THERESA
Napangiwi ako nang magising na napakasakit ng aking buong katawan at kalamnan. Daig ko pa ang napalaban sa away kagabi at nabugbog ng mga kalaban ko. Grabe kasi ang stamina ni Blake. Dahil pulis siya at alaga sa push-up ang katawan, kaya napakalakas niya at talagang napalaban ako sa kama magdamag.
Mahirap pala makipag-seks sa virgin dahil kapag natuto na, nagiging halimaw sa kama. Grabe ang naging karanasan ko sa kaniya kagabi. It's unimaginable, and honestly, nag-enjoy naman talaga ako sa namagitan sa aming dalawa. Kaya lang, grabe naman ang aftermath ngayong humupa na ang init ng aming mga katawan.
Napailing na lamang ako nang maalala ko na nabali pa namin ang kama. Kaya ang resulta, sa lapag kami natulog. Pero hindi pa nakuntento si Blake dahil nagising na naman akong nasa ibabaw ko siya at pinanggigilan ako.
Akmang babangon sana ako nang matigilan ako at mapangiwi. Masakit ang mga binti ko, lalo na ang balakang ko. Mahapdi rin ang kaselanan ko at mukhang nasobrahan ako sa seks, kaya kailangan ko talagang magpahinga.
"Yan kasi, kasalanan mo 'yan, Theresa," panenermon ng kabilang bahagi ng utak ko.
Na-challenge si Blake dahil sa sinabi ko, kaya inubos niya magdamag ang lakas ko. I wonder kung may katas pa siyang natira at hindi natuyuan, kasi hindi ko na mabilang kung ilang ulit siyang nagpakawala ng semilya sa loob ko.
Hindi ako natatakot na mabuntis ni Blake, kaya hinayaan kong panay ang putok niya sa loob ko kasi unstable naman ang menstruation ko at may hormonal imbalance pa ako.
Natigilan ako nang maramdaman kong pumulupot ang braso ni Blake sa bewang ko at kinabig ako palapit sa kaniya, kaya naglapat na naman ang aming mga katawan.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Lara?" malambing at paos ang tinig na tanong ni Blake sa akin.
Bumilis tuloy ang pintig ng puso ko, kaya ilang segundo ang pinalipas ko bago sumagot.
"Masakit ang buong katawan ko. Grabe ka kasi kagabi, Blake."
Mahina siyang natawa at naglalambing na humalik pa sa buhok ko. "Ang bango mo, ang sarap amuyin, Lara—"
"Hey, stop!" malakas na saway ko sa kaniya.
Alam ko na ang susunod na mangyayari kapag hinayaan ko siyang ituloy ang patak-patak na halik ni Blake sa leeg ko. Natuto na ako, at kapag hindi ko siya pinigilan ngayon, ay baka hindi na ako makatayo at makalabas ng silid niya.
"Masakit na ang kalamnan ko, tapos pagod na pagod pa ang pakiramdam ko kahit natulog na ako, Blake,” nakasimangot na sabi ko sa kaniya.
“Hmmm, masasanay ka rin, Lara,” paos niyang bulong sa akin, pero napairap ako.
“Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakuntento magdamag, kaya may balak ka na namang umiskor ngayong umaga, Blake. Aba, pagpahingahin mo naman ako."
"Opo, yakap lang, promise," malambing niyang sagot.
Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin niya ako ng mahigpit at sinundan ito ng biglang pagsapo ng kamay niya sa kanang dibdib ko at pagdiin ng ibabang bahagi ng kaniyang katawan sa akin, kaya ramdam ko ang matigas at buhay na naman niyang alaga nang bumundol ito sa pang-upo ko.
Tama nga ang sabi-sabi na matulis ang mga pulis, kaya lagi silang nag-iinit. Proven and tested ko ito sa kaniya ngayon, kaya kung gusto ko pang makalakad, kailangan ko nang bumangon para makalayo sa kaniya.
Hinawakan ko sa braso si Blake at marahang hinaplos ang balat niya. Hindi ko ito ginawa sa mga lalaking nakilala ko, pero sa tingin ko, kailangan kong maglambing sa kaniya para pagbigyan niya ako.
"Blake, nagugutom na ako,” naglalambing na bulong ko sa kaniya.
Naramdaman kong bumaon sa batok ko ang kaniyang mga labi bago sumagot si Blake.
"Sige, huwag ka na munang bumangon para makapagpahinga ka. Ako na ang bahalang maghanda ng almusal natin.”
Nakahinga ako ng maluwag nang bumangon na siya at agad na lumabas ng silid. Mabilis na hinatak ko ang kumot at binalot ang kahubaran ko at nagtalukbong kasi nilalamig ako.
Marahil dala na rin ng pagod at puyat, kaya nakatulog agad ako. Pero muling nagising nang ginigising ako ni Blake at sinabing handa na ang almusal.
"Tanghali na, Lara. Bumangon ka muna dahil lalamig na ang pagkain natin sa mesa," narinig kong sabi ni Blake kasabay ng marahang pagtapik ng kamay sa aking balikat.
Masakit ang aking ulo at buong katawan, kaya kailangan kong matulog at magpahinga. Pero dahil makulit siya, napilitan akong bumangon para maghilamos at mag-toothbrush.
Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang kirot ng hiyas ko. Nagsisisi tuloy ako na biniro ko si Blake kagabi, kaya sa susunod ay hindi ko na siya bibiruin tungkol doon dahil baka tuluyan na akong mabalda at hindi na makalakad pa.
Hindi ko naman kasi akalain na napakalakas pala ng stamina niya dahil karaniwan naman sa mga naka-one night stand ko noon ay isang round lang, tapos goodbye na.
Isinantabi ko muna ang strict diet ko ngayong araw dahil kailangan kong kumain para makabawi ng lakas. Nang matapos kumain, hindi na ako tumulong sa kaniya na magligpit ng pinagkainan namin. Mabilis akong bumalik sa silid at nahiga sa kutson sa sahig, at pagkatapos ay niyakap ang unan at nakatulog.
Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng labis na pagod at panghihina, kaya sinabi ko kay Blake na huwag niya akong gisingin.
Pinagbigyan naman niya ako, kaya alas-dos na ng hapon ako nagising. Nagulat pa ako nang makita ko si Blake nang lumabas ako ng kaniyang silid.
“Hi, Lara,” nakangiti niyang bati sa akin.
“Hindi ka ba pumasok sa trabaho mo, Blake?”
“Hindi,” maikli niyang sagot. “Nagluto na ako ng tanghalian natin, Lara.”
Niyaya niya akong kumain. Pinagbigyan ko naman siya kahit alam kong hindi dapat dahil siguradong lolobo ang katawan ko kapag puro kanin ang kinakain ko araw-araw.
Matapos kumain, nagpaalam ako kay Blake na aalis muna ako dahil may importante akong pupuntahan na may kaugnayan sa kasong hawak ko.
“Samahan na kita, Lara.”
“Huwag na,” mabilis kong sagot kasabay ng malakas na pintig ng puso ko.
Gusto sana niyang samahan ako, pero tumanggi ako. “I'm sorry, pero confidential ang lakad ko, kaya hindi ka puwedeng sumama, Blake.”
“Pulis ako, Lara,” mabilis na sagot ni Blake. “Siguradong matutulungan kita at mas mabuting kasama mo ako para masiguro ko ang kaligtasan mo habang narito ka sa probinsya.”
Nangunot ang aking noo at pormal ang ekspresyon ko nang humarap ako sa kaniya.
“Ayaw ko ng makulit, Blake.”
“Sige, kung iyan ang gusto mo, Lara.”
Hindi na nagpumilit sumama si Blake. Pinanood niya ako habang nag-aayos ng mga gamit ko hanggang sa natapos ako.
"Kailan ka babalik dito, Lara?" tanong ni Blake nang ihatid niya ako sa tapat ng kotse ko.
"Hindi ko pa alam. Tatawagan na lang kita," sagot ko kahit sigurado akong hindi ko ito gagawin.
Kailangan ko nang kumilos ng mas mabilis. Dalawang araw na akong nandito sa lugar nila at may limang araw pang natitira para matapos ko ang misyon ko.
"Sige, mag-ingat ka. Tawagan mo agad ako kapag nakarating ka na sa Maynila," sabi ni Blake sa akin.
Hindi maitago ang lungkot sa kaniyang mga mata nang nag-angat ako ng aking mukha at tipid na ngumiti sa kaniya.
"Sige."
Ikinakabit ko na ang seatbelt sa aking katawan. Dumukwang naman si Blake at kinabig ako sa batok, kaya napatingin ako sa kaniya. Mabilis niyang tinawid ang pagitan ng aming mga mukha at agad hinuli ang aking mga labi at siniil ng mapusok na halik.
Gumanti naman ako ng halik. Sinabayan ko ang bawat galaw ng mga labi niya at paghagod ng dila niya sa aking labi, pero ako rin ang pumutol sa halikan namin.
"Sige na, gagabihin ako sa biyahe," paalam ko. “Maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa akin sa bahay mo, Blake."
"Welcome ka dito sa bahay kahit anong oras mo gustong pumunta, Lara," sagot ni Blake kasabay ng marahang pagpisil sa baba ko.
May dinukot siya sa kaniyang bulsa at pagkatapos, inabot niya sa akin ang susi ng kaniyang bahay.
“Anong gagawin ko d'yan?” maang na tanong ko sa kaniya.
"Para makapasok ka at makapagpahinga kahit wala ako dito sa bahay kapag bumalik ka,” nakangiti niyang sagot.
Inabot ni Blake ang kaliwang kamay ko at binigay sa akin ang susi ng bahay niya. Napatingin na lamang ako sa bagay na nasa palad ko at hindi agad nakapagsalita.
