Chapter 03

3238 Words
Mr. Mizer's Pov "ANO?! SINABOTAHE NANAMAN TAYO NG KRAUSE NA IYON?! WALANG HIYA TALAGA!!! " Gumaganti siya sa pagkamatay ng ama niya. Talagang lumakas ang mafia at kompanya nila simula nang hawakan niya ito. Kailangan mawala siya sa landas ko.. ............. Mariana's Pov Tumakbo ako palabas ng kwarto ni Krause. Ang akala ko, simpleng pamumuhay lang ang meron ako pero hindi. Palabas na ako ng mansion nang makita ko ang lalakeng may masamang ugali gaya ni Krause. "Oh? Long time no see. Nandito ka nanaman?" Tanong mula kay Kiel. "Oo. Pauwi na nga ako e." Sabi ko at tumakbo ako sa dereksyon niya. Ang nakakainis, hinawakan niya ako sa braso ko at iginitgit sa may pader. "ANO BA?! Bitawan mo nga ako!!" "Ano bang meron ka at baliw na baliw sayo ang kapatid ko..?" "E-ewan ko rin. A-aray.." Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya nakaramdam ako ng sakit. "T-teka, masakit na ang pagkakahawak mo.." "BITAWAN MO SIYA." napalingon kami sa nagsalita. Si Krause.. Binitawan ako ni Kiel. "Ayan. Binitawan ko na siya.."-kiel. "Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko. Kung ako lang ang masusunod, hindi na kita palalabasin pa dito. pero Ayoko naman na kamuhian mo ako.. kaya pwede ka nang makaalis.." malumanay na sabi nito. Bigla siyang nagbago. Nawala na sa mukha niya ang maamong si Krause na nakausap ko kanina. Tinalikuran na lang niya kami. "Kill Krause.." boses ng babae ang tumawag kay krause. Napalingon rin si Krause sa babaeng 'yon. Sobrang ganda niya. Mabuti at maganda ang pagkahubog ng katawan. Ang sexy pa manamit. Samantala ako, nakapang school uniform lang. Tinitigan niya muna ako bago siya makalampas sa kinatatayuan ko. "Hi. Krause. Mukhang hindi maganda ang gabi mo ngayon ah." Sabi ng babae. "Oo. Hindi nga maganda.." "Halika mag-inuman muna tayo bago ko pagandahin ang gabi mo.." Humawak ang babae sa braso ni Krause at sabay silang naglakad palayo samin. Bakit gano'n.. Parang may bumubulong sakin na sundan ko sila. Napahawak rin ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito. Ewan ko pero parang ayokong makita na may ibang babae siyang....kasama.. "Selos ka ba?" Napalingon ako kay Kiel. Anong pinagsasabi nito. Nakakaasar pa ang ngiti niya sakin. "Ah?! H-hindi noh!" Inirapan ko siya bago ko tinalikuran. Uuwi na ako. "Ang babaeng 'yon ay si kazandra. Siya ang babaeng nagpapaligaya sa kapatid ko kapag ganyan ang mood niya. May pagka-fuckboy din kasi iyan." Ang babaeng iyon ang nagpapaligaya kay krause? Ibig sabihin, kasiping niya? Akala ko ba, ako lang ang babaeng mahal niya? Napailing ako sa mga naiisip ko. Mali 'to.. "Mukhang nagseselos ka? Sundan mo sila. Para maawat mo ang gagawin nila.." "A-ayoko nga!!! H-hindi ko gagawin iyon!!!" "Tsk. Kunwari ka pa. Halata naman na selos ka. Hahaha. Bahala ka kapag nakabuo sila. Ikaw rin ang magsisisi." Naglakad ito papunta sa ibang dereksyon. Ako naman, parang ayoko pang umuwi. Naglakad ako sa dereksyon kung saan dumaan sila Krause. Pinuntahan ko ang kwarto ni Krause pero wala sila doon. Alam ko dito sila dumaan e. Sa laki ng lugar na ito at sa dami ng mga kwarto, sigurado may nagaganap na. Naku naman Mariana, umuwi ka na lang. May pagka- f**k boy talaga ang Krause na 'yon. Hindi lang ito ang unang beses na nagdadala siya ng babae sa bahay niya. Kakahilo talaga sa dami ng pasikot-sikot. Sige, uuwi na lang ako!!! "Siya pala si Mariana..?" nahinto ako nang marinig ko ang boses ng babae. Nandon sila sa kwartong iyon? Lumapit ako at nakita kong nakaawang ang pinto. Sinilip ko ito at nakita ko sila ni Krause na nakaupo sa kama at umiinom ng alak. Tiningnan ko ang kabuohan ng kwarto. Halos puro mamahaling bote ng alak ang nakadisplay doon. Dito siguro ang tamabayan ni Krause kapag gusto niyang magpakalasing.. "Bakit di mo na lang siya kalimutan..?" Ang hot ng boses ng babae habang titig na titig kay krause. "Hindi ko kaya.." "Okay. Mukhang mahirap nga siyang kalimutan pero hayaan mong alisin ko muna siya sa isip mo pansamantala.." Inalis ni girl ang basong hawak ni Krause. Umupo at pumaibabaw siya kay krause. Namula ang mukha ko sa nakikita ko. >////\\< Kumawala ako sa pagkayakap niya at hinarap ko siya. "Ano bang ginagawa mo, Krause?!" Sigaw ko. "Shhhh.. bawal maingay dito pwera na lang kung gusto mong gumawa ng ingay na bago sa pandinig nila.." Namula ang mukha ko. 0///0 "D'yan ka na nga!!!" Paalis na ako ng hablutin niya akong muli palapit sa kanya. Isinandal niya ako sa mga libro. "Ano ba?" "Sorry sa ginawa ko kagabi.." Biglang lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya.. "Marunong ka palang magsorry pero mali parin ang ginawa mo sakin. Paano kung--" Diko tinuloy at baka magkaroon siya ng ideya. Pero sana hindi ako mabuntis. Nakakahiya 'yon. "Paano kung mabuntis ka dahil sa ginawa natin? Pananagutan ko. Mas maganda nga 'yon para sakin ka na.."-krause. O∆O??? Natulala ako. Alam niya ang nasa isip ko? Diko namalayan ang paglapit niya. Naramdaman ko na lang ang halik niya sa labi ko.. Nagtagal iyon na wala man lang akong ginagawa.. "Ma-mariana?" Napatingin kami ni Krause at nakita namin si Sabrina. Yari.. "Sa -sabrina?" Agad akong humiwalay kay krause at lumapit sa kanya. Tumingin siya kay krause bago muling tumingin sakin. " Nakuha ko na yung librong kailangan ko. Pwede na tayong umuwi." "Si-sige. Tara na." Dali-dali kami lumabas at iniwan si Krause sa loob. "Mariana, kayo na ba ni Krause?"-sabrina. "Hindi. Walang kami. Si Jillean ang boyfriend ko diba?" "Ah. Oo nga pala. Mabuti naman kung ganon. Alam mo naman na may gusto ako kay krause..?" "Oo. Alam ko.." "Mariana, sumabay ka na sakin pauwi."-jillean. "Nand'yan na pala si Jillean. Mauna na akong umuwi. Salamat sa pagsama mo sakin kanina. "Wala 'yon^^" Nang makalayo si Sabrina, lumapit sakin si Jillean. "Salamat, Jillean pero hindi muna ako sasabay sayo. Gusto ko muna mapag-isa.." Halatang nadismaya siya sa sinabi ko. Pinagmasdan niya ako na para bang inaalam ang tumatakbo sa isip ko. " Bakit? Bakit gusto mong mapag-isa?" Bigla akong kinilabutan dahil sa lamig ng boses niya. Ewan ko pero parang may kakaiba sa kanya. "A-ano kasi Jillean.. gu- gus--" "Dahil sakin siya sasabay.." Napalingon kami ni Jillean sa nagsalita. "Krause..?" Nanaman? -__- Lumapit siya samin at agad akong hinakbayan. "Girlfriend ko siya kaya sakin siya sasama. Wala namang masama do'n diba?" "Girlfriend? O ikaw lang ang nag-iisip na girlfriend mo siya?"-jillean. "Bakit di mo siya tanungin? Na may nangyari na samin. " Whuahh!!!! Bakit niya sinabi?!!! Tumingin sakin si Jillean. Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. "Ano naman kung may nangyari na sainyo? Baka pinwersa mo siya para makuha ang gusto mo." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sakin ni Krause. Napatingin ako sa kanya at mukhang napipikon na'to. Para maiwasan ang gulo..., "G-gusto ko na umuwi!!! Iuwi mo na ako Krause!!!" Si Krause ang pinili ko dahil may tiwala akong hindi gagawa ng gulo si Jillean. Nawala ang pagkakahakbay sakin ni Krause at hinawakan naman niya ang kamay ko. Tinalikuran namin si Jillean. Kahit masakit para sakin, Kailangan kong gawin ang makakabuti samin. "Krause!!! Ikaw pa rin ang Talo.."-jillean. Napatigil si Krause sa sinabi ni Jillean. Bakit niya kaya sinabi 'yon..? "Hindi ako magpapatalo.." sagot niya at muli naming pinagpatuloy ang paglalakad. Narinig ko nang sinabi iyan ni Krause. Sinabi niya iyon sa kausap niya sa cellphone. Posible kayang si Jillean ang laging nakakausap ni Krause? Kaya lagi siya nagagalit pagkatapos nilang mag-usap..? Jillean.. totoo kaya ang sinasabi ni Krause tungkol sayo..?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD