THERESA
Alas-sais pa lang ay nakarating na ako sa lugar kung saan ko natagpuan ang lokasyon ni Mayor Rosales, pero hindi muna ako pumasok at tahimik na nagmasid sa paligid at pinag-aralan ang kilos ng mga tao sa labas ng bar.
Madilim na ang paligid at pabor ito sa akin dahil alam kong hindi ako nakikita ng mga tauhan ni Mayor Rosales, kaya malaya akong nakakakilos.
Inayos ko ang suot kong wig, pati na rin ang hidden camera na nakadikit sa damit at kwintas sa leeg ko. Siniguro kong attractive ang itsura ko at makukuha ko agad ang atensyon ng taong pakay ko sa oras na pumasok ako.
Matapos ang matagal na pagmamanman, lumabas na ako sa aking kotse at taas-noo akong pumasok sa loob ng bar kung saan naglalagi si Mayor Rosales. As expected, nagkalat nga ang mga tauhan niya sa loob at labas nito, pero balewala sa akin na narito sila dahil kaya kong gawin ang misyon ko ng walang kahirap-hirap gamit ang ganda at talinong meron ako.
Umupo ako sa gitna ng bar. Hindi nagtagal, may lumapit sa akin na bartender at tinanong ako kung anong alak ang gusto kong inumin. Para sa akin, pipitsugin lang ang establishment na ito. Hindi katulad sa Maynila na sosyal ang mga bar at high-end ang mga alak, pero wala akong pakialam pa sa disenyo nito dahil isa lang ang pakay ko at iyon ay makakuha ng kahit anong impormasyon at ebidensiya na magagamit ko para mapabagsak at masira si Mayor Rosales.
In my peripheral vision, alam kong nakuha ko agad ang atensyon niya. Ilang segundo pa ang lumipas, may lalaking lumapit sa akin at sinabing pinatatawag umano ako ng kaniyang amo.
Kunwari ay nagulat ako, pero lihim akong napangiti. Bingo, walang kahirap-hirap na nakalapit ako sa taong target ko dahil siya mismo ang gumawa ng paraan para makalapit ako sa kaniya.
Tumayo ako at sumama sa lalaking lumapit sa akin palapit sa mesa ni Mayor Rosales.
"Good evening, po," kiming bati ko sa kaniya. “Pinatawag mo raw po ako, sir.”
Kunwari ay nahihiya ako kay Mayor Rosales. Sa harap niya, nagkunwari akong kinakabahan dahil may mga kasama siyang armado, kaya nag-lumikot ang mga mata ko at luminga-linga ako.
"Maupo ka na, miss," sabi ng kanang kamay ni Mayor Rosales.
“Bakit?” kunwari ay nagtatakang tanong ko sa lalaking kaharap ko.
“Gusto lang kitang makausap, miss,” sagot ni Mayor Rosales.
Nagkunwari akong nagulat at ipinakita kong umawang pa ang mapulang mga labi ko.
“Tungkol po saan, sir?”
“Malalaman mo kapag umupo ka na,” nakangiting sagot ni Mayor Rosales.
Sumulyap ako sa kanang kamay niya. Malambing akong ngumiti sa kaniya at harapan kong ipinakita na attracted ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata nang titigan ko siya ng ilang segundo.
Lihim akong napangiti nang makita kong naglumikot ang kaniyang mga mata at napalunok na tumingin kay Mayor Rosales. Alam kong hindi nagustuhan ng mayor ang kaniyang nakikita, kaya pinalayas niya ang kaniyang tauhan.
Matamis akong ngumiti kay Mayor Rosales. Nagkunwari akong hindi ko siya kilala, kaya tinanong ko ang pangalan niya.
"Who are you, sir? Ano po ang kailangan mo sa akin at pinatawag mo ako?”
"I'm Tonny, my Princess," nakangiting sagot ng walang-hiyang mayor na kaharap ko.
Nakakasuka ang pagmumukha ng demonyong ito. Tinaasan ko siya ng kilay dahil, honestly, nandidiri akong tawagin niyang prinsesa.
"Tell me, bakit kailangan mo akong papuntahin dito sa table mo?" seryoso at walang emosyon na tanong ko sa kaniya.
Ngumiti ang kaharap ko, pero ang mga mata ay malinaw na sinuyod ang kabuuan ng katawan ko at sandaling tumigil sa malulusog kong hinaharap.
"Maganda ka, napakaganda mo at nakuha mo ang atensyon ko," mayabang na sagot ng kaharap ko.
"Alam kong maganda ako, at normal lang kung attracted ka sa akin, but I'm not here para makipag-usap sa kahit na sinong lalaki. I just want to have fun and enjoy my night alone," pormal at walang kangiti-ngiting sagot ko.
