đź“— Chapter 10

1805 Words
THERESA Sa isang malaking bahay, ako dinala ni Mayor Rosales. Hindi ako nagpakita ng takot sa kaniya at confident na bumaba sa aking sasakyan at mapang-akit na lumapit sa kasama ko. "I hope malinaw sa iyo kung ano ang gusto ko, kaya sumama ako dito, Tonny,” mahinang bulong ko sa kaniya. "Kapag nagkasundo tayo, we can enjoy each other's company, but of course, I'll make sure na mag-e-enjoy ka, basta tutuparin mo ang napagkasunduan natin." Mahina akong bumulong dahil kunwari ay ayaw kong marinig ng mga kasama niyang tauhan na nagkalat sa paligid matapos naming bumaba ng sasakyan. "Sure, Princess. Huwag kang mag-alala, may isa akong salita. Makukuha mo kung anong gusto mo," may ngiting demonyong sagot ng kasama ko. Umakbay pa ang kanang braso niya sa balikat ko. Kahit nakasusuka at nandidiri ako sa kaniya dahil magkadikit ang aming mga balat, ay tiniis ko ito. Kanina pa nangangati ang mga kamay ko na barilin siya, pero nagpipigil akong gawin ito dahil masisira ang misyon ko kapag nangibabaw ang init ng aking ulo. Sumama ako kay Mayor Rosales na pumasok sa loob ng bahay na pinagdalhan niya sa akin. Dinala niya ako sa sala at inayang maupo sa sofa. Bigla niya akong sinunggaban at niyakap, pero dahil handa ako sa gagawin niya, mabilis ko siyang naitulak sa balikat. Nalukot ang kaniyang mukha at nangunot ang noo, katunayan na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. “May problema ba?” Malambing akong ngumiti sa kaniya at maarteng hinagod ng aking kamay ang likod ni Mayor Rosales. "May usapan tayo, Tonny," mahinang bulong ko sa kaniya. “Kanina pa ako nanggigigil sa iyo, Princess,” agad niyang sagot. Alam kong nag-iinit na siya, pero kailangan kong makipaglaro sa kaniya para makuha ko ang kailangan kong ibesensya. Hinawakan niya ako sa braso at akmang hahalikan, kaya naging seryoso ang ekspresyon ko nang magsalita ako. "Kapag hindi ka tumupad sa napag-usapan natin, wala nang second chance, Tonny,” malanding sabi ko sa kaniya at pagkatapos, malambing akong ngumiti. “Honestly, I like you, at kung gusto mo rin ako, puwede natin itong ituloy kahit ipakasal pa ako ni Daddy sa amigo niya dahil alam ko naman na hindi ako mag-e-enjoy sa kaniya, kasi matanda na siya. Pero kapag hindi mo sinunod ang usapan natin, you can have me once, but I assure you, dear, that will be our last time." Biglang lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Mayor Rosales. Frustrated niyang kinalas ang mga braso niyang nakayakap sa katawan ko at bahagyang lumayo sa akin, kaya nakahinga ako ng maluwag dahil kanina pa ako nagtitiis sa mabahong amoy ng kaniyang katawan. "Gaston!" malakas na sigaw at tawag ni Mayor Rosales sa kaniyang tauhan. Agad naman itong lumapit, kaya umayos ako ng upo. “Boss!” "Magpadala ka dito ng mga droga, ngayon din!” Napatingin sa akin si Gaston. Mukhang nag-aalinlangan siya, kaya mapang-akit na ngumiti ako sa kaniya, pero agad siyang nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin sa kaniya ang kaniyang amo. “Dalhin mo na dito ang inuutos ko sa iyo, Gaston!” utos ni Mayor Rosales sa kaniyang tauhan. Agad naman itong yumuko. “Masusunod, boss.” “Bilisan mo! Ayaw kong pinaghihintay ang kasama ko!” Nang tumalikod ang tauhan ni Mayor Rosales, agad niya akong hinarap. "Ako ang kasama mong pumunta dito, kaya't ayaw kong nakikitang ngumingiti ka sa kung kani-kanino," masungit na sabi sa akin ni Mayor Rosales. Alam kong seloso ang lalaking ito batay na rin sa mga naging resulta ng research ko, kaya ginagamit ko ito upang isakatuparan ang aking plano. "Oo, sumama ako sa iyo, pero mayroon tayong kasunduan, Tonny. Wala tayong relasyon para pagbawalan mo ako kung sino ang gusto kong tingnan. Besides, I didn't know na hindi ka pala marunong tumupad sa usapan at mabagal pa,” kunwari ay inis at disappointed na sagot ko. "Why didn't you call your men earlier to get that substance, para hindi ako naghihintay?" Biglang nawala ang matigas na ekspresyon ni Mayor Rosales. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang kanang pisngi ko. "I'm sorry, Princess. Nawala sa isip ko kasi ikaw lang ang iniisip ko the whole time na papunta tayo dito." Inirapan ko siya at sinimangutan. "Look, sanay akong nakukuha ang gusto ko sa isang pitik ng mga daliri ko, Tonny, and I hate it kapag pinaghintay ako.” Sinabi ko sa kaniya kung gaano kayaman ang aking pamilya at kung ano ang mga negosyo namin. Marami akong kilalang pulitiko, kaya nagamit ko sila at sinabing kaibigan sila ng daddy ko, bagay na pinaniwalaan naman agad ni Mayor Rosales. Natatawa ako dahil nang tanungin niya ako kung ano ang pangalan ko, sinabi kong confidential ito at mas gusto kong tawagin niya akong Princess. Hindi na siya nangulit dahil masyado na siyang naakit sa katawan ko, kaya hindi na siya makapag-isip ng mabuti. Kung sana ay narito na ang droga pagdating namin, hindi ko na sana kailangan gawin ito at natapos sana ng mabilis ang trabaho ko. Pero dahil wala pa ito at kailangan kong maghintay, patuloy ko siyang nilalaro para humaba ang oras na kasama ko siya. Tumayo ako, at sa harap ni Mayor Rosales, isa-isang kinalas ko ang butones ng fitted off-shoulder na damit pang-itaas na suot ko, at pagkatapos ay mapang-akit na hinubad ito sa katawan ko. Paulit-ulit na napalunok si Mayor Rosales habang pinapanood niya ang ginagawa ko. Hindi maitago ang pagnanasa sa kaniyang mga mata nang mahantad sa paningin niya ang maputi at magandang kurba ng itaas na bahagi ng aking katawan at tanging itim na bra lamang ang natirang takip sa aking mga dibdib. Para siyang gutom na sawa habang nakatingin sa aking maputi at manipis na tiyan. Kitang-kita ang pagnanasa sa kaniyang mga mata nang makita niya ang maganda at perpektong hugis ng maliit kong bewang. Naglalaway siya at napadila pa habang nakatayo ako sa harap niya, kaya anumang sandali ay alam kong sunggaban niya ako kapag hindi na niya kayang pigilan ang init ng kaniyang katawan. "Dahil gwapo ka naman at mukhang kaya mong ibigay ang gusto ko, pagbibigyan kita, Tonny,” nakangiting sabi ko sa kaniya. “Pero gusto ko na kapag natapos akong maligo, nandito na ang drogang hinihingi ko, at kapag hindi ka tumupad sa usapan, aalis agad ako.” "Sure, may isa akong salita, Princess!” mabilis niyang sagot. “Pangako, nandito na ang mga droga kapag natapos kang maligo. Just give me half an hour then, I assure you, mag-e-enjoy ka sa piling ko.” Nagniningning ang mga mata ni Mayor Rosales habang nakatingin sa mga dibdib ko. Sinadya kong maghubad sa harap niya para lalo siyang matakam sa akin at gawin niya ang gusto ko. "Aasahan ko 'yan, Tonny," malambing ang tinig at nakangiting sabi ko sa kaniya. Luminga-linga ako at kunwari ay may hinahanap. "Nasaan ang shower room dito? Maliligo muna ako, para siguradong mabango ako at hindi naman ako mapahiya sa iyo?" "Come, sasamahan kita," agad na sagot ni Mayor kasabay ng pagpahid ng pawis sa noo. “Huwag na,” agad kong sagot. “Mas exciting kung hihintayin mo ako dito.” Ipinatong ko ang hinubad kong damit sa armrest ng sofa at siniguro na nakaharap ito sa kaniya at malinaw na makikita siya sa hidden camera na nakakabit dito. Batay na rin ito sa ibinigay na instructions ng kasama ko sa operasyon na ito. Malinaw na narinig ko ito mula sa customized earpiece na nakakabit sa tainga ko. Gusto kong matawa sa ekspresyon na nababasa ko sa mga mata at mukha ni Mayor Rosales. Para siyang hayop na gutom na gutom sa laman habang sinusundan niya ako ng tingin nang maglakad ako papunta sa pintuang itinuro niya sa akin. Labis ang pagpipigil niyang huwag akong sunggaban dahil alam niyang handa akong maging babae niya kapag nagkasundo kaming dalawa. Dahil inakala niyang mayaman ang pamilya ko at maimpluwensya, naging maayos ang trato niya sa akin ngayon, kasi alam niyang malaki ang magiging pakinabang niya sa akin at sa pamilya ko kapag nagkasundo kaming dalawa. Lihim akong nagbubunyi. Ngayon pa lang, alam kong magiging matagumpay ang misyon kong ito. Kung alam lang ni Mayor Rosales na hanggang tingin lang siya at hindi mangyayari na sumayad ang dila niya sa pribadong bahagi ng katawan ko, ay baka hindi siya parang asong ulol na sunod-sunuran ngayon sa sinasabi ko. Sandali na lang kasi alam kong katapusan na ng palabas ko. Sa oras na makita ko ang kailangan ko, sapat na iyon para maidiin ko ang mayor na target ko. Pero syempre, mas grabe pa doon ang magiging epekto sa political career niya kapag ginawa ko ito. Gamit ang aking katawan, sisirain ko ang magandang imahe niya sa pamilya niya at ilalabas ko ang lahat ng pinakatagong baho niya sa publiko. Makikita ng taong bayan na minamanipula niya ang tunay na katauhan ng mabait at perpektong padre de pamilya na kanilang binoto at iniluklok sa pwesto. *** Sinuyod ng aking mga mata ang bawat sulok ng banyo. Wala akong nakitang CCTV camera, kaya agad akong pumasok sa shower room at binuksan ang shower para walang makarinig sa sasabihin ko. Ikinalat ko rin ang shower gel sa sahig, kaya humalo ang mabangong aroma nito sa buong banyo. "Anong status sa labas?" tanong ko sa kasama kong naka-monitor sa hidden camera sa iniwan kong damit sa sala. "Umiinom si Mayor Rosales," sagot ni Lyn, na siyang pumalit pala sa isa naming kasamahan na kanina ay naka-monitor sa akin. "Bakit ikaw ang nasa base ngayon?" nagtatakang tanong ko kay Lyn dahil unusual na bigla na lang papalitan ni Boss Draven ang kasama ko sa team habang nasa operasyon ako at kasalukuyang nag-e-execute para matapos ang trabaho ko. "May naging problema si Boss Draven, Tres. Pinadala ako ni Brady para palitan si Anna," paliwanag ni Lyn, kaya hindi na ako nagtanong pa. "Sige, hintayin ko na lang ang signal mo, Lyn.” “Copy, Tres.” “Alright.” Nanatiling nasa linya si Lyn. Labin-limang minuto rin akong nanatili dito sa loob ng banyo habang kausap siya at sinasabi niya sa akin kung ano ang nakikita niyang nangyayari sa sala. Binasa ko ang mga braso at balikat ko. Maging ang damit na suot ko ay winisikan ko rin ng tubig. Iniwasan ko ang mukha ko para hindi masira ang make-up ko at nagpahid ng shower gel sa balat para mabango ako. Ikinalat ko rin ang tatlong tuwalya sa basang sahig para kunwari ay ginamit ko ito nang naligo ako. "Tres, dumating na ang package. Nasa sala na," narinig kong sabi ni Lyn mula sa nakakabit na earpiece sa loob ng tainga ko. “Alright, lalabas na ako, Lyn. "Good luck sa trabaho mo. Tapusin mo na 'yan nang makabalik ka na dito sa base.” "Sure, malapit na. Walang maganda d'yan, kaya dapat makabalik agad ako," mayabang at naka-ngising sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD