon?" ........... Mariana's Pov Mukhang nabigla ko ata siya. "May naalala ka na ba? Ako, naaalala mo na rin ba?" Sunud-sunod niyang tanong. "Ang totoo niyan,wala. Wala akong maalala. Naparito ako para tapusin kung anoman ang meron satin noon. Hindi na mahalaga para sakin ang nakaraan. Kontento na ako sa buhay ko ngayon." "Kung sayo hindi na mahalaga ang nakaraan, sakin sobrang mahalaga 'yon." "Pero hindi na kita mahal..?" "Pero mahal kita.." Naglakad siya palapit sakin habang ako, nanatili lang sa kinatatayuan ko. Tinitigan niya ako sa mga mata ko na para bang gusto niyang Sabihin na naguguluhan lang ako sa sinasabi ko. "Hayaan mo akong ipaalala sayo ang nakaraan natin,mariana.." Ngayon ko lang narinig ang maamong boses niya. Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat ko. Totoo kayang minahal ko ang taong 'to.. Madalas masama ang pinapakita niyang pag-uugali sakin pero sa mga oras na ito, ibang Krause ang nakikita ko. Nararamdaman ko ang pakiusap niya.. Pero... Masaya na ako kay Jillean. Ayoko nang gumulo pa ang lahat dahil sa nakaraang naglaho na. "Sorry Krause.Masaya ako sa mahal ko." "Hindi siya ang mahal mo. Ako ang mahal mo!!!" Halatang galit na siya. Kumawala ako sa pagkakahawak niya. "Mali ka. Hindi kita mahal." Sabi ko at tinalikuran ko siya. Bago pa ako makaalis, nagawa pa niyang hawakan ang kamay ko. "Kung ayaw mo nang balikan ang alaala sa nakaraan, gagawa tayo ng panibagong alaala. Ipipilit ko ang gusto ko, bumalik ka lang sakin.." "Krause...Ganito ba talaga katigas ang ulo mo? Kahit ayaw na sayo ng isang tao?" "Saiyo lang ako ganito.." Ang puso ko.. Muli nanaman bumibilis sa pagtibok.. lalo na nang yakapin niya ako.. Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang mga kamay ko para tumugon sa pagyakap niya.. Hindi siya magkakaganito kung wala siyang pinanghahawakan sa nakaraan.. "Krause.. gusto kong nang malaman ang nakaraan natin. Gusto kong malaman kung bakit tayo humantong sa ganitong sitwasyon.." -------------- Krause's Pov Naupo kami sa kama. sa tingin ko handa na siyang makinig sa mga sasabihin ko tungkol sa nakaraang hindi niya maalala.. "Ikaw at ako ay magkababata noon. Magkaibigan ang mga Dad natin kaya lagi tayong magkasama. Ang Mafia noon ay pinamumunuan ng dalawang mataas na tao. Ang Dad ko at dad ni... Jillean.." "S-si Jillean? Kasama siya sa nakaraan ko..?" Halatang nabigla siya nang banggitin ko ang pangalan ng taong iyon.. "Oo. siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.. dahil mas makapangyarihan ang angkan nila kumpara sa angkan ko.." *****(FLASH BACK)***** Isang malaking party ang naganap sa mansion namin. Lahat ng matataas na tao at mga kasapi ng mafia ay naroon. Pinagdiriwang nila ang paglawak at paglaki ng kani-kanilang nasasakupan.. Naroon rin ang kani-kanilang mga anak. Ang mga tagapagmana nila. Abala silang lahat sa pagyayabangan sa bawat isa. Pero ako, sa isang babae lang nakatuon ang atensyon ko. Si Mariana lang.. Hinampas niya ako nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. "Loko ka talaga. Sakin ka nanaman nakatingin." Sabi niya. "Masisisi mo ba ako, ikaw