Confident na nagtaas ako ng noo. Alam kong hindi sanay sa rejection ang mayor na kaharap ko. Upon my investigation, marami siyang naging babae at ginagamit niya ang pera at posisyon para makuha ang sinumang magustuhan, kahit pa menor de edad pa ang ilan sa mga ito.
"Then, I'll buy you a drink, Princess."
Pinigilan ko ang sarili kong sapakin ang walang-hiyang mayor sa harap ko. Feeling sweet ang gago e, mukha naman siyang kangaroo.
"I have my own money to buy whatever I want, mister. I'm rich and don't simply allow someone like you to buy me a drink because, honestly, I'm not interested in it, not unless—"
Sinadya kong putulin ang sinasabi ko at tinitigan sa mga mata ang mayor na kaharap ko.
"Then, what do you want, Princess?" agad na tanong ni Mayor Rosales na nababakas ang excitement sa kaniyang mga mata.
"Are you sure na kaya mong ibigay ang gusto ko, Tonny?" mapanuksong tanong ko at sensual na ngumiti sa kaniya.
Mapang-akit na pinag-krus ko ang mga binti ko, kaya malinaw na nakahantad ang maputi at makinis na mga hita ko sa gutom na mga mata ng taong kaharap ko. Mas lalo akong napangiti ng matamis sa kaniya nang dinilaan niya ang nanunuyong pang-ibabang labi at mabilis na napalunok habang nakatingin sa katawan ko.
"Sabihin mo lang, akong bahala," sagot ni Mayor Rosales.
Natuwa ako sa nakikita kong excitement sa kaniyang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay at mapanuksong ngumiti.
"Ibibigay mo ba talaga kung ano ang gusto ko kapag nalaman mo, at hindi magbabago ang isip mo, Tonny?"
Mabilis na tumango si Mayor Rosales. "Oo, pangako. Sabihin mo lang at sisiguruhin ko na makukuha mo agad iyan."
Mukhang nag-iinit na siya, kaya hindi ko dapat sayangin ang pagkakataong ito. Tumayo ako at humakbang palapit sa kaniya at mapang-akit na umupo sa tabi niya.
Ito na ang simula ng trabaho ko, at kailangang galingan ko para walang maging problema at matapos ko agad ito. Senswal akong ngumiti at dahan-dahang lumapit ang mukha ko sa mukha ni Mayor Rosales.
Ang akala niya ay hahalikan ko siya, pero umiwas ang mukha ko at mapanuksong bumulong malapit sa punong tainga niya.
"Tonny, hindi ako komportable na maraming mga mata ang nakatingin sa akin," malanding bulong ko kahit halos masuka ako nang sumayad ang labi ko sa leeg niya nang nagkunwari akong hinalikan ko siya.
Lihim akong nagbubunyi nang makita kong binuksan ni Mayor Rosales ang butones ng suot na polo, at pagkatapos, tinawag niya ang kanang kamay.
"Gardo, sabihin mo sa mga tauhan natin na sa labas muna sila," utos ni Mayor Rosales sa kaniyang tauhan.
“Masusunod, boss!”
Umalis sa likuran namin ang kaniyang kanang kamay at pagkatapos, kumaway sa kaniyang mga kasama, kaya't lahat sila ay sabay-sabay na naglakad palabas ng bar.
"Happy now, Princess?" tanong sa akin ni Mayor Rosales.
Matamis na ngiti sa aking mapulang mga labi ang sinukli ko. Nang mawala sa paningin ko ang mga tauhan niya, agad kong tinuloy ang aking trabaho.
"Now, puwede ko na bang sabihin sa iyo kung ano ang gusto ko, Tonny?"
"Sure, name it," agad na sagot ni Mayor Rosales.
Hinaplos ng kanang kamay niya ang naka-exposed na braso ko. Nandidiri ako sa bawat paglapat ng makapal niyang balat sa katawan ko, pero kailangan ko munang magtiis para matapos ko ang misyon ko.
Umangat ang kamay ko at sensual na hinaplos ang kaniyang leeg, pababa sa kaniyang balikat. Agad nanigas ang kalamnan ni Mayor Rosales at napaupo pa ng tuwid nang pinagdikit ko ang aming mga katawan.
Ramdam ko na ang epekto ng ginagawa kong pang-aakit sa kaniya, pero hinayaan kong humagod sa tagiliran ko ang kamay ng target ko habang hinihimas ako, at lalo ko pang idinikit ang katawan ko sa kaniya.
"I want something unique, Tonny."
“Gaya ng ano?” agad niyang tanong sa akin.
Nagkunwari akong malungkot at napabuntonghininga pa para makuha ang simpatya niya.
“Alam mo, lumayo ako sa bayan namin kasi siguradong magsusumbong sa mga magulang ko ang mga tao roon kapag nakita nila akong nagsasaya sa labas at may kasamang lalaki.”
Nag-angat ako ng mukha at mapang-akit na kinagat ang aking ibabang labi.
"Gusto kong maranasan kung paano gumamit ng droga, Tonny.”
Kunwari ay sumimangot ako at pinalungkot ko pa ang aking ekspresyon sa harap niya para mas maging kapani-paniwala ang ginagawa kong pagpapanggap.
“You know what, I'm so depressed right now, Tonny. Ipinagkasundo kasi ako ng aking mga magulang sa pangit na kasosyo nila sa negosyo,” malungkot at naluluhang sabi ko sa kaniya.
Kunwari ay nagpahid pa ako ng luha sa aking mga mata bago itinuloy ang sasabihin ko para mas lalo niya akong paniwalaan.
“Gusto kong makalimot kahit sandali lang, Tonny. Kahit ngayon lang dahil hindi ko matanggap na kaya nila akong ipakasal sa matanda para sa pera."
"Sure, Princess. Anything you want, ibibigay ko, pero anong kapalit ang makukuha ko kung pagbibigyan ko ang gusto mo?" naninigurong tanong ng tusong mayor na katabi ko.
Malandi akong ngumiti sa kaniya. "Me, you can have me all night. Kahit magsawa ka sa katawan ko magdamag, basta sasabayan mo ako para pareho tayong mag-e-enjoy."
Sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ni Mayor Rosales. “Sigurado ka ba?”
“Yes,” mabilis kong sagot. “Mas gusto ko pang ibigay ang virginity ko sa iba, para naman mag-enjoy ako kesa naman ang matandang iyon lang ang makinabang sa katawan ko.”
"Makukuha mo ang gusto mo, Princess,” agad na sabi ni Mayor Rosales. “Let's get out of here and go to my place.”
"Sasama ako, pero kotse ko ang gagamitin natin, Tonny.”
Nangunot ang noo niya at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
“Bakit?”
“Puwede namang sumunod sa atin ang mga tauhan mo," pangungumbinse ko sa kaniya.
"Bago lang kasi ang kotse ko. I can't leave it here, and I won't allow anyone to touch and drive my baby dahil kahit driver ni Daddy ay hindi ko pinapahawak kahit susi."
Ngumiti sa akin si Mayor Rosales at, puno ng pagnanasang, hinaplos ang pisngi ko.
“Sure, as you wish, Princess!”
Alam kong nag-iinit na siya, kaya para siyang batang naging sunod-sunuran sa gusto ko. Lumabas kami ng bar at sa kotse ko kami sumakay. Ako ang may hawak ng manibela at nakaupo siya sa passenger seat habang sinusundan ko ang kotseng sakay ang mga tauhan niya.
Everything goes so well according to my plan. Tumawag ang kasamahan ko na may pangalang Daddy sa phone book ko at malinaw na nakikita ni Mayor Rosales sa screen ng Bluetooth ng sasakyan ko.
Naka-monitor siya sa operasyon ko ngayon dahil nakipag-coordinate ako sa kaniya bago pumasok ng bar. Malinaw na nakikita niya ang nangyayari sa paligid ko, pati na rin ang target namin, kaya alam niya kapag pumasok na sa sasakyan ko si Mayor Rosales, ay simula na ang trabaho niya dahil sa nakakabit na kamera sa katawan ko.
"Yes, Daddy?" agad kong sabi nang sagutin ko ang tawag.
Sinadya kong naka-loudspeaker ito para marinig ni Mayor Rosales at magmukhang totoo ang pagpapanggap ko.
"Where are you right now?” narinig naming matigas at kunwari ay galit na tanong ng kasamahan ko mula sa kabilang linya.
"I'm having a good time, Dad," tipid kong sagot.
"I have transferred twenty million to your account. Pagkatapos mong magsaya d'yan, umuwi ka na dahil kailangan mo nang maghanda sa nalalapit mong kasal.”
Hindi na ako sumagot at agad pinutol ang tawag. Pinindot ko ang end button at bumaling sa katabi ko. Alam kong sa ginawa ko, hindi ako basta gagalawin ni Mayor Rosales dahil sa isip niya, makapangyarihan ang aking pamilya, kung saan malaki ang magiging pakinabang niya kapag dumikit siya sa akin. Bagay na pabor sa misyon ko dahil ito mismo ang gagamitin ko para ilabas ang bahong pinakatago-tago niya.