"See you soon, Lara.”
Sandali akong natigilan at natulala nang halikan niya ako sa noo. Ilang ulit akong napakurap at napalunok dahil heto na naman ang napakabilis na pintig ng aking puso.
"Sige, aalis na ako, Blake."
Tumango siya at ngumiti sa akin. “Sige, mag-ingat ka sa pagmamaneho, Lara.”
“Salamat, Blake.”
Kahit nanginginig ang aking kamay, binuhay ko ang makina ng aking kotse. Isinara naman ni Blake ang pintuan ng sasakyan ko at nakangiting kumaway sa akin.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagpikit ng aking mga mata, at pagkatapos ay pinasibad ko na ang sasakyang dala ko.
Habang palayo ako, sumulyap ako sa side mirror, kaya nakita kong nakatayo pa rin pala si Blake sa kinatatayuan niya at nakasunod ang tingin sa kotse ko hanggang sa tuluyan akong nakalayo sa kaniya at nawala siya sa paningin ko.
Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng bigat sa dibdib habang palayo ako sa lugar kung saan naging bahagi ng misyon ko.
Siguro nga ay naging espesyal talaga si Blake sa puso ko dahil nagkaroon ako ng kakaibang damdamin para sa kaniya sa loob lamang ng maikling panahon, pero kailangan ko itong sikilin dahil alam kong kahit anong mangyari ay wala itong maidudulot na maganda sa akin.
Pinili ko ang umalis dahil kailangan. Nagkaroon na ako ng marking point sa mga lugar kung saan nagpunta si Mayor Rosales kahapon matapos umalis ng munisipyo at umuwi ng umaga sa bahay niya, kaya kailangan ko nang kumilos para tapusin siya.
Imbes na umalis dito sa Iba at bumalik sa Maynila gaya ng paalam ko kay Blake, ay tumigil ang sasakyan ko sa isang liblib na lugar.
Pumarada ako sa gilid ng kalsada kung saan hindi basta mapapansin ng mga taong dadaan dahil kailangan kong palitan ang plate number ng kotse ko at mag-aayos na rin, para hindi ako mamukhaan ng mga kakilala ni Blake at baka ituro na naman sa kaniya kapag nakita nila ako.
Mabilis ang bawat kilos ko nang bumaba ako at agad pinalitan ang plate number sa harap at likuran ng sasakyang dala ko. Ligtas naman ito dahil galing ito mismo sa LTO. Kahit may mag-check sa akin sa daan, lalabas pa rin sa checking ng highway patrol group na may ganitong uri ng sasakyan dahil isa ito sa pag-aari ng organisasyong kinabibilangan ko.
Bahagi ito ng trabaho ko, kaya natutunan kong gawin ang ganito. Ilang minuto lang, iba na ang plate number na nakakabit sa sasakyang dala ko.
Nang matapos ko itong palitan, agad akong pumasok sa loob ng sasakyan ko at nagbihis. Gamit ang maliit na salamin, nagbago ang mukha ko dahil sa make-up na inapply ko. Mas attractive at sophisticated ang itsura ko ngayon. Inayos ko na ang damit na suot ko, pati na rin ang buhok ko. Gumamit ako ng wig na bumagay naman sa akin, pero siguradong hindi na ako makikilala ng mga taong nakasalamuha ko dito sa Iba, Zambales.
Ilang minuto pa ang pinalipas ko, isa-isa kong tiningnan ang mga lugar na nakita kong pinuntahan ni Mayor Rosales sa loob ng twenty-four hours na nakamonitor ako sa kaniya gamit ang GPS at tracker na ikinabit ko sa kaniyang sasakyan.
Gamit ang GPS, hinanap ko ang mga nasabing lugar at establisyemento online. High-tech ang nakakabit na tracker sa sasakyan ni Mayor Rosales, at naka-auto link ito sa sistema na konektado sa cellphone ko at malaking screen dito sa loob ng sasakyan ko.
Walang kahirap-hirap na nahanap ko ang mga lugar na pinuntahan ng target ko online. Bago umalis, sumulyap muna ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Siniguro kong walang makakakilala sa akin sa pupuntahan ko. Ibang mukha ang makikita ni Mayor Rosales sa paligid niya sa oras na magkaharap kaming dalawa.
May dalawang oras pang natitira, sapat para mapaghandaan ko ang paghaharap namin ng mayor na pakay ko. Hindi magtatagal, matatapos rin ang paghahari niya sa bayang ito.
Ako ang magiging hadlang sa landas niya, at kapag nangyari iyon, hindi na siya makakabangon pa dahil hindi lang ang pangalan at reputasyon ni Mayor Rosales ang sisirain ko, na siyang utos ng big boss ko, kundi pati na rin ang lahat ng mga taong nasa likod niya at sumusuporta sa kaniya dahil nakikinabang rin ang mga ito sa kaniya.