lang ang maganda sa lugar na'to?" "Bolero. maraming magagandang babae diyan. Lahat sila mayayaman at mataas ang katayuan. Isa sa kanila maaaring ireto sayo para mas lumaki pa ang pagmamay-ari ng pamilya ninyo." "Tss.. hindi ko tipo ang mga babae dito. Halos lahat sa kanila ay sumusunod lang sa gusto ng mga magulang nila. Hindi talaga sila nagmamahal." "Paano ba malalaman kung ang isang tao ay nagmamahal na?" "Parang tayo.." "Parang tayo?" Nagtatakang tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa kaliwang dibdib ko. "Dahil mahal kita Mariana. Ikaw lang ang nasa puso ko.." Napangiti siya sa sinabi ko.. "Tama na nga ang biro." Aniya. Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. "Pero hindi ako nagbibiro.." "Kapag ginusto ng Dad mo na ikasal ka sa iba, wala kang magagawa d'on. Girlfriend mo lang ako, Simpleng babae at mababa ang katayuan.." "Hindi ka simple para sakin.. higit pa sa kayamanan ang pagtingin ko sayo.." "Krause naman..?" Unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Pagkatapos ay tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Gagawin ko ang lahat, magsama lang tayo..." Napangiti siyang muli sa sinabi ko. Sa pagkakataong iyon, siya naman ang gumanti ng halik sakin. "I love you Krause." "KRAUSE ANAK, LUMAPIT KA RITO." tawag sakin ni dad. "Dito ka lang. Babalik rin ako." Pagpapaalam ko kay Mariana. "Okay. Hihintayin kita.." Lumapit ako kay dad at pinakilala ako sa ibang mga kaibigan nito. "Ang gandang lalake pala ng anak mo, Mr. Zeiralliv. Bagay sila ng anak kong babae." sabi ng isa sa mga kaibigan ni dad. "Sorry, may girlfriend po ako." sagot ko. "Pasensiya na Mr. King, mukhang may nauna na sa puso ng anak ko.Hahaha" pabirong sagot ni dad. Ipinakilala naman ako ni dad kay Mr. Mizer. Mas mataas ang katayuan niya sa mafia kumpara kay dad. Kahit si dad, ayaw banggain ang angkan nila.. "Mr. Mizer, siya ang bunsong anak ko. Siya si Krause."-dad. "Good evening po.."-ako. "Parang kaedad mo lang ang anak ko. Siguradong magkakasundo kayo."- Mr. Mizer. "Nandito ba ang anak mo, Mr. Mizer? "-dad. "Oo. Ayon siya.Sa tingin ko, nagustuhan niya agad ang babaeng kausap niya ngayon." Sabay turo sa kinaroroonan ng anak niya. Nakita kong kinakausap ng taong iyon si Mariana. "Siya si Jillean mizer. Siya ang papalit sakin pagdating ng araw. Sa totoo lang, wala siyang hilig sa mga ganitong party pero kailangan niyang masanay.." "Paumanhin po. Ang kausap ng anak niyo ay girlfriend ko. Kaya hindi siya pwedeng magkagusto don." Tinapik-tapik ako sa balikat ni Mr. Mizer. "Kung sakaling magustuhan iyon ng anak ko, ikaw na ang magparaya." "Ano po?" "Lahat ng gusto ng anak ko, ibinibigay ko.hahaha." Anong pakialam ko kung naibibigay mo ang gusto niya? Hindi niya pwedeng kunin sakin ang girlfriend ko. "Kailangan ko na pong umalis. Maiwan ko na kayo.." Iniwan ko sila dad at lumapit ako kay Mariana. "Mariana, umalis na tayo.." Agad kong hinawakan ang kamay niya. Paalis palang kami nang hawakan rin ni Jillean sa kamay si Mariana. "Hindi pa kami tapos mag-usap." Sabi nito. "Tapos na. Girlfriend ko siya at kailangan na naming umalis." "So, ano naman kung girlfriend mo siya? Hindi pa naman kayo kasal.." "Anong sabi mo?" Sa pikon ko, hinablot ko siya sa damit niya. Pero maangas niya parin akong tinitigan. "Ang sabi ko, girlfriend mo lang siya. Hindi pa kayo kasal.." pag-uulit niya. Sa asar ko, nasuntok ko siya. Agad akong inawat ni Mariana. "Awat na Krause. Tama na please.." Napunta samin ang atensyon ng lahat ng tao. Kahit atensyon nila dad ay nakuha rin namin. Alam kong malaking pagkakamali ang ginawa ko sa anak ni Mr. Mizer. Hindi niya magugustuhan ang ginawa kong ito sa anak niya. Pero wala akong pakialam kung magkagulo. Hinatak kong muli ang kamay ni Mariana at nilisan namin ang party na ito. Hinatid ko siya sa kwarto niya na malapit lang sa kwarto ko. "Okay ka lang ba, Krause?" "Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" "Pinag-uusapan namin ni Jillean?" "Oo. " "Nagpakilala lang siya sakin. Gusto niya lang ako maging kaibigan." "Hindi pakikipagkaibigan ang gusto niya. Gusto ka niyang agawin sakin!!! Ayokong mawala ka sakin at kunin ka niy--" Agad niya akong niyakap. "Ssshhh.. hindi mangyayari ang iniisip mo. Wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw lang, Krause.." Napanatag na rin ako dahil sa sinabi niya. Pinapasok niya ako sa loob ng kwarto niya. Gusto niya na dito ako matulog kasama niya. Ang kwartong halos kulay pink ang makikitang bagay sa loob. Babaeng-babae talaga ang may-ari. Niyaya niya akong mahiga sa malambot niyang kama at tinatanaw ang kisame ng kwarto niya. "Krause, paano kung may humadlang satin at paghiwalayin tayo? Anong gagawin mo?" "Kailangan muna nila akong mapatay bago nila tayo mapaghiwalay.." Nanatili kaming nakahiga. Napansin kong tinitignan niya ako kaya hinarap ko siya. Hinaplos niya ang mukha ko habang walang patid naming pinagmamasdan ang isa't isa. "I love you, Krause.." "I love you, Mariana.." "KRAUSE!!! " Napabangon kami nang marinig namin ang boses ni dad. Bumukas ang pinto at si dad nga ang pumasok. "Hindi maganda ang ginawa mo sa anak ni Mr. Mizer. Sinaktan mo ang anak niya!!" "Tama lang sa kanya 'yon! Alam niyang girlfriend ko si Mariana pero balak niya parin mang-agaw!!" "Mataas na tao ang babanggain natin, anak. Humingi ka ng tawad. Kung kailangan mong lumuhod, lumuhod ka. Naghihintay sila sayo sa labas." "Hindi ko gagawin 'yon!" Napabuntong-hininga si dad bago muling tumingin sakin. "Si Mariana. Gusto ni Jillean si Mariana. Kailangan mo nang kalimutan ang relasyon niyo simula ngayon." Nagkatinginan kami ni Mariana. "Anong ibig niyong sabihin?" "Gustong pakasalan ni Jillean si Mariana. Kaya palayain mo na si Mariana. Bukas, kukunin na siya dito. Sumang-ayon na rin ang Daddy ni Mariana rito.." Iyon ang huling sinabi ni dad bago niya kami iniwan. "Hindi. Hindi ako papayag sa gusto ng Jillean na iyon.." Naramdaman ko na lang ang pagyakap sakin ni Mariana mula sa likod. "Magtanan tayo. Iwan natin silang lahat. Lumayo tayo kung saan hindi nila tayo mahahanap. Ang mahalaga, magkasama tayo.." Inalis ko ang pagkayakap niya at hinarap ko siya. "Oo. Gagawin natin.." ......... Kinaumagahan, Pinuntahan ako ni dad sa kwarto ko. Pinipilit niya parin na bitawan ko na si Mariana. Hindi ko yon gagawin. Tatakas kaming dalawa at magsasama. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa dalawang pinuno ng mga mafia. Siguradong magiging lamat sa samahan nila ang gagawin namin ni Mariana. "Hindi mo ba naiintihan ang pwedeng mangyari,krause?! Magiging mortal natin silang kaaway kapag hindi natin ibibigay ang hinihiling nila." "Ayokong ibigay ang gusto nila!!!" "Si Mariana lang ang gusto nila at maaayos na ang buong samahan ng mga mafia." "Hindi nyo rin ba ako maintindihan? Girlfriend ko si Mariana. Ang sabihin niyo, naduduwag lang kayo sa kanila!!" PAKKKKK!!!!! Malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. "Hindi ako duwag. Ginagawa ko lang ang makabubuti saiyo.." sabi nito at nilisan ang kwarto ko. Hindi parin magbabago ang pasya ko. Lilisanin namin ang lugar na ito. . . . . . Kinagabihan, Dumating na si Mr. Mizer kasama ang ilang grupo sa kanyang mga tauhan. Hinarap sila ni dad at dad ni Mariana. Samantala ako, dumiretso na ako sa kwarto ni Mariana para ayain nang umalis. "Halika na. Umalis na tayo habang nag-uusap pa sila dad at Mr. Mizer." Sa likod bahay kami dumaan. Wala namang Tao kaya nakalabas kami agad. Ang mansion namin ay nakatayo malapit sa talon. Maraming Puno at halaman kung saan magrerelax kang pagmasdan ang mga ito. Hindi pa kami nakakalayo, may dalawang putok ng baril ang narinig namin na galing sa mansion. "Si daddy..?" Sambit ni Mariana at balak bumalik sa mansion. Pinigilan ko siya. "Hindi na tayo pwedeng bumalik. Nagkakagulo na sila.." Sunud-sunod naming narinig ang mga putukan ng baril. Siguradong naglaban na ang angkan namin. Nakalayo kami sa mansion at nagpahinga pansamantala sa may talon. Iniisip ko ngayon kung ano na ang sitwasyon nila dad. Malaking gulo ang ginawa ko. Yumakap sakin si Mariana. "Krause.. kahit anong mangyari, sayo lang ako.." Tumango ako at niyakap ko siya. Pero isang pangyayari ang hindi ko inaasahan. Apat na itim na kotse ang dumating sa lugar na kinaroroonan namin. Bumaba mula roon ang grupo ng mga mafia mula sa angkan ng mga Mizer.. Bumaba rin mula doon si.. Jillean.. may hawak itong baril at agad na itinutok sakin.. "Akala mo ba matatakasan mo ako??" Sabi nito at kinalabit ang gatilyo ng baril. BANNNGGGGG!!!!! Bumagsak ako nang tamaan ako sa kanang dibdib ko. "Ahh.. " Muli niya ikinasa ang baril at muling itinutok sakin. "Hwag!!! H'wag mo siyang patayin!!!" Sigaw ni Mariana na agad yumakap sakin. "Umalis ka.."-jillean. "Hindi. Ako ang kailangan mo diba? Sasama na ako pero buhayin mo si Krause.." Pero ngumiti lang si Jillean na nakapangloloko. "Hindi ko siya bubuhayin.." BANNNGGGGG!!!! Umalingaw-ngaw muli ang putok ng baril pero hindi ko na alam kung ako ba ang tinamaan nito. Naitulak ako ni Mariana at sabay kaming nahulog pababa ng talon. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. . . . . Nagising ako sa isang kwarto. "Gising ka na pala.." Napalingon ako sa nagsalita. "Zekiel..? Anong nangyari?" "Natagpuan kayo ng mga tao malapit sa talon. Dinala nila kayo rito sa hospital." "Si Mariana?!" Sinubukan kong tumayo pero sumakit lang ang tama sa dibdib ko. "Ang babaeng 'yon parin ang inaalala mo? Kung ibinigay mo na lang siya, hindi sana Pinatay si dad at ang iba pa." Natigilan ako nang marinig ko 'yon sa kanya. Patay na ang dad ko.. "Halos bumagsak na ang mafia natin dahil sa angkan ng Mizer. Kailangan natin bumangon. Walang nakakaalam na buhay ka kaya makakabuti kung sasama ka sakin. Malalaman natin kung sino ang papalit kay dad. Iwanan mo na ang babaeng 'yon para sa ikabubuti niyong dalawa.." Tumango na lang ako.. Maraming nawala dahil samin. "Dadalawin ko muna siya. Gusto ko siyang makita bago ako umalis.." "Ikaw ang bahala.." sabi nito. Pinuntahan ko si Mariana sa kabilang kwarto. Hanggang ngayon hindi pa siya nagigising. Ang ulo niya ay may benda. Tumama sa kung saan ito bago kami natagpuan. Samin dalawa, siya ang malala ang lagay kaya hanggang ngayon, hindi parin siya nagigising. Kinausap ko ang mama niya. "Kayo na po ang bahala kay Mariana. Ako na pong bahala sa lahat ng gastusin. Balitaan niyo po ako kapag nagising na siya.." "Naiintindihan ko, Krause.." "Kailangan kong umalis pero babalik rin ako.. babalikan ko siya.. patawad dahil nadamay ang asawa ninyo sa mga namatay .. kasalanan ko po iyon.." Hinawakan ako sa balikat ng mama ni Mariana. "Wala kang kasalanan. Pinaglaban niyo lang ang nararamdaman ninyo ni Mariana. Makakaasa kang babalitaan kita kapag nagising na ang anak ko.." "Salamat po.." Umalis ako at sumama sa kuya ko. Sa pagkawala ng Dad namin, nalaman namin kung kanino pinamana ni dad ang kompanya. "Si Krause ang magmamana sa zeiralliv company. Siya rin ang new Boss ng mafia."- attorney. "Kahit pasaway ka kay dad, saiyo parin pinamana ang lahat.. ibangon mo ang mafia at pabagsakin ang mafia ni Mr. Mizer." "Oo. Gagawin ko yon.." . . . Isang tawag mula sa mama ni Mariana ang nagpabago sa relasyon namin. "Nagising na si Mariana. Hindi niya kami maalala.." "Gano'n po ba? Kahit ako po ba hindi niya rin maalala?" "Sorry Krause.. hindi ka rin niya maalala.." Lumipas ang ilang araw, nakalabas na ng hospital si Mariana. Bumalik sa dati ang buhay niya kung saan ay normal na estudyante na siya. "Tayo na Mariana. Lagi ka na lang late pumasok e. Nadadamay ako palagi." Sabi ng classmate niya. "Sorry talaga. Tayo na." Sagot ng mahal ko at tumakbo sila papunta sa kinatatayuan ko. Parang huminto ang oras ng dumaan siya at malagpasan ako. Hindi niya ako nakilala.. *****(END OF FLASH BACK)***** "Nangibang bansa ako para sa company. 2 years akong nawala kaya nang makita kita sa subastahan, kinuha kita.." Tahimik lang siya kahit naikwento ko na ang lahat.. "Si Jillean.. gano'n kasama satin si Jillean..?" "Oo.." "Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Mabuti sakin si Jillean. Sa 2 years na iyon, kami ang nagkasama. Kaya malabo ang mga sinasabi mo.. pasensiya na. Mahal ko si Jillean.. at lahat ng narinig ko ay kasinungalingan lang." Sabi nito at nilisan ang kwarto ko. Alam kong mahihirapan ako. Pero hindi ako susuko sayo Mariana... To be continued..,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD